Chapter 5 : Darrel Wyatt

936 9 3
                                    

Chapter 5

"Hi." I heard a familiar voice say above me.

I looked up and..

Oh My God! A-anong ginagawa niya dito?

"I-ikaw?" sabi ko. Eh bakit ganito yung nararamdaman ko? There were butterflies in my tummy making me nervous but I pretend to be casual and let out a small smile.

"Nakalimutan mo na'ko agad?" tapos biglang lumungkot yung mukha niya. Napangiti ako. Paanong makakalimutan ko siya? Eh kanina ko pa nga siya iniisip. "Hindi ah!" tapos umupo siya sa tabi ko na ikinagulat ko. "O sige, kung hindi.. sino ako?" Nakangiti nanaman siya.

"D-darrel?"

"Hindi mo nga ako nakalimutan!" Eh bakit parang ang saya niya? Ano naman kung hindi ko nakalimutan? Big deal ba sakanya yun? Para syang bata. Narinig ko nanaman na kumulo yung tyan ko, tapos narinig ko yung katabi ko na tumawa. Kaya tiningnan ko siya ng masama. "Ikaw yun ano?" tanong niya.

"Anong ako?"

"Tyan mo yung tumunog!"

"H-hindi ah! Baka ikaw yun!" Nailing nalang siya at tinawanan ako. "Kumain kana ba?" tanong niya. Enebe! Kenekeleg eke! "O-oo, kumain na'ko." kahit na ang totoo ay hindi pa.

"Sure ka?"

"O-oo nga!" Alangan naman na sabihin kong hindi! Nakakahiya kaya! Tumayo na siya at sinabing.. "Okay, sabi mo eh. Ang sarap bali kumain dun sa Korean Restaurant. Sige, mauna na'ko."

Wait!

Did he just say..

'KOREAN RESTAURANT'?

Hala! Matagal ko ng gustong kumain dun. No! Hindi ko na palalagpasin 'to! Kakapalan ko muna 'tong mukha ko! Gutom na talaga ako!

Hinabol ko siya at pinigilan. He turned his back at nakangiti syang tumingin sa'kin. Yung nakakalokong ngiti ba! Pero in fairness, ang gwapo niya! Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sakanya 'to.. pero kasi talagang gutom na gutom na ako! At gustung-gusto kong kumain sa Korean Restaurant.

"Ang t-totoo kasi.. h-hindi pa'ko ku-"

"I know. Tara! Treat ko." tumango lang ako at sumama sakanya. Matagal ko ng gustong kumain sa Korean Restaurant! Yung mga korean drama kasi na napapanood ko, lalong-lalo na kapag kumakain sila ng sushi, dumplings, at kung anu-ano pa, naglalaway ako!

Nagulat ako ng bigla syang huminto sa paglalakad at lumapit sa'kin.

Lub.dub.Lub.dub

S-sobrang lapit niya sa'kin..

Lub.dub.Lub.dub

I feel his breath on my face,

His body close to me,

Can't look in his eyes..

"Akin na yan, ako na ang magdadala." sabi niya at kinuha yung mga dala ko. Ako naman, ngiting-ngiting ewan.


[Maru Korean Restaurant]

"Alam kong gutom ka.. pero dahan-dahan naman, baka mabulunan ka." sabi ni Darrel.

Hindi ko siya pinansin at pinagpatuloy lang yung pagkain ko. Grabe! Ang sarap kasi eh! Ang dami kong inorder! Nakakahiya tuloy sakanya. Pero ang sabi naman niya, pumili lang daw ako ng pumili! Kaya ayun. At saka grab the opportunity! Sayang naman kung mag-iinarte pa'ko!

Eto lang naman yung mga inorder ko:

- Rice with seasoned meat, cooked vegetables on top, served in hot stone pot.

- Egg soup

- Choco-banana ice cream nugget

-  Grapefruit

-Assorted seafood

"Pasensya na talaga ha? Alam kong kakakilala pa lang natin pero ang kapal na ng mukha ko."

"I don't mind. Ang mahalaga malamanan yan' tyan mo. Sabi mo kasi hindi ka pa kumakain simula nung nag byahe ka papunta dito. Teka, taga saan ka ba?" Uminom muna ako nang grapefruit ko at tsaka ko siya sinagot, "Taga probinsya ako. Halata naman sa suot ko hindi ba?"

"Hindi. Ang ganda mo. Hindi ka halatang taga probinsya."

M-maganda daw ako? At mismong sa gwapo nyang tulad pa nanggaling! Ano ba yan! Kinikilig nanaman ako.

"M-maka ganda ka naman dyan!"

"Bakit hindi ba totoo?"

"Hindi! Hindi ako maganda."

"Maganda ka." Okay.. napaiwas ako ng tingin sakanya. Nakakatunaw kasi yung mga tingin niya. Tapos yung ngiti niya.. ang lakas ng epekto sa'kin! At napansin kong.. kanina pa din siya nakatitig sa'kin habang kumakain ako. Nahiya tuloy ako bigla!

B-bakit ba kasi siya nakatingin sa'kin?

"W-wag mo nga akong titigan ng ganyan." Ngumuso ako at nag-iwas ng tingin. Kanina pa ako naiilang sa ginagawa niyang pagtitig. Tapos narinig ko siyang tumawa ng mahina, hala? Ang cute niya! Nakakainis!

"Sorry. Ang cute mo kasi." Edi ako na ulit ang kinilig! Kanina pa siya ha! Nakakailan na siya!

Habang tinitingnan ko siya.. napansin ko na may hawig siya dun sa anak ni Mr. Wyatt. Yung mata niya.. yung mukha niya.. basta, kahawig niya yung halimaw na yun! Tss. Eh bakit ko ba kasi iniisip yung mokong na yun? Galit ako sakanya!

Pagkatapos namin kumain. Nag lakad-lakad muna kami. Tapos tinour niya din ako. After nun nag-punta naman kami sa park at umupo sa may bench na nasa ilalim ng puno. Masakit na din kasi yung paa ko, kanina pa kasi kami lakad ng lakad.

Naalala ko lang, dito nakaupo si halimaw kanina. Teka.. eh bakit ko ba kasi iniisip yung mokong na yun? Ni hindi pa nga kami magkakilala o nagkakausap man lang! Oo, nakita ko lang siya at hanggang dun lang yun. Pero bakit ganito ko nalang siya maisip? Napipicture out ko sa mind ko yung poker face nyang mukha kanina!

We sat there for a while in silence just listening to the birds and the cars go past. No one broke to silence for a while.

"Kylie." pagbasag niya sa katahimikan.

"Bakit?"

"Kylie." tawag niya ulit kaya napatingin ako sakanya. Ang kulit lang? "Bakit nga?"

"W-wala.. sige, mauna na'ko ha? May kailangan pa kasi akong ayusin eh." tumango lang ako. Naglakad na siya palayo pero nakatitig lang ako sa likuran niya habang papalayo siya sa'kin. Hindi ko alam, pero masaya ako dahil nakilala ko siya. At isa pa, magaan ang loob ko sakanya kaya ganun ko nalang siya pakisamahan.

Nabalik ako sa realidad ng marining kong tumunog yung phone ko. Tiningnan ko kung sino yung nag-text. Unknown number.

+9274563211 (1)

Hi! Ako yung girl na kausap mo kanina. Punta ka na ulit dito, nandito na si Mr. Wyatt.

I'm In Love With An Idiot (Major Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon