Chapter One

160 2 0
                                    

There are some changes!*

--------

ONE

Maagang-maaga pa ngunit ayos na ayos na ako. Bumaba na ako upang salubungin si mama na naghahanda ng almusal.
"Magandang araw, Ma!" Masiglang bati ko at hinalikan ang pisngi niya.

"Hmm, ganda ng gising natin, ah? Excited ka atang pumasok? Isabay mo na 'yang kapatid mo." Sabi ni Mama havang naghahanda.

"NORTH!" Sigaw ko sa kapatid ko na nasa itaas.

"Nako naman, Sel. Ang aga-aga pwede mo namang lapitan 'yang kapatid mo. Oh, ito baon niyo. Kumain ka na at bababa na rin 'yang si Chiv." Tulad ng sinabi ng pinakamamahal kong ina, nauna na akong kumain kay Chiv na kakababa lang.

"Hoy, Chivalry North Anderson! Baka naman gusto mong bilisan, ano? Pag tayo lang nalate humanda ka!" Bati ko sa kanya. Oo, batian naming dalawa 'yan. Tinignan niya ako ng blanko.

"Hoy, East Damsel Anderson! Ang aga-aga pa, palibhasa ay gusto mo lang makita 'yong crush mo!" Tinitigan ko siya ng masama! Kahit kailan talaga ito!

"Oh siya, siya. Tumigil na kayong dalawa dyan. Kumain na kayo at nakakarindi kayong dalawa." Sabi ni Mama at naupo na sa tabi ko. Agad namang lumapit si Chiv kay Mama para halikan ang pisngi.

"Good morning, para sa pinakamamahal kong Mama! Asan si Papa?" Tanong niya at naupo na sa kabilang tabi ko. Ganyan siya, sweet samin, yelo sa iba. Tss.

"Ay, maagang umalis para magtrabaho. Alam niyo naman ang Papa niyo." Sabi ni Mama at nilagyan kami ng pagkain sa plato. Mahirap lang kasi kami kaya kailangan kumayod ni Papa. Mayaman ang pamilya ni Papa dahil isa siyang Anderson. Ngunit ayaw ng magulang ni Papa kay Mama kaya ito kami ngayon, medyo naghihirap. Pero ayos lang rin, sanay na ako. Maigi na lang ay kahit papaano ay mabait ang parents ni Stef, pinsan ko. Pinapaaral nila kami ni Chiv sa isang private school.

Matapos kumain ay umalis na kami ni Chiv sa bahay at naglakad patungong school. May kalapitan lang rin naman at may tiga-bitbit rin naman ako ng bag ko!

"North, libre mo naman ako, oh." Sabi ko at pinulupot ang braso ko sa braso niya. Mas matanda ako sa kanya pero mas isip bata ako. Hindi naman naglalayo ang agwat na'min. Hinding-hindi.

Napatigil siya sa paglalakad. "Baon ko?" Tanong niya at kumunot ang noo. Agad kong kinalas ang braso ko sa kanya at tumakbo habang tumatawa. "Sel, Akin na ang baon ko!" Sigaw niya at hinabol ako. Naghabulan kami hanggang sa mapagod ako kaya naabot niya ako.

"Akin na kasi," Sabi niya nang mahabol ang hininga.

"Libre mo ako lunch?" Sabi ko at ngumiti. Inirapan naman niya ako ngunit pumayag rin sa huli. Habang nagkukulitan kami sa daan, may sumulpot sa isang eskinita kaya napatigil kani ni Chiv.

"Hoy, mga bakla." Marahang sabi ng kaibigan kong bakla.

"Magandang bati!" Sabi ko at nakipagbeso sa kanya. Siya si Arsen Jiminez. Ang lalaking-lalaking pangalan ngunit kabaligtaran ng buong pagkatao niya.

Nilapitan niya ang kapati ko para makipagbeso ngunit agad itong naglakad palayo.
"Una na ako, hatid ko na lang bag mo sa room niyo." Aniya at hindi na hinintay sagot ko. Tinawanan ko naman si Ars.

"Suplado!" Singhal niya. "Ewan ko ba sa kapatid mo, ampon yata di manlang namana ang kakarampot mong kabaitan." Sabi niya at sumimangot. Tinawanan ko lang siya.

"Mahiya ka naman kasi sa pangalan mo! Bigyan mo naman ng hustisya at baka itakwil ka." Sabi ko at nauna na sa paglalakad. Actually, hindi naman talaga ito ganoon kabakla sa kilos. Inaasar niya lang talaga ang kapatid ko.

