TIRED

1 0 0
                                    

I try to focus working but I still can't forget what I saw a while ago..

"okay ka lang ba kabago bago mo mukang tatamad tamad ka na yata. " pagsasalita ng kasama kong waitress na mukang mainit na ang ulo mula nung makapasok ako sa trabaho.

" pasensya na marami lang akong iniisip, wag kang mag alala masipag ako kumpara sayo. " sagot ko na parang nangangatwiran pa, kaya medyo lalong nainis ang muka nya.

" sumasagot ka pa! " sasampalin na sana nya ako pero biglang dumating ang manager at bigla na lang syang nagbait baitan..

" matagal pa ba yang inaayos nyo meron ng mga costumer sa labas. bilisan nyo. " pagtatawag sa amin ng manager.

" may araw ka din sa akin tandaan mo yan! " pagbabanta sa akin ng babaeng hipon.

syempre hindi ako natatakot sa kanya wala pa sya sa kalingkingan ng babaeng guwardiya sa selda namin dati.

++++++++++++++++

paglabas ko sa kusina nabigla ako dahil naaninag ko doon si Carlo ang ex ko. mag isa syang nakaupo mukang may hinihintay sya.

sinubukan kong lumapit ng konte.. parang gusto ko syang yakapin miss na miss ko na sya. pero sa kabilang banda... isa sya sa naging susi para madiin ako sa kasalanang hindi ko naman ginawa.

may dumating isang matandang lalaki at umupo sa harap nya.. nagtago ako para hindi ako makita pero malinaw pa din naman usapan nila kung saan ako nagtatago.


"Di ba sinabi ko sa yo kung gusto mong makipag usap dun tayo sa walang masyadong tao."init na bungad ng matandang lalaki kay Carlo.


"Mr. Yap hanggang kelan pa ba ako maghihintay para makuha yung ipinangako nyong posisyon sa akin sa kompanya. May halos limang taon na din, ginawa ko na ang lahat ng sinabi nyo. Pinakasalan ko na ang anak nyo, nagawa kong ipagkanulo ang babaeng mahal ko.. ano pa po ba ang dapat kong gawin para makuha ko ang tiwala nyo?" pasigaw nyang sabi sa matandang lalaki na nasa harap nya. Pero nung narinig ko ang sinabi nya tungkol sa akin hindi ko na maiwasang hindi maiyak.. pinilit kong lumayo muna kung nasan sila at lumabas ng resto.


+++++++++++

ang sakit sakit sa dibdib parang gusto ko nang mamatay... bigla kong kinuha ang kutsilyo sa kusina...hindi ko na kaya ang sakit mas mabuti pa yatang tapusin ko na ang buhay ko para hindi na ako masasaktan.

hiniwa ko ang pulso ko at tuloy - tuloy ang pag agos ng dugo.. hanggang mawalan na ako nang malay..





++++++++++++++

nay..... nay......

san ka pupunta hintayin mo ako.

nakangiti pa din si nanay sa akin pero palayo sya ng palayo..

"wag mo akong iwanan nay... "

sigaw ko at bigla akong nagising. hindi ko alam kung nasan ako. ang naalala ko lang ay sinubukan kong tapusin ang buhay ko. pero bakit buhay pa ako.

nakita ko ang isang matandang babae sa tabi ko na mahimbing na natutulog.

mga ilang minuto lamang ay bigla syang nagising.

"kumusta na ang pakiramdam mo? "tanong sa akin ng babae.

" okay na po ako, pero sino po kayo? bakit po nandito ako? " pagtataka kong sagot.

" Ako si Dra. Leticia Yap. doktor ako dito. dinala ka ni Mr. Lim dito. muntikan ng maubos ang dugo mo pero pasalamat tayo at nakaligtas ka. " mahinahon nyang paliwanag sa akin.

" bakit hindi nyo nalang po ako hinayaang mamatay tutal wala na pong kwenta ang buhay ko. " mangiyak ngiyak kong sabi.

" Lahat ng tao may dahilan kung bakit nabubuhay, ang Diyos lang ang may karapatang magbigay at bumawi ng buhay na binigay nya. "Paliwanag nya na nagpalakas lalo ng pag iyak ko.

niyakap nya ako habang umiiyak ako. nabigla ako kaya pinilit kong ilayo ang sarili ko pero pinigilan nya ako. wala na akong nagawa pero ang totoo gumaan ang pakiramdam ko nung niyakap nya ako.

kahit hindi ko sya kilala parang matagal na kaming magkakilala.


Remember that dayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon