Wala ka ng ibang inisip kundi ang iba. Kahit na hindi ka makakain basta mapakain mo lang ang iba, ganyan ka kaselfless, ganyan ka kabait. Tila ba'y hindi mo iniinda ang pagod basta makatulong ka lang. Pero Ako? Napaka selfish ko . Hindi ko man lang inisip yung nararamdaman mo , Hindi ko man lang naappriciate yung mga ginawa mo. Kasi sarili ko lang ang iniisip ko.
-
Sanggol pa lamang ako, alam kong hirap ka na sa pagaalaga sakin. Hirap ka na sa paghanap ng pambiling gatas na iinumin ko. Kayod doon kayod dito. Ganyan ka kasipag mapalaki mo lang ako ng maayos. Hindi ko alam kung anong nangyari sa inyo ni inay at nauwi ito sa hiwalayan . Pero kahit dalawa na lang tayo hindi mo parin ako pinabayaan.Lumaki akong masaya dahil na rin sa pagmamahal na ibinibigay mo. Hindi ka na rin naghanap ng makakatulong mo sa pagtaguyod sakin kasi sabi mo, Masaya ka na kahit tayong dalawa lang. Nakapasok ako sa eskwelahan kahit na hirap ka sa paghanap ng pangbayad . Pero nagawan mo parin ito ng paraan para ako'y makapagaral.
Masaya akong umuuwi galing sa paaralan, paguwi sa bahay mabilis mo kong sinasalubong ng yakap. Masaya kong kinekwento sayo ang mga nangyari sakin.
Masayang masaya ka sa tuwing pinapakita ko sayo ang nakuha kong grado sa pasusulit at mga premyo galing sa aking guro . Pinagmamalaki mo ko sa tuwing nakakakuha ako ng mataas na marka.Kapag may nang-aaway sakin sa eskwelahan palagi kong sinasabi sayo. Iiyak pako habang kinekwento ito. Tapos kikilitiin mo lang ako para makita akong tumatawa. Ayaw na ayaw mo kasing nakikita akong umiiyak . Sabi mo pa nga walang dapat nagpapaiyak sakin kasi ako ang prinsesa mo.
Hanggang sa nag high school ako. Bagong kakilala, bagong kaibigan. Sabi nila dalaga na ko kaya madalas sa twing sasalubungin mo ko ng yakap habang nakangiti ka pa, Madalas iniiwasan ko lang ito at mabilis na pumapasok sa kwarto. Hindi na rin ako masyadong nagkekwento sayo kaya sa twing tinatanong mo ko kung kamusta sa eskwelahan parating sagot ko "Ok Lang" pagkatapos nun hindi nako magsasalita. Ngingitian mo Lang ako. Pero kita ko sa mga mata mo ang lungkot. Kapag may problema ako, Hindi na ikaw yung sinasabihan ko kundi yung mga kaibigan ko na. Madalas kapag sinesermonan mo ko nagbibingibingihan lang ako. Pasok sa kabila labas sa kabila kaya minsan tumitigil ka na lang. Naging malayo ang loob ko sayo. Pero kahit ganun hindi naging malayo ang loob mo sakin.
Hanggang sa nagcollege ako. Dito natuto akong gumimik kasama ang barkada kaya madalas gabing gabi na ko kung umuwi. Pero ikaw kahit pumipikit pikit na ang mga mata mo hinihintay mo parin ang paguwi ko. Natuto akong uminom ng alak at manigarilyo. Kababae kong tao pero yun yung ginagawa ko. Sabi mo layuan ko na yung mga barkada ko, Kasi wala silang madudulot na maganda sakin. Pero ito ako hindi pinakinggan ang mga sinabi mo . Bumaba na ang mga grado ko dulot na rin ng pagliban sa klase kasama ang barkada. Natuto ako ng mga masasamang gawain katulad ng pagnakaw. Trip trip lang yun ng barkada. Hanggang sa nakulong ako, Kasi nahuli kami. Kasama ko yung mga barkada ko nun pero ako lang yung nahuli kasi iniwan nila ako.
Tatlong araw lang ako sa kulungan. Pero habang nandun ako ikaw ang nasaisip ko. Iniisip ko kung umuwi ako matatanggap mo pa ba ako? Sobra ka bang nagaalala sakin? Hinahanap mo ba ko? Nagaantay ka ba sa bahay katulad ng pagantay mo sakin sa twing hindi pako umuuwi?
Malakas ang tibok ng puso ko habang tinatahak ang daan papunta sa tahanan natin . Pero mas lumakas ang tibok ng puso ko ng may makita akong malaking tolda sa tapat ng bahay natin. Kasabay ng malakas na kabog ng dibdib ko, ay ang paguunahan ng patak ng mga luha ko ng may maaninag akong isang puting kabaong . Napahagulgol na ko ng makita ko na ikaw ang nasa loob ng kabaong na yun .
Nakita ko ang muka mong mahimbing na natutulog . Nakita ko ang muka mo ng matiwasay tila ba'y nakaraos na sa hirap at pagod na nadama. Nakita ko ang magara mong suot ngunit ito'y barong na puti at pants na itim . Dati pinapangarap ko na susuotin mo lang yan pagdating ng kasal ko , pero ngayun suot mo na yan kasi wala ka na . Nakita ko yung tatay kong wala ng ibang ginawa kundi ang lumaki ako ng maayos at laging nakangiti .
Sabi ng kapitbahay natin inatake ka daw sa puso kasi nagaalala ka kung ano ng nangyari sakin. Hindi mo sinabi na may sakit ka pala sa puso. edi sana naalagaan kita.
Nagsisisi ako kasi hindi kita pinakinggan . Nagsisisi ako kasi hindi na muling nagkalapit ang loob natin. Nagsisisi ako kasi hindi kita inisip bagkus sarili ko lang iyong iniisip ko.
Nakakalungkot kasi hindi ko na muling masisilayan ang mga ngiti mo . Nakakalungkot kasi sa twing nauwi ako sa bahay wala ng nagaabang sakin para hagkan ako ng yakap. Wala ng nangingiliti sakin sa tuwing umiiyak ako. Wala na kong nadadatnan na papikit pikit na mga mata sa tuwing gabing gabi na ko umuwi. Wala na . Kasi wala ka na .
Ngayung wala ka na . Naiwan na kong nagiisa , pero alam kong hindi mo na nadadama ang pagod at hirap. Alam kong masaya ka na. At binabantayan ako.
Nagsisisi akong hindi ko sinabi sayo na mahal na mahal kita . Pano ko pa yun masasabi Kung Wala ka na saking tabi?
-
What you regret the most?
Kasi Ako? I regret for not saying how much I love him.
End
~
Ipakita at sabihin mo sa magulang mo Kung gano mo sila kamahal kasi Hindi natin Alam Kung hanggang kailan natin sila makakasama. Hindi natin alam Kung hanggang kailan sila tatagal kayat habang buhay pa. Show your love for them. Nang Hindi ka magsisi sa bandang huli.
Parents will do everything for you ;) Always remember that!
Spread love for our family :)
silentdth-