Chapter Five

36 1 0
                                    


FIVE

Nagpasalamat ako sa mga kaibigan ko dahil kahit pansamantala ay nalimutan ko ang problema ko. Pinilit ko na rin na kalimutan ang nangyari sa'min ni Christine. Kung babalik ang best friend ko, babalik siya. Tumagal man o hindi, I'll wait for her.

Lunch ngayon at hinihintay ko si Chiv dahil siya ang bumili ng pagkain naming dalawa. Wala si Stef ngayon pero okay lang. Kasabay naman namin si Ace. Madalas nga lang akong hindi mapakali. Alam kong mabilis... But I know, I'm falling for him. Sabi crush lang, pero bawat ngiti niya hindi ako makahinga. Halos sumayaw na ang puso ko at lumipad na ang kaluluwa ko. Pakiramdam ko ay may piyesta sa langit kasama ang mga anghel kong nagdiriwang. Ewan, kung ano man ito, panginoon na ang bahala.

"North, may problema ba kayo ng mga kaibigan mo?" Tanong ko sa kanya habang inaayos niya ang kakainan namin. Napalingon siya sa'kin at kumunot ang noo.

"Wala, bakit?" Sagot niya at nanumbalik sa paghahain.

"Eh, madalas kang sumasama sa'min?" Hindi naman kasi siya sa'min sumasabay.

"Your brother is being overprotective of you. Nandito naman ako, eh." Sabi ni Ars at tumawa. Ibinalik ko ang tingin ko kay Chiv at tinaasan siya ng kilay.

"Binabantayan lang kita," Aniya at nagtapon ng tingin kay Ace. Agad akong kinabahan. Tumikhim ako at nag-iwas ng tingin.

"You should bother yours, Chiv. Natatakot ako na baka tumandang binata ka." Sabi ko at sumimangot. Tinignan niya ako. Ayan na naman siya sa nagagandahang pares ng mata niya.

"I'll bother mine kapag meron na ako. At kung magkaroon man, I'll still check on you." Sabi niya at kumain na. I pursed my lips at tinignan ang pagkain ko.

"Sweet," Nakangiting sambit ni Ace. Ngumiti lang rin ako. "Namiss ko tuloy si Sabrina," Nakikinitaan ko ang lungkot sa mata niya. Kumunot ang noo ko.

"Sabrina?" Tanong ko. Nagpekeng ubo si Ars kaya sinipa ko ang paa niya dahilan para mapadaing siya.

"My little sister. Nasa ibang bansa siya kasama ang parents ko. Ako lang ang nandito kasama ang pinsan ko." Sabi niya at ngumiti ng hilaw. I wanna meet her sister! Sabik ako sa mga bata!

"Really, may kapatid kang bata?" Nanlalaki ang mata ko. Natutuwa ako! Natawa siyang bahagya sa reaksyon ko.

"Oo, five years old." Aniya.

"Nako, sobrang hilig niyang si Damsel sa mga bata!" Nakangiting sabi ni Ars. Naalala kong may tinulungan kaming batang grasa dati. Nakikinig lang sa usapan namin si Chiv. Hindi rin naman pala salita 'yan.

Tumango ako, "Kaya nga ako nagdoctor." Sabi ko habang nakangiti. Grade 12 pa lang kami ngayon. Inaasahan ko pa na matagal pa akong maghihirap dahil doctor ang kinuha kong term of degree. Si Chiv ay business ang pinag-aaralan. Tho, magkaklase kami sa ibang subjects. Siya kasi ang mamana ng trabaho ni Papa. Balita ko rin ay nagkaayos na sila ng grandparents ko. Natuwa ako nang marinig 'yon at agad na kinabahan nang sinabing ipapakilala kami sa Lolo't Lola ko at magg-grand reunion soon. Hindi ko lang alam kung kailan. Sabi kasi ni Papa ay naghahanda sila Lola at Lolo para doon.

Tumango-tango si Ace. "Nakakatuwa naman 'yon. So, anong balak mo pagkatapos mo?" Tanong niya. Natutuwa ako na nag-uusap kami ng ganito.

"Hmm, tutulungan ko muna parents namin ni Chiv. Pagkatapos no'n, tutulong naman ako sa mga batang may sakit ng libre. Hindi naman ako nanghihingi ng kabayaran. Pero dahil kailangan pa," Hindi ako nagpatuloy at ngumiti.

"I already told you that you can do whatever you want to, I'll help Mom and Dad." Sumingit na sa usapan si Chiv at puno ng awtoridad ang pagkakasabi niya no'n. Napangiti ako.

"I also want to help, North. We'll do it together if you want. Panigurado akong makakapagplano tayo ng maganda," Sabi ko at kinindatan siya. Tinulak ko siya ng marahan at kinantyawan. Kahit kailan talaga, North. Pagkatapos namin kumain ay humiwalay na si Chiv at Ars. Kaya kami lang natira ni Ace at sabay na naglalakd tungo sa klase namin. Ang layo-layo ko sa kanya habang naglalakad sa hallway. Binibilang ko ang tiles habang naglalakad. 22, 23, 24---

"Bakit ang layo mo?" Bumilis ang pintig ng puso ko nang lumapit siya sa'kin. Nag-iwas ako ng tingin. Friends. Naalala ko pa rin 'yon. Hindi pa ba siya nakakahalata? Ang manhid niya kung ganon.

"Hmm, na-enjoy ko pagbilang ng tiles. Pasensya na," Sabi ko at ngumiti. Dapat ba akong umamin? Hindi. Ngumiti rin siya.

"Ginagawa lang ng tao 'yun kapag bored sila o preoccupied." Sabi niya at inilagay ang kamay sa likod. Nilingon niya ako, "Sorry kung lagi kang bored tuwing kasama ako," Napatigil ako sa paglalakad at tinitigan siya. Hindi ako bored. Busy lang ako sa pagkalma sa puso ko.

"Hindi naman ako bored," Nag-iwas ako ng tingin dahil nahihirapan ako.

"Edi preoccupied ka?" Tanong niya. Umiling ako. "Eh 'di bored ka nga," Sabi niya at umayos ng tayo. Huminga ako ng malalim.

"Wala kasi akong maisip na pag-uusapan natin," Pagsuko ko. Tumingala siya sa'kin at tinaasan ako ng kilay. Parang natutuwa siya sa sinabi ko. Agad na nagsitaasan ang balahibo ko. Ano bang ginagawa mo sa'kin Ace?

"R-room ko," Sabi ko at tinuro ang isang kwarto at agad na pumasok. Sumalampak ako sa upuan ko.

"Oh, anong nangyari sa'yo?" Tanong sa'kin ni Ars. Pareho kami ng kurso at sinuwerte kami dahil magkaklase kami sa lahat.

"Wala," Sabi ko at bumusangot. Tumawa lang siya. Natapos ang araw ng ganon lang ang nangyari. Hindi ko alam kung aaminin ko ba ang nararamdaman ko kay Ace. Pero tingin ko masyado lang itong mababaw. Baka masyado lang akong nasasabik sa tinatawag nilang relasyon. Ayoko naman ng ganun lang kaya dadahan-dahanin ko muna.

"East, go sleep na. Gabi na baka hindi ka magising ng maaga bukas," Suway sa'kin ni North nang makitang nagbabasa pa ako ng libro. Naghahanda lang ako para sa exam kagit alam ko naman ng nakatatak na sa utak ko ang lahat.

"Kay, goodnight North. Sleep well," Sabi ko at nginitian siya habang hinalikan ako sa noo. Natigilan kami ng bumukas ang pintuan ng kwarto. Sabay kaming napalingon kay Mama at Papa na nakangiti sa'min.

"Gising pa kayo?" Tanong ni Papa at umupo sa dulo ng kama ko.

"Patulog na, Pa." Sagot ni Chiv.

"Ang sweet niyo talagang magkapatid," Nakangiting sabi ni Mama. Ngumiti rin ako. Hinalikan ako ni Papa sa noo at naggoodnight sa'kin. Nakita ko ang pagtabang ng mukha ni Chiv lalo na ng si Mama naman ang humalik sa noo ko.

"I said that I'm always gonna be the last one to kiss her forehead!" Nagtatampong sambit ng aking kambal. Tumawa si Mama at Papa.

"Edi ikiss mo ulit!" Pabirong sabi ni Papa na ginawa naman ni Chiv. Binulungan niya ako ng 'goodnight'. Natawa naman si Mama at hinalikan ang pisngi ni Chiv.

"Goodnight, North." Sabi ni Mama at ganon rin si Papa. Si Chiv ay maarte kay Papa ayaw na nito magpahalik dahil binata na daw siya. Pero gusto naman niya pag si Mama.

Hinintay naming patayin ni Mama ang binuksan nilang ilaw kanina at isarado naman ang pinto. Pero bago 'yun ay bumulong muna si Mama ng 'goodnight' saka umalis. Napangiti ako, yeah. Simple but happy and lovable family. This is where I completely belong.

A Twist in My Story *Completed*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon