ARC I Finale: Top Class Mission

381 36 1
                                    

Isang malakas na tili ang umalingawngaw sa girl's restroom.

Napahinto ang lahat ng tao na naroroon, lahat ng mata ay napapukol sa isang saradong cubicle kung saan nanggaling ang malakas na boses. Nabigla pa ang isa na may hawak na lipstick habang ina-apply niya ito sa kanyang labi, dahilan upang lumabas ng guhit ang pulang tinta niya papunta sa kanyang pisngi bago ito mabitiwan.

Syempre, hindi na nakakagulat kung bakit may isang babaeng bigla-biglang umaalingawngaw at nagtiti-tili.

Sa loob ng cubicle, nakaupo ako at nag-iinarte.

Freya, you're stupid! Dumb! Stupid, unbelievable woman!

This, after the courage I mustered earlier para lang yayain si Elijah na magkape sa rooftop?! Regardless of the fact that I don't really know what I feel towards him, I still wanted to spend some time with him. Kanina, kahit na ilang at nahihiya, niyaya ko pa rin siya.

Kinaya 'yon ng apog ko.

And then we were there, and before us was the huge sky, the horizon in a distance, the sunset playfully toying with colors and emotions of those who watched it.

I felt at peace, fulfilled, and yet a little conscious, a little excited. Halo-halong damdamin dahil lamang sa isang lalaking nakatayo sa tabi ko, kasabay kong humihigop ng mainit na kape, kasabay kong dinadampian ng mapusyaw na liwanag mula sa papalubog na araw. When I threw him glances earlier he looked different: dazzling, gentle, happy. More importantly, he looked so at peace.

I could've spent hours in that place with him.

Kakaiba ang damdamin ko. My heartbeats were steadily fast and heavy, lalo na kapag napapatitig ako sa mga mata niya. O kapag naririnig ko siyang humihinga. His breathing was like an orchestra of woodwinds, all playing soulfully as if revealing a long-lost musical piece.

I think I'm infatuated to the mystery that veils this young man. I think I'm infatuated with him.

I don't know. I never took particular notice to guys before, romantically speaking. This is all so new. So... different.

Tapos may dadating at sisirain ang mood.

Mga babaeng 'yon! Mga mangkukulam imbyerna!

Nang makita kong kinikilig sila kay Elijah, bigla na lang nag-init ang ulo ko. Seryosong init, gusto ko silang talunan at itumba doon mismo. Hindi din nakatulong nang sumagot si Elijah na madami ngang nagkakagusto sa kanya. May pag-confirm pa si koya, nakakabanas!

Pati siya, gusto kong itumba.

Nagselos ako. That was a first time.

That is so unexpected. Nahihiya ako sa sarili ko, to actually think and react like a woman.

Babae pala ako.

More importantly, pakiramdam ko ang possessive ko sa atensiyon ni Elijah. Especially, nakita ko siyang tumingin sa kanila.

But can you blame me? Sanay akong sa akin siya lagi nakatitig. With the exception of the female Glories na mas nauna niyang nakasama, hindi ko pa siya nakitang tumingin sa ibang babae. He never looked at Mio for more than 3 seconds after all.

Wow. I took mental note of that?

Ah, basta. Basta! Hindi ko siya kakausapin. Naiinis ako sa kanya.

Lumabas na ako ng cubicle, at naabutan ang mga ahente sa loob ng rest room na nakatingin sa'kin. Gulat na gulat sila. Uulitin ko.

Gulat na gulat.

Sino bang mage-expect that one of their very respected Glories would go off screaming in one of the cubicles, diba? Pucha, nakakahiya.

Hearts And GunfiresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon