Nakita ko si Brian, natutulog. Ang nakakapanibago kasi bakit sa lamesa. Lumapit ako para tingnan kung tulog talaga, oo nga tulog nga mahimbing na mahimbing ang tulog ng lolo mo!
Kumuha ako ng unan st kumot sa kwarto. Binuhat ko ang ulo niya para malagay ang unan sa ulo niya.Nang mailagay ko na, kinumutan ko siya.Gumalaw siya ng onti na para bang nasarapan ang pakiramdam , ngumiti siya.
* krrrrig (vibrate) krrrrrrig* (Ganda ng sounds no? XD)
Napatingin ako sa baba at nalaglag pala ang cellphone niya, nakaopen lang ito at walang lock, accidentally ko nabuksan at smart lang pala ang nagtext. Ilalapag ko sana ang cellphone niya pero napindot ko ata yung notes na nasa gilid lang ng screen niya. Ano ba naman to ,masiyadong soft touch! Hindi naman sa pakialamera ah! pero parang ganun na din, hindi ko naman binasa, nagscroll lang ako ng onti at puro schedule lang, iniscroll up ko na pero may umagaw ng atensyon ko.
Siya ang pinakakainis na babae sa mundo, hindi man lang kasi niya nararamdaman na nagaaalala ako. I hate you lsdnmgjvoiergnbpw!WS2s
Sino kaya ang babaeng tinutukoy niya, Inlove na ba siya? Ang gulo kasi ng huling word! bakit naman hindi man lang niya sinabi sakin. Bigla tuloy nalungkot ang gabi ko. Bakit ganun ? Parang ayoko pa ata na may kinaiinisan siyang ibang babae sakin. Selfish na ba ang tawag dito? Diba dapat matuwa ako kasi hindi lang pala ako kinaiinisan niya....
Zoe , Zoe matulog ka na nga! May pasok pa bukas. Umakyat ako sa kwarto at tsaka inisip ulit yung nakalagay sa notes niya. May minamahal na ba talaga siya? Affected ba ko? ...
[ BRIAN POV ]
*kring! kring! kring! gising na! kring ! kring!*
nagalarm ang alarm clock sa cellphone ko. Aray ansakit ng batok ko, nakatulog pala ko dito sa lamesa, kakahintay sa bwisit na babae na yun! Bakit kasi hindi siya tumawag man lang diba? Masiyado niya ko pinagaaalala! Sino nalang magluluto ng pagkain ko, diba? diba? T_T
Pagbangon ko ay nalaglag ang kumot sa likod ko.Pinulot ko ito, hindi ito akin. Pink tapos hello kitty? At tsaka hindi ko naman naaalalang nakakuha ako ng kumot kagabi, napatingin din ako sa lamesa at may unan .Sino naman kaya ang naglagay nito. Malamang sino pa ba maglalagay sakin! ambobo mo talaga Brian!
Pero bakit naman kaya niya ko bibigyan nito? Peace offering? Umakyat ako sa kwarto niya, kakatok sana ako pero bukas ng kaonti yung pinto, pumasok ako, ilalagay ko lang naman yung unan at kumot sakanya. Wala ng iba.
Nakita ko siyang nakatagilid at nakatanday sa isang unan. Fetus style ang itsura niya, nakasando at maigsing short. Walang unan ang ulo niya. Dalawa nga lang pala ang unan niya. At yung isa binigay pa saakin. Napangiti naman ako , kahit kasi dragon tong babaeng to, may concern pala siya sa tao.
Tumabi ako at umupo sa kama niya, Binuka ko ang kumot at saka kinumutan siya. Inangat ko ang ulo niya para ibalik ang unan na binigay niya. Kaso hindi ko pa natatapos ang paglagay ko,bigla niya binaba ang ulo niya , napasama ang kamay ko. HINDI MAALIS!!!
Sinubukan kong hilahin, Ayaw talaga maalis. Nakaharap ako sa kanya at medyo nakapatong yung dibdib ko sakanya, Nakatapat yung labi niya sa labi ko .. Pinagpapawisan ako!!
After 5 minutes ay napadilat siya.
-__-
-__o
o__-
-__-
o____________o
dumilat siya. Gulat na gulat! Pero hindi pa rin siya nagsasalita. Nakatitig lang siya sakin at pati na din ako, hindi ko alam ang sasabihin ko!!
BINABASA MO ANG
MY BIPOLAR BOYFRIEND 0_0 :)
Teen Fiction"There will always be a reason why you meet people. Either you need them to change your life or you’re the one that will change theirs." Learn to fall in love again! ^_^