Melody's P.O.V
Hi. Ako si Melody Kim. Isa akong magandang matakaw. Charot. Pinsan ko yung yayamaning member ng EXO. Hehe.
"Dyo! Dyo! Penge naman ako ng burger mo!" sabi ko at kinalabit si D.O. Tinignan lang nya ako at patuloy lang kumain ng burger.
"Hmph! Damoooottt!" sabi ko at inirapan sya. Grabe naman sa damot tong liit na to. Kala mo matangkad.
Bigla namang kumalam yung tiyan ko kaya napasimangot ako. Gutom na talaag akoooooo! Huhuhuhu ㅠ^ㅠ
"Ano ba yan. Gutom ka na naman. Kakaatapos lang natin mag-agahan ah?" rinig kong sambit ni JongiNogNog.
"Eh ano naman? Ikaw kaya magkaroon ng halimaw sa tiyan." sabi ko at napakamot sa batok ko.
"Pfftt--- oh eto chicken." sabi nya at inabot yung kinakain nyang manok. Tinignan ko yun pero parang di ako naa-attract sa kanya.
"Ayaw ko niyan. Gusto ko ahhmm," sabi ko at nag-isip. Bigla ko naman nakita si D.O na kumakain. "burger! Gusto ko ng burger!"
Narinig naman yun ni D.O. at inirapan nya ako. Huhuhu. Ang damot nya po.
"Guys! May dala akong burger oh!" biglang sumulpot si Chen na may dala-dalang supot na may mga burger.
"Oy sakto! Gusto ng dakilang taga-kain ng burger." sabi ni Kai na mapang-asar kaya sinalang ko sya sa pugon para ma-tusta lalo. Joke. Sinabunutan ko lang sya.
"Ayan na ha! Wag mona kunin yung akin!" sabi ni D.O at lumayo sa amin. Sa lahat ng members ng EXO sya ang pinaka-distant sa'kin. Nag-uusap naman kami, minsan.
Pero kahit ganyan yan crush ko yan. Ay, wait. Para kasing mahal kona? Huahuahua. Landi ko no? Isisi nyo yan kay Eli. Yung girlfriend ni Jaehyun.
Naubos ko na't lahat-lahat yung burger ko pero gutom pa din ako. Huhuhuhu. Bakit hindi makuntento yung tiyan ko sa isang burger lang?! Baket?!
"May burger pa ba diyan?!" tanong ko at umikot-ikot sa dorm, nagba-baka sakaling may burger pang natitira.
Pumunta ako sa may kusina at may nakitang isang burger doon. "Kung kanino man 'tong burger dito akin na 'to! Huahuahua!" sigaw ko at kinagatan yung burger. Hehe. Sorry kayo, akin na 'to!
"HOY! AKIN YAN! BAKIT MO KINAIN?!" may sumigaw bigla at paglingon ko nakita ko si Kyungsoo na galit na galit. Omo! Huhu. Save me from satansoo!
"Sorry. Di ko naman alam eh." sabi ko na may burger pa din sa bibig. Sungit naman nito. Parang burger lang eh.
"HINDI KA BA MARUNONG MAGPAALAM?! BURGER KO YON EH!" sigaw nya na parang puputok na yung litid nya. Grabe naman pala 'to magalit.
"Eh parang burger lang naman yon eh!" sabi ko at sinabayan yung trip nyang pag-sigaw. Huehuehue.
"Nakakanis! HINDI PA NGA AKO PUMAYAG NA KAININ NO TAS KINAIN MO AGAD! NAPAKA-WALANG HIYA NAMAN NUNG GINAWA MO! HINDI NAMAN IYO TAS KINAIN MO?! TINDI MO!" sigaw nya. Nainis ako bigla dun sa sinabi nya. Ang sakit naman nya sa feels magsalita!
"EH ANO BANG PINUPUTOK NG BUTSI MO?! BURGER LANG YAN!" sigaw ko pabalik na namumula na sa galit. Nakakainis. Ang babaw ng dahilan nya para magalit! pARANG burGER lanG namAN!!!
