When I Met Love

71 0 0
                                    

       Taon-taon, tuwing fourth week of January, ay ipinagdiriwang sa lugar namin sa Kalibo ang Dinagyang Festival o ang ati-Atihan. Parehong Ilonggo ang mga magulang ko. Noong nakaraang taon ay isa ako sa mga Ati-atihan Dancers ng Grupo namin. At natalo man kami sa contest ay may magandang nangyari naman sa buhay ko. I met love.

         Tapos ng sabihin kung sino ang mga grupong nanalo at hindi kami kasama roon. Bad trip! Pinaghusay naman namin eh! Akala ko talaga mananalo kami kahit hindi na first prize. Kasalukuyang nagmamaktol kami ng mga ka-grupo ko nang mamataan ko ang isang cute girl, sa karamihan ng tao.

           Petite siya, ang buhok ay straight na malapit ng umabot sa bewang. Tsinita ang muka pero parang laging nakangiti. May kasama siyang babae mukhang mommy na at medyo mataba. Kahawig niya ang babae. Sino kaya siya?tanong ng isipan ko.

           Kabisado ko kung bisita o hindi sa probinsya namin ang isang tao. Si Tsinita ay isang bisita sa lugar namin. Hinubad ko ang maskara ko para lalo ko siyang makita. Ang ganda niya!

           Hindi muna ako umalis sa Freedom Grandstand gayung ang mga ka-grupo ko ay nagkanya-kanya na. Pasulyap-sulyap ako kay Tsinita. Hindi naman sya mukang suplada sa tingin ko. Biglang lumapit ang member ng isang ati-atihan dance group kay Tsinita. Kilala ko rin ang ati=atihan dancer na'yun, kalaro ko s basketball, si Nick. Narinig kong talagang hinihintay siya ni Tsinita. Girlfriend ba siya ni Nick?

            Bigla ay nakita kong nag-bless si Nick sa mommy ni Tsinita. At si Tsinita naman, narinig kong nagsabe ng "Kuya Nick." Kuya?Bakit?Ano niya si Nick? Mabuti na lang narinig ko si Nick na nag-tanong kay Tsinita kung may boyfriend na ito sa Manila. Sabi ni Tsinita, wala na sila ng boyfriend nya. Dinig na dinig ko talaga kahit pa maingay ang mga tao sa paligid. Parang natuwa ako. Parang nag-palpitate ang puso ko. Nagaya si Nick na umuwi na sa kanilamat nang makakain na sila. Sumunod ako sa paglalakad nila. Wow, ang ganda ng skin ni Tsinita, parang anak-mayaman.

              Ang purpose ko talaga kaya pasimple akong sumusunod sa kanila ay para marinig ang pinag-uusapan nila. Tinamaan yata ako sa Tsinita na 'to! Huh?!

             Habang nagkwekwentuhan sila sa daan, narinig kong binaggit ng mommy ni Tsinita ang name niya. FRANCHESCA. Ang gandang pangalan! Bagay sa mukha niya!

             Ilang saglit lang ay biglang napalingon si Nick sa likuran niya. At nakita ako. "Tol, andyan ka pala. Nasa'n sila?" Ang tinutukoy niyang "sila" ay mga ka-grupo namin. "Nagsi-uwian na. nagsikain na,"sagot ko.

             "Tita ko, galing Manila," sabi niya patungkol sa mukhang mommy. Ngumiti naman ang mukhang mommy. "Si Franchesca, pinsang buo ko." Ngumiti rin si Franchesca.

              Pinsan?

             Ngumiti rin ako kay Franchesca. Ang mga ngipin ko lang tiyak ang nakita niya, dahil naka-makeup pa ako ng pangati-atihan. Sayang, di mo makikita ang kagwapuhan ko.

             "Tara sa 'min, tol," aya ni Nick. Hindi rin nanalo ang grupo nila.

            "H-ha?" Nabigla ako. "Ah, e.. uwi muna 'ko saglit sa 'min, sunod na lang ako sa'yo."

            "Baka nahihiya ka sa pinsan ko?" sabay taas ng kilay niya sa akin, nanunukso.

             "Medyo" At nagtawanan kami.

              Sumaglit lang ako sa bahay para alisin ang make-up ko ng ati-atihan. Para kasing na-consious ako bigla kay Franchesca at kailangan maging malinis ako sa harap niya.

              Nagpunta ako kina Nick na naka-maong pants, t-shirt na Bench at magandang Islander na tsinelas. Nag-spray ng kaunting bench cologne.

             Bukod pa  sa okasyong fiesta, may okasyon rin kina Nick, birthday ng pamangkin niyang lalaki, five years old. Kaya mas lalong maraming pagkain.

           Marami silang bisita, mostly kamag-anak. pilyo talaga si Nick. Pinaupo niya kami ng pinsan niya sa lugar na medyo malayo sa bisita. Nagkakilala kami ng husto ni Franchesca. Pareho na pala kaming naka-graduate sa college at parehong naghahanap ng trabaho. Taga-Quezon City pala siya at nagpa-planong mag-apply  sa isang call center sa Libis. Ako naman, sabi ko sakanya, nagpa-plano akong mag-apply sa isang computer school. Magtuturo ako. O kaya, pwede ring mag-private tutor. Marami kaming napag-usapan.

            Down to earth ang personality niya. At nagbiro pa siya na sumali na lang raw kami sa Itaktak Mo sa Eat Bulaga. Sabi niya, three days na lang siya sa Kalibo, at babalik na sila sa Manila. Na-lungkot alo, gusto ko na agad sumunod sa kanya, pero hindi pa ako pwede. May hinihintay pang pera ang parents ko para makapunta na ako sa Manila.

           Medyo nalungkot ako nang umalis na sina Franchesca at ang mommy nito. Pero iniwan naman niya ang dalawang cell number niya. Isang Globe, Isang Sun.

          Nang dumating ang hinihintay ng parents ko na pera, three weeks after na umalis si Franchesca sa Kalibo ay nagpunta na rin ako sa Manila. Sa Samapaloc, Manila ako tumuloy, sa kapatid ng nanay ko. Kinontak ko agad si Franchesca at nag-meet kami sa Mcdo Panay Aveneu, sagot ko ang lunch namin. I brought her Pinasugbo o 'yung Banana Brittle ng Iloilo, 'yun bang saging na pinatuyo at niluto sa panutsa at binudburan ng linga. Kwentuhan kami. 

           Naging magkasama kami sa pag-apply. Natanggap siya sa pangarap niyang trabaho na maging isang call center agent. Ako naman, nagtuturo sa isang computer school.

           One year ago ng mangyari ang lahat. Nagpropose na ako kay Franzz, nickname niya, at kami ma. Ang promise ko saknya: "Ikaw lang ang palangga ko." Ibig sabihin, "Ikaw lang ang mahal ko."

           I TRULY MET LOVE, sa bayan na kinalakihan ko, sa Aklan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 29, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

When I Met LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon