Rough Skies: Two

598 30 3
                                    

"In the name of the Father, and of the Son, and of the Holy Spirit, Amen. Dear Jesus, thank you for this wonderful day. Sorry for my sins. Thank you for all the blessings You have given me. Jesus, please guide my Nanay. I don't want to see her crying every night because of my Tatay. Please also guide my Tatay wherever he is. Jesus, can you please tell him, I love him? I want to see him but I know Nanay would be hurt. I understand, Jesus. I love you Jesus. Amen."

Kita niyang humiga na ang anak sa sariling kama at nagkumot. Huminga ito nang malalim bago pumikit. Ngumiti siya bago pumasok sa kwarto ng anak. Binigyan niya ito ng halik sa noo. Agad na dumilat ang kaniyang anak.

"Nanay?"

Julie lied beside her. "Nanay's going to sleep with you. Is it okay?"

Agad namang ngumiti ang bata. "Of course, Nanay" Binigyan niya ng halik sa pisngi ang ina. "Nanay?" Muling tawag niya kay Julie.

"Hmm?" Ani Julie habang ina-ayos na ang kumot nila.

"Do you love Soleil?" Tanong nito.

"Oo naman, anak. Nanay loves you more than anything else in this world." Ani Julie at hinaplos ang pisngi ng anak. "You are my strength. Hindi ko alam ang gagawin ko kung wala ka."

Hinalpos rin ng bata ang mukha ng ina at saka ipinagdikit ang mga noo nila. "Uh-hum. How about Tatay, Nanay? Does he love me?"

Gulat naman ang babae sa tanong ng bata. "Huh—uhm, of course naman, Soleil. Tatay loves you too." Pagsisinungaling sa anak.

Hindi naman magkamayaw ang ngiti sa labi ng bata. "Nanay, when will he be home from work? You told me that he's working overseas so that I could study in a great school."

"Anak, medyo matatagalan pa si Tatay sa pag-uwi. At saka, nandito naman ang Nanay ha? Ayaw mo na ba sa akin? Nagsasawa ka na ba?" Tanong ni Julie, pinipilit na magtunog masaya ang boses.

"No po, Nanay. I just miss him po. I don't know what he looks like. I don't even know his name." Malungkot na tugon nito.

Sandaling napatahimik si Julie. Nagdadalawang-isip kung may sasabihin ba siya sa anak. Tinitigan niya si Soleil. Labi lang niya ang nakuha nito. Inisip niya'y kung anong itsura ng anak ay siya ring itsura ng Tatay nito. Ng lalaking nanamantala sa kaniya.

"Don't mind me nalang, Nanay, let's sleep na po. I have school pa tomorrow." Biglang sabi nalang ng anak at niyakap na ang ina, handa nang matulog.

Ipinikit nalang rin ni Julie ang mga mata.

"H..huwag... Huwag mo akong lalapitan!" Takot at kaba ang naghari sa pakiramdam ni Julie sa oras na iyon. Unti-unting lumalapit ang lalaki sa kaniya. Kahit madilim ay kita niya ang lungkot at sakit sa mata nito. Parang nagsusumamo...

"Patawad... Patawad..." Paulit-ulit na sabi nito habang nilapitan na si Julie. Hinawakan niya ito sa braso, dahilan para magpumiglas ang babae.

"Parang awa mo na!" Ani Julie nang maramdaman ang pagdampi ng labi nito sa kaniyang noo.

"Patawad..." Mahinang bulong nito sa kaniyang tenga, at dahan dahan nang inilapat ang labi nito sa labi niya. "Patawarin mo ako."

"HUWAG!"

"Nanay, Nanay! Wake up! You're having bad dreams nanaman po!" Napamulat siya bigla. Ang lakas ng tibok ng puso niya. Napa-upo siya at bumungad sa kaniya ang anak na kakagising lang at bakas sa mukha nito ang paga-alala.

Hindi agad siya nakapagsalita. Patuloy lang siya sa paglalabas ng mabilis na paghinga. Agad siyang hinagkan ng anak at hinalikan sa tuktok ng ulo.

Rough Skies (JuliElmo)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon