Untitled Part 1

5 0 0
                                    

Sabi nila masaya daw pag na inlove ka.Yung ang bilis daw ng tibok ng puso mo kapag malapit siya sayo o kaya makakaramdam ka daw ng butterflies sa tiyan mo. Pero mas masaya daw kapag parehas niyong mahal ang isa't isa. Masaya daw kasi merong taong nagpaparamdam sayo araw-araw na espesyal ka.Yung may mag eeffort na surpresahin ka at lalambingin ka pag nag tatampo ka. Laging panatag yung puso mo dahil alam mong nandyan siya at alam mong safe ka dahil nasa piling ka niya kasi di ka niya iiwan.

Kung masaya pala ang ma inlove bakit may mga taong umiiyak dahil sa love na yan? Bakit may mga taong nang iiwan at umaalis na lang? Bakit may mga taong nasasaktan?Bakit may mga taong pag nag sawa na ang dali na lang itapon ang pinagsamahan nila? Bakit may mga taong nag papaka martir? Kaya napapaisip na lang ako sayang yung pagmamahal at panahon na inalay nila sa isa't isa kung mag hihiwalay lang din sila. Kaya ako hindi pumapasok sa utak ko ang ma inlove. Sagabal lang yun para sa kin. Tsaka marami na rin akong taong nakitang umiyak dahil sa love na yan.

Ako si Katherina Faye Montenegro,lumaki na yan ang paniniwala ko sa love. Bakit? Kasi lumaki ako na nakikita ko ang mommy ko na laging umiiyak dahil kay daddy.Nasaksihan ko kung pano siya nasaktan at nahirapan. At nasaksihan ko din kung pano siya nasaktan ng sobra hanggang sa mamatay siya na umiiyak pa rin. May mga nagtatangkang manligaw pero wala akong sinasagot ni isa. Hanggang dumating siya. Ang taong nagawang ibahin ang paniniwala ko sa love.

Siya si Yuan Bryan Perez. Noong una inis na inis ako sa kanya. Bakit? Kasi nabangga niya na nga ako, siya pa ang nagalit. Keso daw hindi daw ako tumitingin sa daan. Keso daw bulag ako. Lagi niya kong pinagtitripan at pinapahiya kaya ayoko sa kanya. Sana nga hindi ko na lang siya nakilala. Sana hindi na lang kami nagkabanggan para hindi ko siya nakilala. Isang araw nagkasalubong kami papasok, so expected ko na aasarin niya ko. Pero laking gulat ko dinaanan lang niya ko at hindi pinansin. Hindi ko alam kung bakit pero dapat matuwa ako dahil hindi niya ko inasar. Dumaan ang ilang mga araw at tuluyang hindi niya na ko inaasar. Laking tuwa ko non dahil tuluyan niya ng tinigil ang pang-aasar sa kin.

Isang araw nagulat ako dahil bigla siyang sumabay sa kin sa paglalakad. Akala ko babalik na siya sa pang- aasar pero mali ako. Ang tanging sinabi lang niya sakin ay "Pwedeng sumabay?" Syempre nagulat ako sa sinabi niya. Pero di ko iyon pinahalata at sa halip pinabayaan ko na lang siyang sumabay sa akin. Habang nag lalakad kami bigla siyang nagsimulang magsalita." Alam kong hindi maganda ang tingin mo sa kin kasi lagi kitang binubully" Napakunot ang noo ko sa sinabi niyang iyon."Sorry sa lahat ng pambubully ko sayo" Napangiti naman ako sa sinabi niya. Nang nilingon ko siya nakatingin pala siya sa akin. "Sana maging friends tayo" sino naman ako para tanggihan siya? 

Simula noong araw na iyon maayos na ang pakikitungo namin sa isa't isa.Lagi na din kaming mag kasama. Aaminin ko naging magaan na yung pakiramdam ko sa kanya. At masaya ako pag kasama ko siya. Minsan nga kapag ngumingiti siya sa akin biglang bumibilis yung tibok ng puso ko. Ewan ko ba, may problema na ata yung puso ko, biglang bumibilis eh. Hanggang isang araw

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 06, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

You and MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon