Love Like Woe [1]

2.3K 41 2
                                    

"Pumunta ka pa" masungit na bati saakin ni Mika

"Sorry na Miks wala kasi si Coach tsaka alam mo namang di ako pwedeng umalis kasi captain at malapit na ang try outs para sa national team" pagpapaliwanag ko kay Mika habang nilalambing lambing ko sya pero ang gaga pakipot parin, akala nya naman ikakalaki ng ipin nya yun.

"Sorry na, sino palang panalo?" in an instant ay lalong lumungkot ang mukha ni Mika

"Sino pa ba? Edi syempre yung LSGH" at kwinento nya saakin yung mga highlight nung game habang hinihintay namin si Jeron galing sa locker room

"Galing ko diba" sabat ni Jeron kay Mika at ang loka ayun inatake ang boyfriend nya ng yakap

Kung alam ko lang magiging audience lang ako ng sweet moments edi sana hindi na ako nagmadali dito

"Oo nga Je ang galing mong mag three points kanina, grabe" kilig na sabi ni Mika habang nakakulong na sa mga bisig ni Jeron

no choice ako kaya lumapit na ako kasi kung tutunganga ako din ay malamang sa malamang ay aabutin kami ng syam syam

"Yeah right, but not enough to beat LSGH. Tama na yakap ng makakain na tayo, mamaya na landi" pangaasar ko sakanya at hinigit palayo sa kanya si Mika

"KJ mo talaga daks! Bitter ka lang kasi wala kang love life" and she tuck her tongue out

akma ko syang babatukan ng pigilan ako ni Jeron kaya inirapan ko nalang sya

"Ohh tama nayan, lalong hindi tayo makakain kung mag-aaway pa kayo" kaya ayun nagsimula na kaming maglakad patungo sa labasan ng gym

"Ay Saglit lang Ara at Mika!" pagpipigil saakin ni Jeron sa paglalakad at pumunta sya sa dug out ng LSGH at hinila si Thomas Torres

Naks magkaibigan pala talaga sila, kahit na mortal enemies sila sa loob ng court. Akala ko echos lang yung nabasa ko sa facebook na magkaibigan sila

nginitian naman kami ni Thomas

At dun ko napag tanto na totoo din palang kamukha nya talaga si Bimby Yap

"Ara, si Thomas nga pala bestfriend ko at team captain ng LSGH. Thomas si Ara nga pala bestfriend ni Miks at team captain ng swimming team ng St.Xander" magiliw na pagpapakilala ni Jeron kay Thomas. Agad ko namang inabot ang kamay ko kay Thomas

"Nice to meet you Thomas!" sabi ko with all smiles pa, syempre baka sabihin nito istariray ako

"Pleasure to finally meet you Ara" sabi nya at kinulong ang kamay ko sa mga palad nya at nakangiti pa sya yung tipong pang Damon Salvatore, ganun ka pogi, kaya ang lola nyo mejo nahiya pero slight lang naman

Hindi na ako nakarecover sa ngiti nyang yun buti nalang at nagsalita si Jeron.

"Oo nga pala Ara, may pinapasabi pala si Thomas sa'yo" nilingon ko si Jeron pero hindi parin pinapakawalan ni Thomas ang kamay ko

"Ano gusto nya daw sanang lumabas" pacute na sinabi ni Jeron na medyo naguguluhan.

habang si Miks naman ay halatag kinikilig sa nangyayare at nag thumbs up pa saakin

"A-ano?" bigla akong nakaramdam ng hiya at kilig, na nararamdaman ko lang pag nanonood ako ng vampire diaries, sa sinasabi ni Jeron dagdagan mo pa ang ngiti at titig saakin ni Thomas.

Tinignan ko din si Thomas at nginitian pero bago pa ako makasagot sa tanong ni Thomas ay muling nagsalita si Jeron

"Kaya kung sana daw ay tumabi ka daw,nakaharang ka kasi sa labasan" napanganga naman ako sa gulat at napataas ang kilay ko dun sa sinabi ni Jeron. Lahat ng kilig at slow mo ay naglaho, hinila ko na din ang kamay ko mula sa pagkakahawak ni Thomas.

What if ThomAra happened?Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin