HDHA - Thirteen - Girlfriend For Hire

3.7K 73 8
                                    

Okkk. Mahaba haba ito. Ewan ko na lang kung magustuhan niyo. :|

Pagtiyagaan nyo na lang muna po ang POV ni Shekinah. 

==========================================================

THIRTEEN

Girlfriend For Hire

SHEKINAH'S POV

Bakit ganun? Hindi man lang nagbbye sa akin si sir. At hindi rin sinagot ang I love you ko. Pero yung dalawang bata kahapon ay sinagot nila ang I love you na galing sa kanilang mommy. Haay. Teka sandali...Pumunta ako sa paanan ng hagdan kung saan ako nahulog kahapon. 

Pinagmamasdan ko ang taas at haba nito. Hindi ako makapaniwala sa sarili ko na nagawa kong bumaba kanina ng walang pag-aalinlangan. Tumapak na lang at tuloy tuloy na ang pagbaba ko.

Basta paggising ko kannina, may naramdaman na naman akong kakaiba sa katawan ko. Mas masigla kesa sa mga nakaraang araw. At ang isipan ko? Hindi na ganoon ka blanko na animo'y walang kaalam-alam. Kakaiba talaga. Yun kaya ang epekto ng mansanas na kinain ko? Hanggang ngayon ay naiisip ko kung bakit ako nananaginip tungkol sa boses na yun? Bakit hindi siya nagpapakita sa akin? Bakit hindi niya sinasagot ang mga tanong ko? Haay. Sumasakit ang ulo ko kapag lalo ko pang iniisip. Parang pinipiga na hindi maintindihan. Siguro ang dapat kong isipin ngayon ay kung paano ko aakyatin ang hagdan na ito...ng hindi nag-aalinlangan. 

Sinubukan kong itapak ang isa kong paa. At ang isa...ang isa pa...sumunod naman ang isa pa. "Whoooa." namamangha ako. Hindi ako nakakaramdam ng takot o di kaya kamang-mangmangan! Kayang kaya ko na. Binilisan ko pa ang pag-akyat hanggang sa makaabot ako sa taas. Bumababa ulit ako ng mabilis. Ang galing! Di ko na kailangan pang umupo at paisa-isang bumaba ng hagdan na ito. Kayang-kaya ko na! 

Sa sobrang tuwa ay napatalon ako. Nagtatatakbo tuloy ako sa loob ng bahay. At nakarating naman ako sa may kusina. May kung anong nakalagay sa may lamesa. Lumapit ako para tingnan yun. Hindi ko malaman kung ano ito. Di ko alam ang tawag. Siguro ito yung sinasabi ni Ser na pagkain daw sa kusina. Hmm. Kainin ko nga. 

Umupo na ako. At hinawakan ang kutsarang ginagamit niya panturo sa akin noon. Dahil sa tinuruan ako ni Ser kung paano gamitin ang mga to ay natuto naman na ako. Ngayon nga lang ang mas kakaiba dahil wala siya. Ako lang mag-isa kaya matututo akong mag-isa. Nag-umpisa na akong kumain. "Hmmm." sabay tango ko. Ang sarap ng pagkain na to! 

Mabilis akong ngumuya pati na rin paglunok ko nang maramdaman kong parang may bumara sa lalamunan ko. Umubo-ubo ako. "T-tubig!" Tama, ito nga ang iniinom lagi naman ni Sir. Binuksan ko ang ref at kumuha ng tubig sa ref. Wala na akong ginamit na baso na lagi naming ginagamit. Uminom na lang ako basta basta sa lalagyan. 

Nakahinga rin ako ng maluwag. Ang sakit sa lalamunan naman nun. Ano ba yan. Mas gusto kong kasama si Ser kumain...para hindi ako mabulunan. Wala kasi si Ser ngayon, hindi kami sabay kaya nabulunan ako. Haay. 

Dinala ko na sa sink ang pinagkainan ko at nag-umpisang maghugas. Natutuwa ako sa sarili ko kasi kung ano ang nakikita kong ginagawa ni Ser ay kayang-kaya ko na ring gawin ngayon. Yehey! Tapos ko na rin ang paghuhugas ng mga pinggan at kutsara. Hmm. Ano naman kaya ang gagawin ko susunod?

HE'S DATING HIS ANGEL ☺Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon