I was browsing at my timeline when a message pop out from him.
"Hey Lex, Nanunuod ka ba ng stage play?"
He's Stefan, my close friend/blockmate/crush.
Though di naman talaga ko na nunuod ng mga stage plays ay sumagot ako ng Oo.
Well, I'm not sure for what I feel for him. We shared lots of stories, faith and even in our future plans.
I'm on verge of expecting he'll ask me out.
"I'm wondering if you can join me for one tonight?"
My heart starts drumming into my ribcage. Is this for real? He's asking me out?!
I tried to composed myself bago ko sya replayan ng 'Sure. What time?' kahit na hindi naman nya ako nakikita ngayon.
He mentioned the details and where to meet. Sa venue na lang daw.
Well, I'll be stupid if di ako nag expect ng some sort of sweet action from him like susunduin nya ko sa bahay. Pero dahil nga gusto ko, di ko na lang pinansin.
Mabilis lumipas ang oras sa buong araw. Hindi ako napakali sa kung anung isusuot ko, kung dapat bang naka make up ako o dapat magpaka ako lang ako.
I'm now standing on the lounge of the venue ng natanawan ko si Stefan na may kasamang babae.
Nakita rin naman niya ako kaya lumapit siya agad at hinila pabalik sa kasama nya.
Nakita ko ang kislap sa mga mata niya habang pinakikilala ako.
I was just about to speak when a guy call her already.Si Stefan naman ay nakangiti lang na niyaya akong pumasok na rin sa loob.
Mga ilang minuto lang ay nagsimula na ang stage play.
Dahil sa may kadiliman rin dito ay malaya ko siyang namamasdan. Tila ba manghang mangha sa babaeng kasama namin kanina, na ngayon ay nasa stage na at magaling na gumaganap sa bidang babae.
Di ko alam pero wala pa man ay parang may kumukurot na sa puso ko.
Natapos ang palabas nang hindi ko talaga naintindihan kung anu bang pinanood ko. Bukod sa mga mata niyang kumikislap kapag nasisinagan ng ilaw
Ngayon ay nasa may gilid na kami ng backstage. Naghihintay. Siya naman ay may hawak ng isang bouquet ng rosas.
Whoooohh Okay this is just great right? I let go.
Isiniksik ko sa ulo ko na hindi dapat malungkot para sa naiisip kong masasaksihan ko.
"Lex ang galing niya diba?"
Natauhan ako sa tanong nya.
Para akong natanga na di makasagot ng may tumawag na sa kanya.
Agad naman syang lumapit at ibinigay ang bouquet ng roses.
In an instant I don't exist anymore.
Nagsimula na silang maglakad palabas habang naiwan akong nakatayo parin dito.
Ilang minuto pa ay nag text na siya.
"Lex sorry ah, alam mo na, chance ko na kasi to eh. Thank you pala sa pagsama sakin manuod. Nakatulong ka as audience, need nila yun eh. Ingat ka na lang pauwi. Salamat talaga."
Nagsimula na kong maglakad pauwi habang may mga patak ng luhang pilit na kumakawala sa mga mata ko.
--------
So there it is~
Thanks for turning this page.😉
Hope you guys like it too.. Actually this is my entry to the one shot writing contest on an FB Page Wattpad Hidden Files. Shockingly, it was first runner up hahaha.. Ms. Blue_Maiden gave the 50% of the judging so it really means a lot to me. It's my first try so bear with me if this talk got a little longer than the usual. It was pure fun, it was simple but I love it.The feels in this story is really crazy.. Hmm.. Foretold one. Haha
So that's it.. Hope you guys really liked it and hope you can leave some comments and votes. Thank you.
Love lots💜
-TurnMyPages
Written: 05/16/2016- 2:58pm