Chapter Four

30 1 0
                                    


FOUR

Kakatapos lang maglaro nila Chiv at paalis na rin kami upang mamasyal. Pinupunasan ko ang basang buhok ni Chiv parang naligo sa pawis!

"Kung 'di lang kayo magkapatid iisipin kong may something sa inyo," Komento ni Miles at ngumuso.

"Nako, masanay ka na sa dalawang 'yan! Sweet talaga sila mula bata pa," Nakangiting sabi ni Stef habang pinapanood kami. Totoo naman 'yung sinabi ni Stef. Nasanay na rin ako na ganito kami at maraming nagsasabi na kaya hindi ako nagkakaboyfriend ay dahil kay Chiv. Wala naman akong paki dun dahil masaya ako kasama si Chivalry.

"Oo nga, oh 'yan tapos na. Magpunas ka nga ng pawis mo." Sabi ko kay Chiv. Pinunasan ko lang naman buhok niya kasi pagod siya. Minsan ko lang naman ginagawa 'yon dahil madalas gawin sa'min 'yon nila Mama at Papa. Pero dahil habang tumatagal nagiging busy, kami na lang sa isa't isa.

"Saan tayo pupunta?" Tanong niya at hinubad 'yong pawisang shirt niya at saka nagsuot ng bago. Napanganga naman si Miles na agad na sinara ni Stef. Natawa kami nila Ace.

"Oh, ingat baka pasukan ng langaw." Sabi ni Ars at humagalpak. Well, hindi ko maipagkakaila na malaki ang katawan ng kapatid ko.

"Hmm, park o mall?" Tanong ni Stef at nag-isip.

"Nako, park na lang. Hindi naman kami palagastos gaya mo, Stef." Sabi ko at tumawa. Inirapan niya ako.

"Dahil diyan mall tayo! Namimiss ko na rin mag mall. Ang tagal ko ng grounded. Papayagan naman siguro ako nila Mommy basta kayo ni Chiv ang kasama ko!" Masiglang sabi niya at nagdial sa phone. Napailing na lang ako.

"We should go home early. Ihatid na lang natin si Stef mamaya," Sabi ni Chiv habang tumitingin sa relo. Alas kuwatro pa lang naman.

"Ay, hindi na! May susundo sa'kin." Sabi ni Stef at ibinaba ang telepono.

"Si Stanley 'yan 'no?!" Pagkantyaw ni Miles at ngumisi.

"Stanley?" Kunot-noong tanong ni Chiv. Nako, lagot ka.

"Oo, parang hindi mo naman kilala! 'Yung kababata natin?" Pagpapaalala ni Stef. Hindi naman namin nakalimutan. Namimiss ko na rin 'yong ugok na 'yon!

"Naparusahan kasi siya sa pagtakas!" Pangaasar ni Miles kaya kinurot ni Stef ang tagiliran niya. Napailing na lang si Chiv at tumawa na lang ako. Pilya talaga kahit kailan.

"Magaling ka talaga, Stef!" Sabi ni Ars at tumawa. Kahit kailan talaga.

"Shall we go?" Tanong ni Ace. Tumango ako habang excited si Miles, Stef at Ars. Hindi ko na pinabitbit ang bag ko kay Chiv dahil alam kong pagod siya sa training.

"North, You may go home if you want. You really look tired," Sabi ko sa kanya at hinawakan ang braso niya. Tinatawag ko lang siyang 'North' kapag nilalambing ko siya. Maarte, eh.

Umiling siya, "I can manage. Sanay na ako sa ganito, Sel." Sabi niya at tinitigan ako diretso sa mata. Ang talim talaga tumingin nitong kapatid ko. Nasa unahan si Stef at Miles nasa gitna kaming magkapatid at nag-uusap naman si Ars at Ace sa likod. Pinili naming maglakad dahil hindi naman nagkakalayo ang agwat ng mall sa school.

Nang makarating kami ay halos naging bantay lang namin ang mga lalaki sa pamimili. Si Miles at Stef ay ginawa akong manika sa kakapili ng mga damit. Hindi ko rin naman bibilhin dahil ayokong gastusin ang perang binibigay nila Mama. Lagi rin namang naiirita si Chiv dahil ayaw niya ng mga ganoong klaseng damit. Sleeveless, short skirts, halter top at kung anu-ano pa. Kahit si Ars at Ace ay nadadamay na rin minsan.

"Ito na ang mga pinili mo!" Sabi ni Stef sabay pakita ng mga paper bags. Agad sumama ang loob ko, hindi ko naman kailangan ang mga 'yon.

"Stef naman, aanhin ko ang mga 'yan? Sa'yo na lang 'yan. Salamat na lang," Sabi ko at ngumiti. Sumimangot naman agad siya.

"Eh, nagsasawa na ako sa damit mo. Pantalon at shirt, minsan ka lang magpalda at heels." Sabi niya at ngumuso. Yeah, gaya ngayon.

"She doesn't need to wear those. Maigi na 'yong simple." Maarteng sabi ng kapatid ko. Masanay na kayo kung nag-english 'yan. Matalino naman kami saka napapalibutan rin ng mayayaman kaya kailangan namin mag-english at nakasanayan na rin.

"Ewan ko sa'yo, North!" Sabi ni Stef at ngumiwi. Hindi naman maarte itong si Stef mahilig lang mamili at girly.

"Totoo naman ang sinabi ni North," Ani ni Ace. Naramdaman ko ang dugo sa mukha ko, dyusko maliwanag dito sa mall!

"Oo nga naman," Dagdag ni Ars at kumindat. Gwapo sana.. Kaso bakla.

"Yieee kilig!" Kantyaw sa'kin ni Miles. Umiling na lang ako.

"Ikaw rin, Stef." Dagdag ni Chiv at pinasadahan ang buong katawan ni Stef na agad naman niyang tinakpan gamit ang dalawang kamay. "You show too much skin, sa school ka pumupunta hindi sa party," Komento niya at umirap.

"This is fashion! Aanhin ang maraming damit kung ang suot mo ay pang pusit?!" Humagalpak kami ng tawa lalo na si Ars.

"Type ko 'yon!" Aniya at punalakpak.

"Para namang sinabi mong pusit ako," Tinutukso ko lang naman siya. Masrte rin naman ako manamit gaya niya.

"Hindi, ah. Marunong ka naman manamit. Ayaw mo lang magpakita ng balat!" Hay nako, walang katuturan 'to.

"Tss, stop it Stef. Are you girls done? Umuwi na tayo," Bored na sabi ni Chiv. Oh, my poor bro.

"Ay, hindi! Hindi! Nagugutom ako kumain muna tayo!" Para namang nasindihan ang pwet ni Stef.

"Kaya ka napapagalitan, eh." Sabi ni Ars at ngumiti.

"Saan niyo gusto kumain? My treat." Nakangiting sambit ni Ace. Agad nanlaki ang mata ni Stef at Miles samantalang kumislap ang mata ni Ars. Basta talaga libre.

"Wag na, Ace! Nakakahiya naman sa'yo,"Umiling-iling ako habang sinabi iyon.

"Ang KJ mo naman, Sel!" Itong si Ars! Mayaman naman siya, ah?

"Yellow Cab tayo?" Nakangiting anyaya ni Miles. Bumuntong hininga na lang ako nang tumango si Ace. Inakbayan ako ni Chiv habang naglalakad kami tungo sa Yellow Cab. Nagtaka ako.

"A lot of guys are looking at you. And It's irritating," Bulong niya. Napangiti naman ako. Kambal ko talaga!

"And a lot of girls are drooling on you. I hate it," Ngumuso ako sa kapatid ko at tinignan ang mga babaeng nagtitilian. Nagulat ako ng hinablot ni Stef si Chiv at dinala kay Miles na kasama si Ars. Nilapit niya naman sa'kin si Ace. Nakakahiya ka naman, Stef. Humanda ka sa'kin mamaya. Papasalamatan kita ng bonggang bongga! Napalingon ako kay Ace at ngumiti ng hilaw. I mouthed 'sorry' to him. Nagulat ako nang mas lumapit siya sa'kin at binulungan ako.

"It's alright, we're friends right?" Sabi niya habang nakangiti. Tumango ako ay ngumiti ng hilaw. Yeah, friends. Friends.

A Twist in My Story *Completed*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon