Mira's POV
Ring, ring, ring.Uggghhhh!!!
Ring, ring, ring.
Nagising ako sa ingay ng alarm ko kaya pinatay ko na at bumangon na.
Nagsimula na ako maligo at magbihis.
Ay! Oo nga pala... Bday ni Marco. Nasan nga pala yung regalo? Ah! Ayun nahanap ko na!
Naalala ko na may papakilala si Julianna para sakin... Sino kaya yun?
Bumaba nako sa dining room para kumain ng breakfast. Pagkababa ko nandito nanaman si Kevin.
Napansin ko, these past few days, nandito si Kevin tuwing umaga. Ewan ko ba kung bakit... Dahil ba sa sarap ng mga ulam ni mama or ano... Hindi ko naman sinasabi na ayaw ko, nagtataka lang naman ako.
Ako: Good morning ma, pa! Oy! Kevin nandito ka nanaman?
Kevin: Bakit? Ayaw mo? Tita oh!
Ako: Hoy! Wala ako sinasabi ah! Nagtatanong lang...
Mama: Hay naku! Tama na nga yan! Tara na kain na tayo!
Nagsimula na kami kumain.
Papa: Nga pala Kevin... Napapansin ko madalas ka na pumupunta dito.
Mama: Oo nga pala, napansin ko din yun...nililigawan mo ba anak namin?
Hala!!! Ansabe?!!! Muntik ako napaluwa yung kinakain ko! Mama ikaw ah!
Kevin: H-ha? H-h-hindi po!
Ah buti naman. Mahal ko naman sya eh... Pero mahal ko sya bilang bestfriend.
Papa: Ay! Sayang naman.
Mama: Oo nga bagay naman kayo eh. Kung liligawan mo anak namin... Ok lang samin, kasi boto naman kami sayo eh.
Ako: Ma! Pa! Ano ba?! Tangap ko lang si Kevin bilang bestfriend... At hindi magbabagao yun. Diba Kevin?
Kavin: Ah...eh...ah...o-oo h-hindi m-magbabago yun....
Kevin's POV
Mira: Ma! Pa! Ano ba?! Tangap ko lang si Kevin bilang bestfriend... At hindi magbabago yun. Diba Kevin?Ako: Ah...eh...ah...o-oo h-hindi m-magbabago yun...
Ouch... Ang sakit marinig nun.
(Pagkatapos kumain)
Mira: Sige po ma pa alis na po kami. Bye!
Tita & Tito: sige... Bye!
===================
Habang naglalakad kami papunta sa school, iniisip ko yung sinabi ni Mira kanina.
Tanggap ko lang si Kevin bilang bestfriend... At hindi magbabago yun.
Bestfriend...
Bestfriend...
Bestfriend...
Mira: Huy! Nakikinig ka ba sa sinasabi ko?!
Ako: H-ha?! A-ano ba sinasabi mo?
Mira: Hay naku! Ang sabi ko dala mo ba yung regalo mo para kay Marco?
Ako: Ah oo.
Malapit na kami sa school. Habang naglalakad kami ang tahimik.
Silence...
Biglang nagsalita si Mira.
Mira: Alam mo...kanina ka pa tahimik. May problema ka ba? Pwede mo naman sabihin sakin. Diba bestfriends tayo?
Bestfriends...
Ang sakit talaga.
Ako: Ako? May problema? Wala... Ay nandito na pala tayo! Sige mauna nako! Kita-kita nlang tayo ni Julianna mamayang uwian. Bye!
Ay! Wait naalala ko pinasabi sakin ni Arjay na hindi sya makakasama sa party mamaya.
Ako: Uh... Mira, pakisabi nalang kay Julianna na hindi makakasama si Arjay mamaya sa party!
Mira: Ah... Ganon ba? Sige, sasabihin ko nalang.
Pumasok na ako sa loob.
Haays... Bestfriend lang ba talaga ang turing mo sakin?
Hindi ako susuko Mira. Ako ang magiging ang iyong special someone mo.
BINABASA MO ANG
Finding my Special Someone
Teen FictionSi Mira Gutierez, isang simpleng babae na nag-aaral at nagtatrabaho para sa kanyang pamilya. Araw-araw siya umaasa na mahahanap niya ang kanyang "special someone". Si Arron Guilmor ay isang negosyante, nagtatrabaho ng mabuti para maging prou...