"LAHAT NA LANG KASI KINUHA MO SAKIN! KINUHA MO NA NGA YUNG PUSO KO! KUKUNIN MO PA PATI YUNG BURGER KO!" sigaw nya kaya nagulat ako. Hindi lang pala ako ang nagulat. Pati din pala sya.
"A-ano? P-paki u-ulit nga." utal kong sabi habang gulat pa din.
Ngayon ko lang napansin na nandito na pala yung ibang members at naka-ngiting tagumpay sila.
Tinignan ko si D.O at nagulat ako dahil nakatitig lang sya sa'kin.
"Ang sabi ko," sabi nya at humakbang palapit sa'kin. Gustuhin ko mang umatras ay hindi ko magawa dahil parang naka-mighty bond yung paa ko sa sahig.
"Pati yung puso ko, kinuha mo." kalmado nyang sabi pero ako parang sasabog na sa kaba. Yung puso ko jusme. Parang lalabas na sa dibdib ko.
"Melody, ilang taon na tayong magkakilala?" tanong nya sakin na ikina-kunot ng noo ko.
"4 years, baket?" sagot ko.
"Apat na taon na tayong magkakilala. Apat na taon ko na ding kinikimkim yung nararamdaman ko. Sobrang hirap pala noh? Na makita mo yung taong mahal mo na masaya kapag kausap yung band members mo. Pero pagdating sa'yo parang ang igsi ng pasensya nya. Sorry kung masungit ako sa'yo ha? Dahil yun lang yung naisip ko paraan para naman humaba yung conversation natin." sabi nya kaya parang feeling ko nawalan ako ng kaluluwa.
Magsasalita na dapat ako pero pinutol nya yung sasabihin ko. Aba bastos. Joke.
"Sorry kung nasungitan kita at nasabihan ng masasakit na salita. Sorry. Ngayon gusto ko lang sabihin na, Melody Kim, matakaw ka man o hindi. Masungit o mabait. Mahal kita. Mahal kita dahil ikaw si Melody Kim. At sa ayaw at sa gusto mo, mamahalin at mamahalin kita. Hindi moko mapipigilan kahit pa suhulan moko ng burger. At ayos lang kung hindi moko kayang mahalin pabalik. Hayaan mo lang akong mahalin ka, please." litanya nya kaya hindi agad ako nakapag-salita. Grabe. Di naman ako na-inform na may SONA pala.
"Pfftt-- ano bang sinasabi mo?" sabi ko at tumawa ng bahagya. Eto na ba yun? Yung araw na hinihintay ko? Akala ko one sided love ang peg ko eh.
"Melody Kim! Hindi ako nagbibiro." seryoso nyang sabi.
"Ibig kong sabihin, anong ibig mong sabihing hindi ka kayang mahalin pabalik? Mahal kaya kita." sabi ko habang naka-ngiti at niyakap sya ng mahigpit. Parang nanigas sya kaya hinalikan ko sya sa pisngi.
"Uuuuuyyyy. Si D.O binata na!" sigaw ng EXO at inasar kami. Napatawa na lang kami ni D.O sa pinagga-gawa ng EXO.
"Do Kyungsoo," tawag ko sakanya kaya tumingin sya sa akin. "pahingi ng burger mo." sabi ko kaya sinubuan nya ako ng burger.
Haaaaaayyyyy. Mahal na mahal ko talaga 'to eh. Kahit na may nga pagtatalo kami sa past, ayos lang. Mahal nama namin ang isa't-isa. Wish ko, na sana magtagal pa kami. Sa ngalan ng burger ni D.O
BINABASA MO ANG
burger. [ONE SHOT] [D.O FANFIC]
FanfictionKung saan ang isang burger ay mas useful pa. "ANO BANG PINUPUTOK NG BUTSI MO?! BURGER LANG YAN!" -Melody.