Nang makarating kami sa school ay agad akong kinantyawan ni Arsen. "Uy, makikita na niya si Crush." Sabi niya. Ang tinutukoy niya ay si Ace Braden Alvarez. Gwapo, mayaman, matangkad ah, basta! Crush ko lang naman! Nothing more, nothing less.

"Ay, nako. Don't me nga. Wala ako paki dun," Sabi ko at dumiretso na kami sa room nang mapasok ang entrance ng school namin.

"Walang paki pero hinahanap-hanap. Kay landi mo rin eh, no?" Aba't. Tinignan ko siya ng masama.

"Baka gusto mong bangasan kita dyan? Isa pa, hindi ko naman hinahanap! 'Yung room natin ang hinahanap ko!" Sabi ko at umirap.

"Ay oo nga, galing mo naman. Ano ba 'yang mata mo? Eh nasa gilid lang naman natin 'yung room natin." Sabi niya at inirapan ako at naunang pumasok. Echoserang bakla! Pagkapasok ko ay hindi nga ako nagkamali, napangiti ako nang makita ang bag ko sa isang upuan ngunit agad ring napalitan ng kaba nang makitang si Ace ang nasa katabing upuan nito.

Napatingin ako kay Ars na ngayon ay nakangisi sa'kin. Siya ba ang naglagay dito? O si Chiv? Para akong lumulutang papalapit sa upuan ko. Bago ako makapagsalita ay inunahan ako ni Ace kaya bumilis ang tibok ng puso ko.

"Sa'yo ba 'yang bag? Ikaw ba ang naka-upo dito? I hope you won't mind na tumabi ako sa'yo." Sabi niya at ngumiti! Crap! Kinakabahan ako! Lilipat ba ako o ano? So, naunang ilagay ni Chiv ang bag ko rito?

"Ah, eh. O-okay lang. A-ko na lang siguro lilipat. Yeah. Haha. Rock." Sabi ko at ngumisi ng hilaw. Bahagya siyang natawa. Ay jusko ang gwapo po!

"Hindi na, okay lang naman na magkatabi tayo." Kikiligin na sana ako pero naputol ang momentum nang umubo ng malakas si Ars. Nako, naman! Sinamaan ko siya ng tingin at umupo sa tabi ni Ace. Hindi pa ako mapakali kasi hindi ko alam gagawin ko. Medyo na conscious rin ako kaya diretsong-diretso ang upo ko. Napalingon ako sa kanya nang mahina siyang tumawa. Hala, baliw!

"Ang cute mo naman. Ako nga pala si Ace Braden Alvarez, sa pagkakatanda ko madalas tayong classmates. Hindi ba, East?" Alam niya ang pangalan ko! Lord, ingat naman, baka lumuwa ang puso ko kahit walang bibig sa dibdib ko!

"Ah, oo. Naalala nga kita." Awkward kong sabi. Kumalma ka, Damsel!

"Sana maging magkaibigan tayo!" Masigla niyang sabi.

"Magkaibigan o magka-ibigan?" Tila nasa isang palabas na sabi ni West, si Ars. Sabi niya kasi tawagin daw siyang ganon para gaya daw ng amin ni Chiv. Hindi ko rin alam kung bakit ganito ang ipinangalan samin. Pero onti na lang, mapuputulan ko na ng dila si Ars.

"Tumigil ka nga, Ars!" Singhal ko sa kanya na tinawanan lang ni Ace. Kakahiya po. Opo.

Iyon lang ang naalala kong nangyari kanina. Pero hanggang ngayon ay hindi matigil ang puso ko sa pagtalon na tila ay nasa bungee jumping ito.

"Oh, may nakikita ka ba sa kisame?" Rinig kong sambit ni Chiv. Ito ang hirap, eh. Iisang kwarto lang kami! Palibhasa ay minuto lang ang agwat namin. Oo, limang minuto. Magkaiba kami ng kurso kaya hindi kami magkasama.

"Oo, nakita ko ang future mo." Sabi ko at inirapan siya.

"Ano nangyari?" Tanong niya.

"Wala, kulay puti lang." Sabi ko at tumawa. Inirapan niya lang ako at humiga na sa kama niya.

"What's bothering you?" Aba, umi-english kapatid ko! Sumimangot muna ako bago magsalita.

"Wala naman," Sabi ko at pinatay ang ilaw matapos niyang mag-ayos. Pagkabalik ko sa kama ay saka lang siya sumagot.

"Kung 'yong dati mong kaibigan lang 'yan tigilan mo na. Baka makapatay ako ng tao." Sabi niya at hinalikan ang noo ko. "Goodnight," Sweet.

A Twist in My Story *Completed*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon