Prologue

18 0 0
                                    

*Beeeeeeeeeep*
*Boooooggssshh*

"Hala!"
"Oh my God"
"Tulungan na natin dali"
"Tumawag na kayo ng ambulansya!"

***
*Daphne*

Ugh. Where am I? Huh?! What the-?! Bat nandito ako sa gilid ng kalsada? Seriously Daph? Grabe naman nakakahiya. Marami pa namang dumadaan na tao. Di na talaga ako uulit sa house party na 'yon. Hays. Buti na lang di ako na rape dito or something. Tumayo na ako at nagpagpag. Nakakahiya sa mga dumadaan baka isipin nila nababaliw na ako at dito pa ako natulog. Pero parang wala naman silang pakielam eh. Oh well, okay na rin yun. Mabawasan man lang ang hiya ko.
~~~
Naglalakad ako dito sa kalye pauwi ng bahay. In fairness di ako napagod at pinagpawisan kahit na tirik ang araw. Anong oras na kaya? Teka, si Chel ba yun? /Chel is my bestfriend/ Hmm ano kaya ginagawa niya sa tapat ng gate at nakikipag usap pa kay Manang. Bat andaming dalang gamit neto? Naglayas ba to? Nilapitan ko siya at tinanong.

"Chel anong ginagawa mo dito? Naglayas ka ba? O pinalayas ka kase umuwi ka ng lasing? Hahaha may kwento ako.."
Naglakad lang siya palayo sakin at di pinansin ang sinabi ko. Aba ang babaitang ito. Sinundan ko siya.

"Oy Chel bastusan? Nagkekwento ako e"

Di niya pa rin ako pinansin. Hala, galit ba to sakin?

"Chelloni anong drama naman yan? Ha?"

But still, I got no response from her. Ugh. Naiinis na ako ah. So I stopped following her. At patuloy lang siyang naglakad leaving me behind.

"Chel pag di ka pa tumigil diyan..sige magtatampo talaga ako"

Napatigil siya sa paglalakad. Napangiti naman ako dahil sa thought na ayaw niya talaga na nagtatampo ako sa kanya. May kinalkal siya sa bag niya at sinabing

"Ay may nakalimutan ako"

Humarap siya sakin.

"Ano? Ang pansinin ako?" Sabay nag pout ako. Nagsimula na siyang maglakad papalapit sakin.

"Ano ba kas--oh shit! What the hell?!"

Nagulantang ako sa nangyare. Sh-she walk t-through me...SHE FREAKING WALK THROUGH ME! What the hell was that?

Nakarating ulit siya sa may gate at nag doorbell. Bumukas naman ito at tumambad si Manang.

"Ay maam mukhang itong phone mo ata ang binalikan niyo" - Manang

"Ah yes, salamat Manang. Mauuna na ulit ako" - Chel

"Chelloni what's happening? Chel kausapin mo'ko *sniff* anong nangyayari? Anong ibig sabihin nito? Talk to me! Pls. *Sniff*" - ako

Nagsimula na ulit siyang maglakad. Lumingon ako kay manang.

"Manang! Tell me, nakikita mo'ko diba? Manang! Answer me! *sniff*"

But like what Chel did, she ignored me at sinara na ang gate. Umiiyak na ako. Ano ba tong nangyayari sakin? Panaginip ba to? What the hell is going on?!

*****
A/n: Thanks for reading (if there is someone. Lol.)  Give me some feedbacks :) hope you like it. Feel free to Vote & comment.
I'll be posting the Chapter One soon ;) :)

SOULmate (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon