Bottom of the Ocean
A/N: I just love this song by Miley. I don’t know why, but yeah.
---
Emily’s POV
“Saan ba kasi tayo pupunta, bes? Nakakainis ka na ha. Dagdag ka pa sa problema ko! Badtrip. Kanina mo pa ako hinihila, paikot-ikot lang naman tayo dito sa school! Jusme bes! Sakit mo sa hair!” Sabi ko sa bestfriend ko, si Ella. Nako! Bakakabadtrip kasi eh.
Huminto siya sandali at humarap sakin nang nakataas pa ang kilay. Aba, ako pa tatarayan neto? Upakan ko siya eh!
“Oh ano, tataasan mo pa ako ng kilay?! Ikaw nga tong ka--”
“Pwede ba bes, shattap ka muna! Promise magugustuhan mo ito” sabay hila nanaman sa akin.
Nakakainis talaga! Pinapagod pa ako netong bruha na ito! Psh. Badtrip na badtrip pa man din ako. Biruin mo ba naman, Valentine’s Day ngayon! TAPOS YUNG BOYFRIEND KONG MAGALING HINDI DAW PAPASOK! TINATAMAD DAW SIYA! HINDI DAW MUNA KAMI MAGKIKITA NGAYONG ARAW NA ITO! Arghhh badtrip! Hindi ba niya alam na Valentine’s ngayon? Nakakainis! Nakakainisssss!!!! NAKAKAINIS!!!
Sa hinaba haba ng pag-ikot naming, sa harap ng room lang din kami nag-landing. Aba’t! Dito kaya kami nanggaling kanina! Pushapete!
“HOY BES, AKO BA PINAGTI-TRIPAN MO, HA? EH DITO TAYO NANGGALING KANINA EH!”
“Shhh ka lang bes. Sandali c-cr lang ako. Hintayin mo ako dyan ha! Wag kang aalis dyan, stay put. Sapukin kita pag umalis ka.” ABA’T!!! Talaga nga namang sinasagad ang pasensya ko! Pakingshet!
“HOY IMPAKTA! IKAW PA TONG MAY GANANG MAG BANTA? ABA! KUNG IKAW KAYA ANG INUU—ARAY HAAAA!!!” Aba naman kasi ang walang hiya, binatukan pa ako!
“BASTA WAIT MO AKO DYAN! C-CR LANG AKO. WAIT FOR ME BEYBEEEH! Mwah” At nag-flying kiss pa ang bruha! Sarap i-flying kick eh. Lol
Ganyan po talaga kami mag-mahalan ng bespren ko. Hehe ^_^
After 10 minutes, wala pa ang loka! Umiinit na ang dugo ko ha! Ano bang ginawa nun sa cr? Isang timba ba ang nilabas niyang ihi? Isang batya? Isang drum? ANOOO?! BADTRIP! Baka nag-jebs yun ah!
Aalis na dapat ako nang biglang bumukas yung pinto ng room namin. Lagi kasi po yun nakasara kasi po air-conditioned po ang room namin. Kami po ay nag-aaral sa private school po.
Napalingon naman ako, madilim ah. Patay ang mga ilaw. Kasi naman nasa baba siguro silang lahat, may program kasi nga Valentine’s eh.
Tumalikod nalang ulit ako. Huehue ang creepy kaya tumingin sa loob ng isang room na biglang bumukas na nakapatay ang ilaw at walang tao. Haleeer baka mamaya may mumu. Huehue
Maya maya lamang ay mayroong kung anong nilalang ang humila sa aking precious hands at tinakpan ng aking bibig.
PUSHAPETE!
HOLDAP!
RAPE!
KIDNAP!
MURDER!
MASSACRE!
Dejoke lang. Ang OA ko lang eh =__= biglang may bumulong sakin ng:
“Ems wag kang maingay. Tatanggalin ko na yung hawak ko sayo ha.”
Babaeng boses? Huh? Antrip neto? May galit bas akin ito? Huhu wag pooo! BES NASAAN NA YOU?!!!!!