The lights are in place.
The props are ready.
The stage is set.
He came in late, as usual. What’s new? Trademark na yan ng isang Jose Marie Viceral, mapa-Vice Ganda man o Vice Pogi. At iyon ang ikinaiinis ni Karylle. Tingin n’ya kasi wala ng pagpapahalaga si Vice. Halos napabayaan na kasi nito ang trabaho nito.
Napaisip si Karylle. Buti sana kung valid ang bawat reasons na binibigay n’ya. Lagi na lang LBM eh? Minsan tuloy naiisip ko kung kailan ito naging seryoso sa buhay n’ya? Well, kung komedyante talaga, minsan mahirap arukin ang fake sa katotohanan.
“O, Jose Marie, late ka na naman.” Sita ni Anne kay Vice. Kasalukuyan silang nasa lounge at naghiihintay matapos ang commercials. Ngumiti lang si Vice saka nagkamot ng batok.
“Oo nga, Brad. Pangatlo na yan this week ah?” dagdag ni Vhong. Lahat ng attention na kay Vice na. Hinihintay kung ano’ng alibi na naman ang sasabihin n’ya this time.
“LBM, Brad eh.” Sagot ni Vice.
Napaisip muli si Karylle. Kita n’yo na? pero maano ba? Si Vice yan eh? Asset yan.
“Bestie, may problema ka ba?” tanong ni Billy na ikinagulat ni Karylle. Hindi n’ya inasahan na ioopen up ni Billy yun sa kadarating lang na Vice. Bigla naman nag-iba ang expression ng mukha ni Vice. Nawala ang ngiti. Kinabahan si Karylle at nag-iwas ng tingin.
Tumayo si Vhong. “Mag-eere na tayo, Guys.” Sabi nito sabay akay kay Anne papuntang stage para sa Sine Mo ‘To spiels nito. The rest of them ay naghanda na rin.
Dumaan si Karylle sa tabi ni Vice. Wala s’yang magagawa, nasa may pintuan pa rin kasi ito. Ayaw n’yang kausapin si Vice. Ayaw n’yang magsalita. Natatakot s’ya sa maaaring masabi n’ya, pero tila may sariling utak ang mga bibig at dila n’ya.
“Ano ba’ng problema, Vice? Bakit mo inaabuso ang sarili mo? Nababaliw ka na ba? Ako ba? Magsalita ka. Sabihin mo sa’kin kung ako nga ba. Hindi yung pinagmumukha mo ‘kong tanga!” mahina ngunit maigting na sabi ni Karylle.
Blangko ang mga tinging ipinukol ni Vice kay Karylle. Hindi ito nagsalita. Para lang kumausap si Karylle sa tuod. Hanggang ngayon, indifferent pa rin si Vice kay Karylle. Sa iba napaka-warm and accommodating n’ya. Iniwan si Vice ni Karylle.
Sa isip ni Karylle. Gumuhit ang sakit sa puso ko eh? Tatakasan ko na lang muna.
“At dahil iniwan ng kanyang minamahal, ay mag-eemote an gating bidang lalaki. Uupo s’ya sa bench at tahimik na iiyak.” Sabi ni Billy habang binabasa ang istorya. As usual, ViceRylle ‘to kaya si Vice ang bidang lalaki. Nakamasid lang si Karylle at naghihintay ng cue. Pero hindi n’ya maiwasang maawa kay Vice. Umiiyak talaga ito.
Karylle can’t help but think. Kasalanan ko ‘to. Hindi ko dapat ginawa yun sa kanya.