Pavote at pacomment.
Pafollow if you think I deserve to be followed.
Writer: myscarletletters
Chapter 9: inlove si maldita
“bat mo pa ba ako isasama sa party na yun ah? Ang layu-layo kaya nang pupuntahan natin” pag rereklamo ko kay Miko.
“sabik kasi silang makilala ang magandang maladyosa kong asawa” complement nya sa akin.
Hindi naman ako nagrereklamo dahil sa pagdadalo lang ng party kundi dahil dun eheheld ang party sa new branch ng business namin dun sa Batangas.
Opening rin kasi kaya ayan sinabay nalang dun ang party.
“Miko ayoko talagang sumama kung party lang ang pupuntahan natin”
“kung gusto mo mag batangas escapade tayo pagkatapos ng party. Magstay muna tayo dun for one week sem break mo rin naman diba?”
“REALLY!!!! MAGSTASTAY TAYO!!!!…ahemmm.. ok mag stay tayo” bigla kong binago ang mood ko para hindi naman nya mahalata na interesado ako.
“sige ihahanda ko na ang mga damit mo”sinabi nya yun with those big carefree smile plastered in his face.
ang saya nya nong pumayag ako kaya dali-dali syang pumunta sa kwarto namin at nagsimulang mag-empaki.
Dumating na ang umaga and it’s time to go the beach!!!! I mean it’s time to go to Batangas.
Nagdradrive na si Miko all the way to Batangas. along the way andaming pasikot-sikot at ang mga alikabok sa kalsada ay panay na ang dikit sa car ko.
Ewwww….
“bat ba kasi ang car ko pa ang ginamit mo kumag ka!!! Tignan mo tuloy na didikitan na ng mga alikabok. Kadiri na tuloy ang aking Chevrolet camaro”
“eh alam mo naman diba na pinamaintinance ko pa ang sasakyan ko.”
“bat ba ang tagal ng maintenance nay an ah? Saang talyer mo ba yan pinaayos? Mabuti pang bumili ka na ng bago”
“basta Unice wag kanang makulet, useless na rin yang pagrereklamo mo.”
After that boring conversation natulog nalang ako and that took 3 hours para makarating kami sa distinasyon.
Bukas pa rin ang party kaya pwede akong maglakwatsa sa tabing dagat mamaya pagdating naming dun. Mahilig kasi ako sa beach kaya napa-oo ako nong sinabi nyang magspespent kami ng one week dito.
“Unice andito na tayo”
I opened my eyes and rub it.
Pinagbuksan ako ni Miko ng pinto at pagkalabas na pagkalabas ko nakita ko ang pagkaganda-ganda na villa. Na nakaharap sa tabing dagat
“OMG!!!! ANG GANDA…!!! ANG GANDA GANDA MIKO.!!!”
(nasa right side ang outfit ni Unice)
Matagal-tagal na rin akong hindi nakapagcompliment sa isang bagay. Ang high kasi ng standards ko. At ang villa na ito ay nakapasa sa standards ko kaya ayan, excited na akong pumasok ditto and spent my one week here.
“did you like it?”
“oo noh… magsisisigaw ba ako ng OMG ANG GANDA GANDA MIKO kung napapangitan ako,by the way kanino tong villang toh?”
“atin”
“wheee? Di nga???”
“I knew from the very start that you wanted a villa near the seashore. I remembered that time when we were just little kids goofing around. you told me that when you grow-up you want to marry me and live together with me in a villa near the seashore” he said it happily and having those honest smile plastered in his face.
Oo, nasabi ko yun sa kanya pero hindi ko talaga inaasahan na maaalala pa nya yun. That time siya talaga ang pinapangarap kong maging asawa. Oo, alam ko masyado pa akong bata nun at yun na ang pinag-iisip isip ko pero that time sincere at totoo lahat ng sinabi ko. Ewan ko nga bat ko yun nasabi.
Dali-dali akong pumunta sa magandang buhangin sa beach.
I cupped the sand at binato kay Miko.
“wag mo ngang ipaalala sa akin yun” nahihiya kasi ako pag naaalala ko yun.
Tawa lang ng tawa si Miko.
“Jerry I love you.. I love this new you, unting-unti ka nang nagbabalik sa dati”
“shut up tom!!! Ang panget mo..take this!!!!!”
Patuloy pa rin ako sa pagbabato sa kanya ng buhangin. At panay ang pagtatakbuhan naming dito sa beach.
Kahit gabi na nagtatakbuhan pa rin kami dito ni Miko. I enjoyed this kind of bonding we shared to each other.
He just continued laughing freely yung tipong walang problema.
And by the way jerry ang tawag nya sa akin nong mga bata pa kami. Eh kasi ang pandak ko raw at siya naman si tom kasi always sya nangbubully sa akin always rin kasi naming pinapanuod ang tom and jerry.. Pero ngayon, nagbago na ang lahat.
ang lalaking always nang bubully sa akin ay naging sweet at maaalahanin sa akin ngayon. At ang ako naman, ang pandak noon naging matangkad na pero mas matangkad pa rin si Miko sa akin. At naging maldita ang helpless na jerry noon.
Nagulat ako ng bigla syang nagstop at niyakap nya ako. . Pinulupot nya ang kamay nya sa bewang ko at nilapit ako sa kanya. Kaya nagkadikit na ang katawan namin.
*dug..dug..dug…dug..*
Ang init ng katawan ko at parang namumula ako. Sabayan pa ng puso ko na to the highest level ang pagtibok na yung tipong sasabog na.
“I wish I always see those beautiful smiles of yours.”
Hindi ko nakikita ang ginagawang ekspresyon ng mukha nya dahil ang higpit ng pagkakayakap nya sa akin.
Hindi ko nga rin napansin na, na pangiti pala ako.
“wag mo nga akong dramahan .. halika na tulog na tayo”
“ayoko pang matulog, gusto ko pang makasama ka dito. Gusto kong maglakad-lakad dito sa tabing dagat kasama ka Unice.”
My heart skip a bit nong sinabi nya yun.
I felt this romantic atmosphere embracing us.
We’re just walking in this beautiful seashores sabayan pa ng pag stastarry night ng kalangitan at ang ganda rin ng buwan na .
Kung nakakaappreciate lang siguro ako ng romantic scenes for sure kanina ko pa na describe ang ganda ng moment nato.
“pwede bang makipagholding hands sayo?”pagtatanong ni Miko.
Ano ba ang isasagot ko? Kinakabahan ako ng hindi ko nalalaman ang rason.
“umm…pw-pwede” nabubulol kong sabi.
Nong nakita ko ang expression sa mukha ni Miko mas lalong napapabilis ang tibok ng puso ko. Namumula kasi sya. Ang pula-pula ng pisngi nya.
Nong hinawakan nya ang kamay ko dali-daling pumunta sa ulo ko ang lahat ng dugo ko sa katawan.
“Miko.. bat ang bilis ng tibok ng puso ko pag malapit ka sa akin?” out of the blue natanong ko yun.
Kaya nanlaki ang mata ni Miko at inalis ang tingin sa akin sabay na ngiti nya at hinila ako palapit sa kanya.
“siguro in love ka na sa akin.”
Those words made me expode .
nahiya ako kaya inalis ko ang pagkakahawak nya sa kamay ko at tumakbo ako papasok sa villa at iniwan ko si Miko dun sa tabing dagat.
“am I really in love?”
To be continued ^_^
sorry ..promise dadalas-dalasan ko na ang pag uupdate neto.
Pavote at pacomment naman para ganahan akong gumawa.. hehehe
Writer: myscarletletters
BINABASA MO ANG
inLab Si Maldita ( ongoing)
RomanceMaraming tao sa mundo ang pinanganak na sadyang maldita na parang kontrabida. basta maldita ba kontrabida? Ano nga ba ang maldita? Mataray? Antipatika? Mayabang? Arogante? Yes, lahat ng yan pwede ma-classify as Maldita. at isa na dun si Unice at an...