Pancit Canton

28 1 0
                                    

Wala naman masyadong nagbago. Ganon ka pa rin.

Ganon pa rin ang mga kilay mo, makakapal pa rin. Ganon pa rin ang gustong-gusto kong mahahaba mong pilikmata. Ganon pa rin ang mata mong may pagka-kulay brown ang eyeballs. Ganon pa rin ang ilong mo, na sinasabi mong malaki kahit hindi naman. Ganon pa rin ang kinaiingitan kong labi mo, malambot, manipis at hindi dry. Ganon pa rin ang height mo, medyo maliit ka pa rin.

Wag ka ng magtaka kung bakit alam na alam ko, di man tayo nagkikita sa personal, o mas tamang sabihin na, di na ulit tayo nagkita, gumagawa pa rin ako ng paraan makabalita lang tungkol sayo. Araw araw ko pa ring inaabangan ang mga gm mo na laging may pangalan mo sa dulo. Araw araw pa rin kitang iniistalk sa fb mo. Araw araw ko pa ring sinusubaybayan ang mga posts at own made quotes mo. Araw araw ko pa rin tinitignan ang paraan mo ng pag HAHA. Araw araw ko pa rin sinusubaybayan kung san ka nagpupunta o kung ano na ba ang ginagawa mo.

Pero isang araw, nagbago ang lahat. Gaya ng biglang pagbabago ng pancit canton.

May girlfriend ka na pala. Kaya pala madalang ka na magpost sa fb. Kaya pala puro "Hi. Girlfriend here" na ang nababasa kong posts mo. Kaya pala puro initials na nya ang signature mo sa mga gm mo. Kaya pala puro "ATM with my boyfriend" na ang nakikita kong mga naka-tag sayo. Kaya pala nung tumagal na ang relasyon niyo, madalang pa sa patak ng ulan sa panahon ng tag-init na makita ko ang pangalan mo sa newsfeed ko. Kaya pala. Kaya pala.

Sinilip ko ang facebook ng girlfriend mo. At dun ko naramdam yung sakit na sinasabi nilang dulot ng matinding selos. Parang tinutusok ng pitong karayom ang dibdib ko. Parang kinakalikot at hinahalukay yung tiyan ko. Gusto kong lamukusin yung laptop na nasa harap ko sa sobrang selos.

Buti pa siya, nakakasama ka araw araw. Nakakakwentuhan ka. Natatawa sa mga korni mong jokes. Nahawakan nya na tiyak ang mahahaba mong pilikmata. Nahalikan na niya siguro ang malambot mong labi. Naamoy na siguro niya ang utot mo. Natikman ang luto mo. Narinig kang kumanta. Napanood kang sumayaw. Nasaksikhan ang talino mo. Narinig ang mga kanta sa playlist mo. Nakasama mo manood ng mga hilig mong pelikula.

Kailan ba ang huling beses na nakausap kita? Ah. Limang taon na mula ngayon. Nung bago pa lang ang paghihiwalay natin. Pinapaasa mo ko na balang araw may pag-asa pa ulit yung TAYO. Nahuhulog pa rin ako sa mga sweet words mo. Hanggang isang araw, bago ako magtungo sa ibang bansa, I asked you out for a date, farewell date kumbaga. Nilakasan ko na ang loob ko. Makausap ka lang sa huling pagkakataon. Naalala ko pa, sabi mo noon sa tamang panahon, magiging tayo din, magiging tayo ulit. Naalala ko pa non, sabi mo, hindi ka magbabago dahil kapag nagbago ka, hindi na ikaw yung taong kilala ko o ng mga taong kakilala mo. Tandang tanda ko pa yan, at di ko yan kinalimutan kahit kelan. Pagkatapos non, wala na.

After five years, engagement party ng bestfriend mong si John, na close friend ko din. Umuwi ako ng Pilipinas, hindi dahil sobrang importante sakin ng engagement party ni John, kundi dahil umaasa ako na makikita kita doon. Umaasa ako na makausap ulit kita. Kahit alam ko sa sarili ko, na makikita kita this time, na hawak ang kamay ng babaeng mahal mo. Nagsuot ako ng maayos na damit. Nagpaganda ng konti. Pero wala ka don. Nagtampo ang bestfriend mo, nagtampo kaming lahat. Pero wala kaming nakuhang reaksyon mula sayo. Nagsorry ka lang sa group chat ng college batch natin. Salamat sa group chat na yon, nakausap ulit kita.

Ikaw: Sorry guys ha. Di ako nakapunta. Ang lakas kasi ng ulan. Mahirap bumyahe.

John: Hu pre ganyan tayo e! Nagkalovelife lang nagkalimutan na!

Annabelle: Oo nga. Bestfriend ka pa naman tapos di ka nagpunta sa most important day of his life.

Chesca: Pati nga akong pinsan mo, di ka nagpunta sa birthday ko. Kasama mo pala gf mo non. :(

Ikaw: Sorry talaga. Babawi ako promise! Ako ang magsset ng pagrereunion natin!

Ako: Sana wag kang drawing. Pinapaasa mo kami.

Ikaw: Hindi Lian. :) Totoo na to, promise.

Heh. Promise promise na naman. Hindi na ko naniwala. At hanggang ngayon, di na ko umaasa don. Kaya naisipan kong bumalik na lamang sa ibang bansa. Pero salamat na rin sa group chat natin na yon.

Naisip ko kasi, oo nga pala no. Hawak na ng girlfriend mo ang facebook account mo. Hawak na niya ang cellphone mo. Hawak na niya ang buhay mo. Nagbago ka na. Hindi na malalim ang pananaw mo sa bagay bagay. You turned out to be the man you said you will never be. Hindi na nauuna ang utak mo bago ang puso. Naisasantabi mo na ang ibang mga bagay alang alang sa girlfriend mo. Kinalimutan mo na ko, at ang pangako mo. Pero sabagay, bata pa ko noon. Madaling maniwala sa pinky promises. Hindi man nagbago ang pysical attributes mo, nagbago naman ang paraan mo ng pagiisip. Kinalimutan mo na ko. Kami. Ano pang silbi ng pagkapit ko sa pangako mo noon? It was just nothing but a young love. At kailangan na yon ibaon sa limot.

Alam kong masaya ka na sa kanya. At itong natitirang feelings ko para sayo, mawawala to pag nagpakasal na kayo. Kasi alam kong wala na talaga tayong akong karapatan na umasa. At yun na siguro ang magiging huling pinakamasakit na mararamdaman ng puso ko mula sayo.

Hindi ko mamadaliin. Hihintayin kong tuluyan ng mawala. Hihintayin kong ma-let go ko na ang pagsisisi na pinakawalan kita noon.

Kasi pancit canton na lang ang nagmahal na hindi nagbago. Kaya sa ngayon, makukuntento na lang ako sa thirteen pesos na sweet and spicy na pancit canton na kinakain ko. Kasi nagmahal nga pero hindi nagbago, tumabang nga lang.

Pancit Canton (One shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon