"Buwisit!"
"Oh, Maqui. Aga-aga ang init ng ulo mo." Natatawang iling ni Julie sa inasta ng kaibigan. Tumingin siya sa batang katabi niya at pinunasan ang sauce na nakakalat sa gilid ng labi nito.
"Thank you, Nanay." Ani ng bata. Ngumiti lang si Julie bilang sagot.
Inis na inilapag ni Maqui ang cellphone niya sa lamesa at humarap kay Julie. "Iyong kapatid ko kasi, sakit sa ulo! Uuwi na nga lang from States, gumawa pa ng huling kalokohan."
"Ano daw ang ginawa?"
"Aba naman, Bes, pinagsisisira iyong mga gamit sa apartment na tinirahan niya. Naiinis daw siya sa landlady. Abnormal 'di ba?! Pinakulong pa tuloy siya at magi-istay pa siya doon for a week bago makauwi na talaga dito sa Pinas." Aburidong sambit ni Maqui at hinilot ang kaniyang sintido.
Nagulat si Maqui nang may maliit na bisig ang kumulong sa kaniya. Nag-angat siya ng tingin at nakita ang anim na taong gulang na anak ni Julie.
"Momma Maqui, don't be mad, please." Agad namang napalitan ng ngiti ang lukot na mukha ni Maqui at niyakap rin ang inaanak. Nakangiti lang si Julie habang pinagmamasdan ang matalik niyang kaibigan at ang anak niya.
"Okay po, hindi na po sad si Momma, Soleil." Nakangiting sabi ni Maqui.
"Yehey!" Pinupog ni Soleil ng halik si Maqui.
"You're so sweet, Soleil. Nagseselos na si Nanay." Kunwari'y tampo ni Julie.
Humagikgik ang bata at yumakap rin sa ina. Maya maya ay nagpaalam rin itong aakyat muna sa kwarto nito para maglaro ng kaniyang mga manika kasama ang tagapag-alaga niya.
Naiwan sina Maqui at Julie na nagdidiskusiyon tungkol sa business nila. Mayroon silang elite hotel na sila mismo ang nagpapatakbo. Agad nila itong itinayo matapos nilang makapagtapos sa paga-aral bilang regalo sa mga sarili.
Nang matapos na ang diskusiyon nila ay sumandal si Julie sa likod ng upuan at bumuntong hininga.
"Julie?" Tawag pansin sa kaniya ni Maqui.
Tinignan niya ang kaibigan na para bang nagtatanong.
"M..may nalaman na ba ang investigator mo tungkol sa tatay ni Soleil?" Alinlangang tanong nito.
Muling nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga si Julie at napasapo sa noo. Isa siyang biktima ng rape nang minsan siyang isinama ni Maqui sa bar para magcelebrate ng birthday nito. Sising-sisi si Maqui na isinama niya pa ang kaibigan pero ang sabi naman ni Julie ay hindi niya ito kasalanan. Simula nang malaman niyang buntis si Julie ay hindi siya umalis sa tabi nito at tumayo na ring pangalawang ina ng bata. Si Soleil Bella San Jose ang naging bunga ng gabing iyon.
Napansin ni Maqui na parang walang balak sumagot si Julie kaya tumango-tango na lang siya at nagbaba ng tingin. Masiyado pa rin siyang nilalamon ng konsensiya niya.
"Moises." Napalingon siya kay Julie nang marinig niya iyon. Malamlam ang mata ng kaibigan at unti-unti na ring nangingilid ang mga luha.
"A—ano?"
"Moises raw ang pangalan ng lalaking iyon."
BINABASA MO ANG
Rough Skies (JuliElmo)
Fanfiction"I have ruined a life. I know she's out there somewhere, her face is screaming innocence yet still holding herself culpable for everything..."