Sacrifice

76 3 1
                                    

Andrea's POV

"Bes, may sasabihin ako sayo." sabi nang bestfriend kong si Clyde sabay upo sa tabi ko. Andito kami sa favorite place namin, ang treehouse.

"Ano yun?" tanong ko habang naglalaro sa cellphone ko

"Kami na!" masaya nyang sabi.

"Ah okay. Congrats." hindi ko pa rin sya nililingon.

"Bes naman eh, wala ka namang pakielam." reklamo nya kaya itinago ko ang cellphone ko sa may bulsa at hinarap siya.

"Masaya ako para sainyo, lalo na sayo. Matagal mo na syang nililigawan, sa wakas sinagot ka din niya. Kelan pa?" ngumiti ako sakanya at umiwas ng tingin. Pinagmasdan ko ang mga ulap.

"Kanina lang bes. Bes?" sambit nya pero nakatingin pa rin ako sa mga ulap. "Bes!" pero di ko pa rin siya tinitingnan. "ANDREA TAYLOR!" nagulat naman ako sa pagsigaw nya kaya napatingin ako sakanya

"Ano ba Clyde?!" reklamo ko

"Hindi ka naman nakikinig eh."

"Masama lang ang pakiramdam ko. Uuwi na ako, may pasok pa tayo bukas." tumayo na ako at bumaba sa treehouse, sinundan naman niya ako

"Hatid na kita." sabi ni Clyde sakin

"Hindi na bes, kaya ko na umuwi magisa."

"Sigurado ka?" tumango na lang ako.

"Sige, ingat ka." Kiniss niya ako sa noo, naglakad na ako pauwi at dumiretsyo sa kwarto ko. Kinuha ko yung diary ko sa may drawer ko at nagsulat.

Dear Diary,

Ang sakit malaman na may girlfriend na yung bestfriend ko. Na may kahati na ako sa oras nya. Alam ko din na darating 'to sa point na mawawalan na siya ng time para sakin kasi mas priority nya na yung girlfriend nya kesa sa bestfriend nya. pero ano ba namang karapatan kong magreklamo, bestfriend nya lang naman ako. Hindi na kami makakapagbonding. Ni hindi ko nga alam kung makakabalik pa siya sa treehouse namin eh. Mahirap baguhin ang mga bagay na nakasanayan na. Simula nang namatay sina Mommy at Daddy, siya na ang takbuhan ko. Sakanya ako humihingi nang payo tuwing may problema ako. Tuwing nagbebreak kami ng mga nagiging boyfriend ko, sakanya ako umiiyak. Nakita na nya ang kahinaan ako. Tuwing masaya ako, malungkot, o galit nandyan pa rin siya sa tabi ko para damayan ako. Pero ang hiling ko ay sana kahit na may girlfriend na siya, hindi pa rin magiba ang pakikitungo niya sa akin. kahit alam kong imposible.

Binalik ko na ulit yung diary ko sa may drawer at natulog na. Sana bukas, mawala na ang sakit na nararamdaman ko.

~Kinabukasan~

"Andrea, gising na. May pasok ka pa." sabi ni Tita. Simula kasi nang namatay sina Mommy at Daddy, siya na ang nag-alaga saakin. May anak din siya, si Gio. Close nga kami eh. Para ko na kasing siyang kuya at classmates pa kami.

"Sige po tita." bumangon na ako at naligo. Nagbihis na din ako ng uniform at bumaba na para kumain.

"Good Morning Drea!" bati ni Gio

"Good Morning din Gio." umupo na ako sa tabi nya at kumain. Pagkatapos namin kumain ay nilagay na namin ang aming kinainan sa may lababo.

"Tita alis na po kami." bumeso ako kay Tita, nagpaalam na din si Gio sakanya at lumabas na kami.

"Drea, sabay ka na sakin." sabi sakin ni Gio.

"Hindi na, aantayin ko na lang si Clyde. Salamat na lang." ngumiti ako sakanya

Sacrifice (One-Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon