One Shot

282 9 1
                                    

I sighed heavily as I started shouting at him, "Kung ganito lang din, mag-break na tayo!"

Well, I did my best not to cry, but I guess, may sariling utak ang mga luha ko para tumulo. Tanda iyon ng kapaguran sa lahat ng nangyayari sa amin.

"Pagod na rin ako, Iza! Hindi lang ikaw!" Dinuro-duro niya ako, tsaka ginulo ang mga buhok niya. "Pareho lang tayo ng nararamdaman, Iza! Pagod na rin ako tulad mo, at hindi ko na kayang manatili pa sa iyo!"

We started dating six years ago and tomorrow is our fifth anniversary. Buong akala namin, kami na para sa isa't isa, pero sadya nga namang mapaglaro ang tadhana -- nawalan na kami ng nararamdaman para sa isa't isa.

"This is the best for the both of us, Benj." Iyong mga luha ko, ayaw nang tumigil sa pagbagsak. Ngayon lang tumulo ito ng ganoong katagal. Siguro nga, sobra na ang mga ito. Siguro, ito talaga ang tama.

"Right." Bigla siyang ngumiti sa akin, tsaka tumingala, trying to control his emotions.

Siguro, ganoon nga talaga. Akala mo, kayo na talaga sa isa't isa pero unti-unti rin pa lang darating ang araw na mapapagod kayong dalawa sa isa't isa. Na imbes puro kilig, at puno ng pagmamahal, napapalitan na ng sakit at pighati. Idagdag mo pa ang mga walang kwentang bagay na madalas naming pag-awayan.

Hindi na kami naging masaya, isang taon ang nakalipas. Kung ikukumpara, noong magsimula kaming mag-date, pareho naming naririnig ang tunog ng kampana sa simbahan, at ang vows namin sa isa't isa na nakahanda na ngunit habang tumatagal, unti-unti itong naglalaho hanggang sa isang araw, wala na kaming naririnig.

Tama, wala na itong patutunguhan.

"We tried, Iza. Ginawa natin ang ating makakaya para i-save lahat at ipagpatuloy ang relasyon natin." Bumuntong-hininga siya ngunit nakaiwas pa rin ang kaniyang paningin.

Nakatitig lang ako, umaasang mahuhuli ko ang titig niya.

"Iza, alam mo namang minahal kita, hindi ba?"

Tumango ako nang tumitig siya sa akin. Oo, alam na alam ko dahil iba ang titig niya sa akin noon sa titig niya ngayon. Kung noon, puno ng pagmamahal, samantalang ngayon, wala na. Wala na ang ningning ng mga mata niya sa tuwing nakikita niya ako.

"Minahal din naman kita." Ngumiti siya sa akin, tsaka tumango-tango.

"So I guess, I should leave now?" tanong niya sa akin sa kalmadong boses. I want to say no, but I end up nodding.

Pinanood ko siyang tumapak sa labas ng bahay na inuupahan ko. Gusto kong magwala, at umiyak ng paulit-ulit. Sa dinami-rami ng taong nagmamahalan, bakit kami pa ang nawalan ng pagtingin sa isa't isa? Bakit nawala na lang lahat sa amin?

Naaalala ko pa, kada umaga, siya na agad ang hinahanap ko. Siya na agad ang inaasahan ko sa inbox kong magte-text sa akin. Kaya lang, nagkasawaan na nga talaga.

Dumating ang araw na hindi na siya nagte-text, at hindi na rin ako umaasang magte-text siya.

I don't know why we end up being like this. Na-realize na lang naming sawa na kami sa isa't isa, at wala na ang tibok ng puso namin.

Let's face it. Mangyayari naman talaga iyon sa nagmamahalan, pero hindi ko inaasahang kung bakit sobrang tagal na namin, tsaka pa nagkanda-letse ang lahat.

Ayoko namang sabihin na subukan pa rin namin kasi alam na namin sa isa't isa na wala na itong patutunguhan. Kahit na subukan namin, hindi kami naging masaya. Kahit na pilitin namin ang lahat, wala pa rin. Siguro, tamang desisyon na nga talaga ito.

Right, we really should set each other free.

Kahit nakakabigla ang lahat, dapat naming tanggapin. Hindi na maibabalik ang nararamdaman namin. May limitations ang lahat, at ito ang sa amin. Hindi unlimited ang pagmamahal namin sa isa't isa -- nauubos at natatapos.

Napatitig ako sa suot kong singsing. Noong sinubukan naming sagipin ang lahat, he tried proposing to me. I said yes, because we were so eager to continue our relationship that was about to fall. Akala namin, engagement lang ang kulang, ngunit hindi pala.

Dahan-dahan ko itong tinanggal. Nakangiti man ay sunod-sunod pa rin ang pagtulo ng luha ko. Binitiwan na na namin ang isa't isa, so might as well remove this ring.

"Tinapos niyo na talaga lahat, Iz?" nabibiglang tanong ng kaibigan ko na hindi kumakatok sa pinto, at basta lang pumasok.

Sunod-sunod akong tumango, tsaka nagpunas ng luha. Hawak ang singsing, niyakap ko ang bestfriend ko, tsaka umiyak nang umiyak.

"Oh my God."

"Wala naman kaming pinagsisihan. Sumubok kami, nag-take ng risk pero ito na talaga."

"Yeah, I understand, Iz. Sige, umiyak ka lang, okay?" aniya, tsaka tinap ang balikat ko.

"Tapos na ang lahat sa amin."

After 4 years..

Inis man, hinayaan ko na lang ang kaibigan kong hilahin ako patungo sa mga sasalo ng bulaklak ng bride.

Ayoko na kasing sumalo. Sa tatlong kasal na in-attend-an namin, wala pa akong nasasalo, pero heto, ang bestfriend ko, pinapalakas ang loob ko na ako naman ang ikakasal.

"Come on, Iz! Ito na talaga, ramdam ko na!"

"Sa tatlong kasal na napuntahan natin, iyan rin ang sagot mo," nakasimangot kong saad at bumuntong-hininga.

"Gosh! Iz, kung kasal na siya, ito na ang pagkakataon mo!"

Napatango na lamang ako, tsaka nag-focus sa bride. Ang ganda-ganda niya. Ang anghel niya kung ngumiti, at tila ba hindi niya sasaktan si Benj.

"I told you, Iz!" Nagtitili si Gren, bestfriend ko kaya dali-dali kong tiningnan ang kamay kong nakasalo sa bulaklak.

Shit!

Sa pagmumuni-muni ko. hindi ko na napansin na sa akin lumaglag ang bulaklak! I blinked twice, trying to analyze everything.

Na.sa.lo. ko. ang. bu.lak.lak.

I am not dreaming, right?

**

"So. . . congrtulations, Benj!" Malapad ang ngiti ko siyang binati tsaka yumakap sa kaniya. That was just a friendly hug -- no super hard feelings.

"Yes, thanks," aniya, tsaka bumitaw sa yakap. Ang kasal na pinuntahan ko ay sa kaniya, at akalain mo nga naman, dito ko pa nasalo ang bulaklak.

"I'm happy for you." Ngumisi siya sa akin na ikinakunot ko ng noo. Bakit?

"Nasalo mo ang bulaklak so I am guessing na makakarinig na rin ako ng church bells sa iyo."

Naiiling akong tumawa sa kaniya. Naniniwala siya roon? Nagkataon lang talagang bumagsak sa akin ang bulaklak, iyon lang.

Pero nakakatuwa ang ganito. Komportable kaming nag-uusap pagkatapos ng apat na taon. He just emailed me the invitation, at dahil kaya ko naman at hindi ako gagawa ng kahihiyan sa kasal, pumunta ako.

Ang sarap sa pakiramdam na ayos kami, at walang ilangan. Tama na rin siguro ang ganitong ending para sa amin. Walang nagdurusa, at hindi maka-move on.

We had a great love story na kung saan, walang talo at panalo sa pagitan namin.

Kapag Nawala na ang SparksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon