TWOKinaumagahan ay ganon lang muli ang nangyari, sabay kaming naglalakad ni Chiv patungong school. Buti pa itong si Chivalry ay may kagandahan ang pangalan. Kumusta naman 'yung akin hindi ba? Damsel. Parang damn sel. Whatever.
"Sel, ihahatid kita sa room niyo, ah?" Sambit ni Chiv nang walang West na dumating sa dinaraanan namin.
"Chiv, hindi mo na ako kailangang bantayan. Lumapit ka na lang sa mga kaibigan mo! Kaya ko naman sarili ko," Sabi ko at ngumuso. Hindi naman kami magkamukha nitong si Chiv kahit kambal kami. Ang gwapo-gwapo nitong kapatid ko, eh. Pero syempre, maganda rin ako 'no! Saka hawig naman kami kahit papaano.
"Basta, magkikita naman kami noong mga kaibigan ko. Dapat classmates na lang tayo para nababantayan kita. Tss," Nako umaapaw talaga ang kasweetan nitong kambal ko! Hindi ko maiwasang mapangiti.
"Wag ka ngang overprotective dyan Chiv." Sabi ko habang naglalakad na kami sa hallway ng classrooms. Napansin kong nawala ang sigla ng gwapo kong kapatid pagkaharap biya sa dinadaanan namin. Nilingon ko ang tinitignan niya. S-so ito 'yon? Kaya ayaw niya akong pabayaan? Kaya natanong niya sa'kin 'to kagabi?
"Oh, Hi best friend! It's nice to see you again!" Bati niya sa'kin at nginitian kami. Hindi ko alam. Hindi ko alam ang nangyari. Basta isang araw na lang, gumising ako ng wala na siya.
"Tara na," Mariing sabi ni Chiv at inakbayan ako upang igaya paalis. Hindi ako makapagsalita at makagalaw. Miss na miss ko na siya. Alam ko naman na pinoprotektahan lang ako ni Chiv dahil sa nangyari dati. Kahit na sa katunayan ay hindi niya alam ang buong storya kung bakit ko iniyakan si Christine dati.
"Chiv! P-pwede bang bigyan mo kami ng oras para makapag-usap?" Pahabol niya nang naglakad na kami paalis ng kambal ko. Huminto ang kambal ko. Nakikita ko ang galit sa kanyang mga mata. Hinawakan ko ang braso niya at tinignan ang mata niya.
"Para saan pa?" Napapikit ako sa isinagot niya.
"Chiv, please? I can do this," Sabi ko sa kanya ng may pagmamakaawa. Huminga siya nang malalim at tumango. Pinanood ko ang kapatid kong maglakad palayo sa'min.
"S-sel," Mahina at pumiyok ang boses niya. Pinahid ko ang luhang kanina ko pa pinipigilang tumulo at saka nilingon ang matalik kong kaibigan.
"Christine," Ako na ang lumapit sa kanya para yakapin siya. "Saan ka nanggaling?" Sabi ko habang umiiyak. Paulit-ulit niyang binibigkas ang salitang 'sorry' habang magkayakap kami. Kahit ano pa ang nangyari dati, kahit ano pang mangyari ngayon, kaibigan ko pa rin siya. Bumitaw kami sa pagkakayakap nang marinig namin ang bell. Hudyat na mag-uumpisa na ang klase.
"Don't cry," Sabi niya at pinunasan ang luha ko. Hindi ako makapaniwala. Ang dami kong gustong itanong sa kanya. Katanungan na tatlong taon nang nalipasan. "Let's talk later," Aniya at minuwestra ako paalis. Tumango na lang ako at dahan-dahang naglakad tungo sa classroom naming ilang metro lang ang layo.
"Biyernes santo, Sel? Ano 'to halloween?" Pambungad sa'kin ni Ars. Nilingon ko siya at nang nakita niya ng malinaw ang mukha ko ay natigilan siya. Ngunit hindi niya ako natanong marahil ay pumasok na sa kwarto ang professor namin.
Sa buong klase namin ay para lamang akong lumulutang. Maigi na lang at hindi pa kami nag-uumpisa sa lessons namin. Nagulat ako ngunit napangiti nang makita ang papel na may sulat sa table ko. Oldschool.
'Are you okay? - Ace'
napatingin ako ngayon kay Ace na nakasulyap sa'kin. Tumango ako ngunit sinimangutan niya ako. Ngayon dapat kinikilig na ako, ngayon dapat naguumapaw na ang kasiyahan ko. Pero bakit ganon? Tila namanhid na ang damdamin ko.
