Kasalukuyang kausap ni Angel ang Doctor ng clinic at tinanong nya ang condition ni Vice.napag-alaman nya na wala nman pala itong Amnisya at tanging isip nya lang ang nagbura sa mga alala sa dami ng traumang pinagdaan nito. Tinanong pa si Angel kung nakaranas naba dati si Vice ng matinding trauma noon. Ngunit hindi alam ni Angel ang sagot. Pero naalala nya na ilang beses pinabura kay Vice ang ilang mga alaala nung bata pa ito.. ang nasabi lng ng Doctor ay kusang babalik ang alaala nito kapag may mga nagpaalala nito at kapag pinilit nyang alalahanin.
Nahinto ang pagkwento ni Vice ng may biglang may tumawag sa kanya.
Gino andito kalang pala. Kanina pa kita hinahanap...(nang makita ang kausap) ka....karylle?
Lalapitan na sana ni Gino(Vice) ang kaibigan ng pigilan sya ni Karylle na pinagtaka nya dahil ang sama ng tingin nito sa binatang nasa harapan.
Agad din nmang dumating si Angel para tawagin na ang dalawa ng mapahinto sya ng makita ang binatang kausap nila Vice.
Angel: Tom?
Napatingin nman ang tatlo kay Angel. At gulat na gulat si Tom sa kanyang nakita. Hindi nya alam ang gagawin dahil wala nman syang dalang baril.
Agad namang tumakbo si Angel kay Tom para suntukin ito. Ngunit dahil pareho silang sundalo ay nagkakapalitan lang sila ng mga suntok at sipa. Ng makita ni karylle na dihado na si Angel ay agad syang tumulong. At dahil 1 vs 2 ay napatumba nila ito na kinatataka ni Vice.
Bigla nmang sumakit ang ulo ni Vice na agad nakanakaw ng attention ng dalawa kaya agad nila itong nilapitan. Ngunit nakalimutan nila si Tom na agad bumangon at umalis. Hahabulin pa sana nila ito nang sumigaw na si Vice sa sakit ng ulo nya..
Dahil kilala ni Angel si Tom alam nya na delikado na sila ngayung nalaman na nandito sila kaya agad silang sumakay sa Car ni Angel. Ngunit ng papaalis na sila ay hinarangan sila ng mga sasakyan ng mga rebelde kaya nilabas ni Angel Ang mga baril na nakatago. At pinagmaneho si Karylle dahil hanggang ngayun ay iniinda parin ni Vice ang sakit ng ulo nya.
Binilisan ni Karylle ang pagmamanaho at paminsan minsan ay sinusulyapan si Vice. Dahil sa subrang dami ng mga kalaban. Ay nakapagdisisyon si Angel na kailangan nyang gawin. Marahan syang tumingin kay karylle at sinabi na "kahit anong mangyari ay wag syang hihinto at maslalong bilisan ang takbo"
Naguguluhan naman syang tinitingnan ni Karylle at sinabing "teka?? Anong binabalak mo??!"
Hindi na sumagot si Angel at ngumiti nlng kay karylle. At tumingin kay Vice na sinasabing ingatan mo sya. Bago tumalon sa sasakyan at asintahin ang mga gulong ng mga kalaban habang nakadapa at nakatago sa halamanan. Nagtagumpay naman sya kaya dahan dahan syang tumayo para makatakas na ngunit isang hampas galing sa likod ang nakapagpatulog sa kanya.
Mabilis na minamaneho ni Karylle ang sasakyan ng mapansin nya na wala nang sumusunod sa kanila. Nag-aalala sya sa kaibigan pero alam nya na matapang si Angel.
K: (babalikan kita kaya sana manatili kang buhay bulong nya para kay Angel ng madako ang tingin sa kasama nakita nya ang paghihirap nito kaya agad nya munang itinabi ang sasakyan.) Love ok kalang ba??
Inangat ni Karylle ang mukha ni Vice na kita rito ang sakit na nararamdaman..
V: Love si...si . Angel...(at tuluyan nang nawalan ng malay)
-Ann: teka lang Tita isa isa lang po grabe yung reberasyon mo... kung ganun po totoo na sila Tito James ang pumatay sa lahat ng mga rebelde? ? At nasaan na po yung sanggol?
Bigla nman may pumasok na isang matangkad na lalaki na agad nakaagaw ng attention ng lahat..
Hindi kami ang pumatay sa kanila! Pagdating namin dun ay wala na silang buhay. (Sabay lapit kay Rosa) kamusta kana Ate Rosa??
BINABASA MO ANG
My Hero, My Angel, My Love (Vicerylle Complete Story)
FanfictionKwento ng isang sundalo na ang nais lng ay malaman o mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng kanyang mahal sa buhay Pero paano kung iba ang kanyang matagpuan?? Maipagpapatuloy nya pa kaya ang kanyang mission? Samahan natin si Private Captain Jose M...