Hindi ba't nakapagtataka
na ang pag-ibig na pinaniwalaan mo, ay siyang pag-ibig na nilisan ka?
Ngunit patuloy mong linulunod ang sarili mo sa pag-aakala
na ang bawat haplos at ang bawat yapos
ay nangangahulugang "mahal kita".
Hindi ba't nakapagtataka
na ang pag-ibig na dating tinayo mong paraiso, ay ngayo'y pag-ibig na gumuho na?
Na kahit anong pilit mo ay hindi mo na maayos pa.
Kalakip nito ang mga pangarap, ang mga emosyon,
at ang mga pangakong ngayo'y napako na.
Hindi ba't nakapagtataka
na ang pag-ibig na inalagaan mo, ay ang pag-ibig na wala na?
Na kahit suuingin mo man ang bagyo,
takbuhin mo man ang milyong kilometro,
ay siya paring pag-ibig na hindi na magpapahanap pa.
Hindi ba't nakapagtataka
na ang pag-ibig na inibig mo ay siyang pag-ibig na bumigo sa'yo?