Natapos na ang klase namin at agad kong nakita si Chivalry sa labas ng classroom. Agad ring lumapit sa'kin si Arsen.
"Anong nangyari?" Tarantang sabi niya. Naramdaman ko ring nakikinig sa'min si Ace nang tumigil siya sa paggalaw. Hindi naman ako agad na sumagot dahil may umagaw ng bag ko mula sa kamay ko. Syempre, sino pa ba?
"Maya ko na sabihin, Ars. Tara na," Sabi ko at tinalikuran siya. Agad akong naupo nang makarating kami sa cafeteria. Iniwan ako ng dalawa upang bumili ng makakain namin. Halos mapatalon ako nang may naramdaman akong kamay sa braso ko. Nakita ko si Stef na hingal na hingal.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya. Hindi naman kasi 'yan dito kumakain sa cafeteria dahil pwede namang kumain sa labas. Maganda ang suot niya, palda at midriff blouse na pinantayan niya ng pumps. Syempre, maganda rin ang may suot.
"Nakita ko si Christine!" Sabi niya matapos mahabol ang hininga at umupo sa tapat ko. Bumagsak na naman ang pakiramdam ko. Hindi ko magawang maging masaya dahil hindi pa kami nakakapag-usap ng matino. Bago pa ako sumagot ay dumating na sina Chiv na agad umupo sa tabi ko at si Ars naman na naupo sa tabi ni Stef. Stephany Anderson. Pinsan ko pareho kaming 18 years old. 'Yun nga lang mas nauna kaming pinanganak kaysa sa kanya.
"Ako rin," Walang gana kong sabi habang pinapanood si Chivalry na hinahain ang pagkain namin. Nagulat si Stef nang marinig ang sinabi ko. Alam niya ang tungkol kay Tin, close kami eh.
"Bibilhan ko muna ng pagkain si Stef." Sabi ni Chiv at tumayo.
"Salamat!" Sabi ni Stef at agad rin akong binalingan. "Anong nangyari? Nagkausap ba kayo?" Tanong niya. Nananahimik si Ars at paniguradong nakikinig ng maigi samin.
Dahan-dahan akong tumango. "Hindi rin nagtagal dahil nagbell na," Sagot ko. Narinig ko ang paghinga niya ng malalim. Nakabalik na si Chiv at hinain naman ang kay Stef. 'Yan ang gusto ko kay Chiv, eh. Maalaga. Sa'min nga lang at hindi sa ibang babae.
"Anong sinabi niya sa'yo?!" Nag-aalalang tanong ni Stef.
"Sorry," Sabi ko at ginalaw-galaw ang pagkain ko.
"Eat," Rinig kong sabi ni Chiv sa gilid ko kaya sumubo ako ng isa.
"Sorry?! 'Yun lang?" Sabi ni Stef na para bang hindi niya inaasahan na 'yon lang ang sasabihin ni Tin. Kumpara kay Chiv at Ars, mas alam ni Stef ang kabuoang nangyari. Sa kanya ko lang sinabi ng malinaw dahil babae siya at alam kong magkakaintindihan kami.
Tumango muli ako. "Saka mamaya na lang raw kami mag-usap," Agad na namang nanlaki ang mata niya.
"Hindi siya dito nag-aaral," napalingon kami kay Chiv na nakatuon lang ang atensyon sa pagkain.
"Pano mo nalaman, Chiv?" Takang tanong ni Stef. Nagkibit-balikat siya.
"Wala siyang I.D," Oo nga, hindi pinapapasok dito ang walang I.D. Malamang ay nakapasok siya bilang guest. Babalik kaya siya?
Nasagot lang ang katanungan ko nang mag-uwian na ngunit wala pa ring nagpapakitang Tin. Tinanong ako ni Ace kung bakit ako linga ng linga. 'Wala' lang ang tanging nasagot ko sa kanya. Lumipas ang ilang araw, linggo. Wala pa ring nagpaparamdam na Christine. Nanaginip lang ba ako? Para saan iyon?
BINABASA MO ANG
A Twist in My Story *Completed*
RomansaI never thought these things could happen. I am just watching the whole world move while I was standing. Until it struck me. I knew I shouldn't just watch. I knew I just find a way. I knew I should be the one to write my own story and cast my own fa...