Kabanata 4

13 1 0
                                    

Nahulog

" Geez " Dagdag ko

Habang papalapit kami ng papalapit ni Miyu ay nakilala ko sino ang dalawang naghahalikan sa quadrangle.

Nanlaki ang dalawa kong mata at napanga-nga noong nakalapit na kami.

" Elaiza ?  Kurt ?  " yan ang mga tanging nasambit ko.  Hindi ko alam kung bakit bigla na lang akong nanlambot at nanghina ng makita ko sila para bang may punyal na tumusok sa aking puso.  Noong tumagal ay hindi ko na nakayanan ang nasaksihan ko kaya naman tumakbo ako ng tumakbo ,  hindi ko alam kung saan ako pupunta kaya noong napagod ako umupo muna ako sa isang malapit na bench.  Bakit ganun?  Bakit ang sakit? 

Napatalon ako ng may lumapit saakin.

" Ate bakit ka po umiiyak?  "  tanong ng bata

Nagulat ako sa sinabi ng bata kaya naman hinawakan ko ang aking pisngi ,  totoo nga basa ito.  Ano ang ibig sabihin nito?  Bakit ako nasasaktan sa nakita ko?  Ang gulo.

" Ah wala ito.  " sagot ko sa bata at nginitian siya

" Sabi po ni mommy  kapag nasasaktan ka ilabas mo lang lahat wag mong itago kasi mas masakit daw kapag ganun.  " dagdag ng batang lalaki at nginitian ako.

" Ang dami mo namang alam ikaw ah kay bata bata mo pa. "  Sabi ko

May bigla siyang inabot saakin pagkatapos ay tumakbo na papaalis. Tiningnan ko ito panyo pala. Napangiti ako.

Ring ring ring

09********* calling

Sino naman kaya itong tumatawag saakin?

" Hello?  " bungad ko

" Salamat sa diyos at sinagot mo. Asan ka ba ah bigla bigla ka nalang tumatakbo at nawawala? Ni hindi mo man lang ako tinext o sana kinausap man lang.  Nagaalala kaya ako ,  nako Whane.  " mahabang lintaya ni Miyu saakin

" Sorry na.  May pinuntahan lang ako sandali pero pabalik na ako.  Magkita nalang tayo sa room.  Okay?  "  sabi ko

Magkapareho kasi kami ng klase ngayon. Minsan naman hindi.

" Okay.  Ingat Dang. "  paalam niya.

Naglakad na ako pabalik at papunta na ako sa room baka kase atakihin na sa puso si Miyu pag di pa niya ako nakita.  Pagpasok ko sa room ay bigla akong  sinalubong ng sapak ni Miyu.

" Aray naman. " maktol ko

" Ikaw babae ka pinagalala mo ako. " sumbat niya

" Sorry na nga e. " sabi ko at nagpacute sakanya

" Ewan ko sayo.  Ang pangit mo wag ka ngang magpacute.  "  natatawang sabi niya

Natawa na rin ako at sabay na kaming pumasok.  Pagkapasok ko ay magkatabi sila ,  silang dalawa.  Eto nanaman yung nararamdaman ko parang unti - unting dinudurog ang puso ko.  Habang nakatingin ako sakanila naisip ko sila ba?  Hindi ba kahapon lang galing sa amin si Kurt at nanliligaw siya. Ngayon naman may kahalikan pa lang siyang iba.  Ano yung mga sinabi niya kahapon ,  mga kasinungalingan at palabas lang.  Sabi na e mali ,  mali na pinatulan ko ang trip niya ,  edi sana hindi ako nassaktan ngayon.

Biglang sumulpot si Miyu sa harapan ko.

" Oy sino ba tinitingnan mo diyan ah? "  tanong niya at tiningnan ang tinitingnan ko.

" Hala?  Wag mong sabihing ? "  pagtataka niya

" Wala.  Tara na. " Sabay hatak ko sakanya paupo sa aming upuan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 20, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Intelligent PlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon