Ang kauna unahan kong ONE SHOT :) I hope you guys like it. Iboto kung inyong nagustahan, become a fan na rin. If you wanted some more, comment lang kayo. I'll do my best na every week. May bagong story para sa mga taong alipin ng PAG- IBIG.
****
OUT OF REACH (ONE SHOT)
****
JANICE P O V
LUNCH BREAK kung kayat magkakasama na naman kaming magkakaibigan. Mahirap maghanap nung una ng available na table, okupado na kase ng mga naroon.
Knew the signs, wasn't right
I was stupid for a while
Swept away by you
And now I feel like a fool...
So confused...
"Janice, dito!" Napalingon siya sa tumawag ng kanyang pangalan. Di naman ganun kalakas ang aking Ipod kaya narinig pa rin niya yung sumigaw.
"Uy, si Dylan oh." Tukso ni Gina na isa sa mga kaibigan ko. Tiningnan niya lang to saka nginitian. Bestfriend sila ni Dylan pero nagkahiwalay sila ng section ngayong taon kaya di sila madalas magkasama.
"Janice, dito na kayo sa table namin." Natatawa nga ako dahil ang lakas ng boses. In-announce na sa lahat ng estudyanteng naroon na doon kami uupo. Kilala si Dylan sa school kaya maraming nag kaka crush dito. Dedma lang ako. Bestfriend kaya kami.
"Tara na nga. Di makapaghintay ang Prince Charming mo eh." Hinatak na rin ako ni Eula papalapit kina Dylan may mauupuan pa nga kami. Uupo na sana siya ng..
"Janice, dito ka na sa tabi ko." Tiningnan ko muna si Dylan saka tumabi rito. "Ano gusto mo, libre kita." Naninbago siya sa mga kinikilos ni Dylan, yung mga kaibigan ko naman ay sinisipa ang aking paa. Kinikilig ata.
"Ang sweet naman." Panunukso ni Glenn sa kanila. Pero katulad ng sabi ko, Dedma lang.
"Okay. Usual lunch ko lang palagi." Tumayo na to saka pumunta sa canteen na naroon. Yung mga kaibigan ko bumili na rin ng kanilang tanghalian. "Ano nakain nun?" Tanong niya kay Harry na busy sa pag sa wa wifi.
"Ewan." Nagkibit balikat lang to. Dumating na si Dylan na bitbit ang aking food saka yung dalawa panay ang ngisi. Napapatingin na lang siya kay Dylan pag meron itong ginagawang hindi niya inaasahan. Halimbawa nalang ay pabubukas ng bottel water niya, saka pagpunas nito sa aking labi. Naisip na lang niya na sadyang sweet lang talaga ang kaibigan.
***
"Hello, Janice." Nagulat na lang ako ng pagbuksan niya ng pinto si Dylan. Nakangiti pa siya sakin.
"Pasok ka." Dati rati ay nagtetext muna siya kung pupunta rito, pero ngayon lang talaga siya nagpunta ng walan pasabi. Tumuloy na siya sa bahay at naupo. "Kuha lang kita ng pagkain." Di na niya hinintay pa ang sasabihin nito at nagtuloy na siya sa kusina. Kinuha niya ang cake na naroon saka nag slice at nagtimpla na rin ng juice.