•••Aya•••
Maaga kaming nagising kanina dahil 5:30 to 6:00 ay nagzumba kami. Then, 7 to 8 ay kumain kami at naligo na. Pagkatapos nun, may papanoorin kaming movie at magkakaroon ng question and answer game tungkol sa movie at sa research na rin na diniscuss kagabi bago kami natulog.
Nandito kami ngayon sa ginawang hall para sa camp at nanonood na ng movie. Title? The Huntsman: Winter's War.
Hindi ako makapagfocus sa panonood. Sa tingin ko ay mabigat lang talaga yung mga mata ko. Hay, ayoko na!!! Pagod na pagod na talaga ako. Mangiyak iyak na ako dito. Paano ba naman kasi, walanghiyang mga kagrupo ko, ginising ako ng mga 2:30. Eh kasi kahapon, ganito yun...
Flashback....Pagkatapos naming kumain, sinabi nila na gawin nalang namin ang mga gusto naming gawin dahil bukas pa mag sisimula ang totoong camping. Kumbaga, patikim palang iyon.
“Guys, punta tayo sa bridge! May ilog daw sa likod ng gate na iyon.”sabay turo ni Vivian at kulay asul na gate na hindi masyadong napapansin dahil natatakpan ito ng mga dahon at puno. Nasa opposite side din kasi ito ng entrance.
“Game!”aba, bigla namang pumayag yung dalawang mokong at nauna na ring pumunta. Nako naman tong mga to. Pero, hayaan na gusto ko rin namang pumunta eh, ngayon lang naman to.
Dahan dahan kaming nagtungo roon para narin iwas gulo. Alam din naman kasi naming bawal ang pumunta dito dahil baka madisgrasya kami at yung mga teachers and facilitators pa yung mapagbintangan.
Pero kami? Wala kaming pake, lahat na ata ng mga kalokohan na pwedeng gawin noong bata pa kami ay na gawa na namin. Hindi naman kami pinapagalitan ng mga parents namin dahil na rin sa gusto nilang maenjoy namin ang aming pagkabata.
Noong nakalapit na kami sa gate, wala naman itong lock pero may alambreng nagsilbing lock nito.
Nagtinginan si Xyndryx at Zedric at parang napag-usapan na nila ang tungkol dito. Hanep, ang bilis ha!
Sinabi nila na magtago muna kami sa likod ng puno para hindi kami makita rito. Tumingin muna ako sa venue. Nag-eenjoy din naman yung iba pa naming mga kaklase. Last na rin naman tong camp na magkakasama kami dahil siguradong magkakahiwalay din ang ilan samin dahil na rin sa iba't ibang kurso na kukunin ng bawat isa.
Bumalik ang tungin ko sa dalawa. Nako! Boys scouts of the year! May tools na silang dala. Nagtaka rin kasi ako kung bakit ang lalaki ng dala nilang bag eh maglalakad lakad lang naman kami.
Tinignan ko naman yung kasama kong nakatago dito sa puno, titig na titig lang naman kay Zed, na halos matunaw na siguro si Zed sa titig niya.
“Hey Aya. Ang gwapo ni Zed.”spbulong niya sakin at halatang kinikilig. Pero hindi ko to pinansin at bored lang na tumingin sa dalawang kanina pa pinuputol yung alambre pero medyo nahihirapan din.
“Gaaaad! Ang hot niya! Hindi mo ba napapansin yun Aya?”Hot? Ah, oo. Yung araw. Ang hot.
Sinamaan niya ako ng tingin. “Alam ko na naman na hindi mo nagets eh! Ag talino mong tao pero wala man lang tinirang talino para sa mga bagay na ganito. I mean, ang nilang dalawa oh, look ang hot nilaaaaa~~!”
“Oh? Nasan yung gwapo diyan? Yung gate? Hot? Kapag ba pinagpapawisan sila hot na.....agad...”napalunok ako nung pinagmasdan ko silang dalawa. Ang init, bat bigla biglang uminit! Aish! Namumula na naman ako. Ano ba kasing meron sa mga mukha nila *ehem* mukha ni Xyndryx na pawis na pawis at parang namamagnet yung mga mata ko?
Kinalma ko nalang yung sarili ko at after a few minutes naopen na rin yung gate at pumasok na kami!!
Ang ganda rito! Una, naglakad kami sa hanging bridge! Yay! Nakakatakot pero nakuha pa rin naming magselfie. Tumakbo takbo oa nga yung dalawang mokong at dito pa naisip maghabulan. Habang si Vivian naman, hindi pa rin nakakaisang step dahil na rin siguro sa sobrang takot at nanginginig yung mga tuhod niya.
Sinabi niyang hahanap nalang siay ng magandang pwesto at binitbit yung bag ng dalawa. Yes, prepared sila dahil kumuha na rin sila ng towels, extra na damit, snacks, etc. At set up na yung picnic namin!
Habang naghahabulan yung dalawa, nilanghap ko yung sariwang hangin dito. Kahit mainit, mahangin pa rin. Dahil na rin siguro sa GGSS na kasama ko! Napatawa nalang ako ng mahina. Ang ganda ng tanawin. Ako naman si photographer, picture here and there.
Kinuhanan ko rin sila ng picture dahil alam kong magaling magdrawing si Xyndryx at palagi niyang nadradrawing lahat ng napupuntahan naming lugar at dinidisplay sa kwarto niya.
Nakita ko rin si Vivian na natapos na sa ginagawa niya at kinuhanan ng litrato. Tinawag ko na rin yung dalawa at sumunod naman sila agad.
“Group picture guys! 1, 2, 3 smile!”then may picture na kami.
Kumain kami, nagkwentuhan, nag-asaran at nagtawanan din lang. Walang bagom kami pa rin yung dating kami at masaya ako para samin.
BINABASA MO ANG
She Existed(ON-GOING)#Wattys2016
Teen FictionI don't know where to start because I just woke up one day, infront of my grave and realized that I am already dead. I don't know the reason why I'm still here, as a ghost, and I don't know why I'm dead. It is very frustrating because I remember all...