AFGITMOLFM's Vampire Mode

4.3K 58 13
                                    

a AFGITMOLFM Fan Fiction

Credits to: pilosopotasya

Van_Darkhaven's Note:

Dahil sa nirequest nyang gawing bampira ang mga characters niya, eto tuloy ang kinalabasan. Haha! Pagtyagaan nyo nalang po at medyo dramatic ang mga eksena. XD

--------------------------------------------------------------------------------------------------------

Abente-otso na naman ng Oktubre. Petsa kung kelan naganap ang isang malagim na pangyayari sa aking buhay.

Ngayon lang naman yung eksaktong petsa kung saan kinuha ng maykapal ang lahat-lahat sa'kin. Ang pagkawalay sakin ng nag-iisang babaeng naging dahilan ko para mabuhay ng matagal dito sa mundo.

Kitang kita ko mismo kung paano kitilin ang kanyang buhay ng mga walang pusong halimaw. Mga bampirang hayuk na hayok sa dugo.

Hanggang ngayon, hindi ko parin makalimutan ang huli nyang sinabi bago malagutan ng hininga. Para bang naging bangungot para sakin ang tagpong iyon.

Ang hindi ko lang mawarian ay kung bakit pa ako nabuhay sa trahedyang 'yon. Ginusto ko na nung makasama ang mahal ko sa langit pero pinagkait pa rin sakin. Pero siguro may dahilan kung bakit nangyari yun. Isa na ang pagbayarin yung mga hayop na bampirang sumira sa buhay at pangarap ko. Karapatdapat lang talaga silang isumpa dahil wala sila karapatang mamuhay sa mundo.

"Huwag kang mag-alala Ianne. Hindi ako titigil hanggat hindi kita naipaghihiganti. Gagawin ko rin sa kanila ang ginawa nila sayo... Papatayin ko sila, lahat ng lahi nila ay uubusin ko!" turan ko habang nakaupo sa harapan ng puntod niya. Halos maluha ako sa sobrang pangungulila habang pinagmamasdan ang litrato niya sa kanyang lapida.

Sariwang sariwa pa sa utak ko ang itsura ng pumaslang kay Ianne. Kahit nga maliliit na detalye sa katawan niya ay tanda ko parin dahil sa kakaibang kakayahan ng aking memorya. May nagsabi saking may Photographic Memory daw ako, na hindi ko naman maikakaila.

Nanginginig na talaga ang mga kamay ko sa sobrang galit na aking nararamdaman. Hindi na ako makapaghintay na makapaghiganti siya sa mga halimaw na yun.

Naramdaman ko nalang ang isang kamay na dumantay sa balikat ko. "Tapos ka na ba dyan Art Felix? Magsisimula na tayo sa ating misyon ngayong gabi." ani Jacob. Pinuno siya ng isang Organisasyon na naglalayong mapuksa ang mga salot na bampira. Kasama rin niya ang iba pa sa mga kasapi ng Organisasyon.

Sumali ako sa grupo nila dahil pareho kami ng hangarin. Madali naman akong napasali sa kanila dahil na rin sa mga nalalaman ko. Nagkalap ako ng mga datos na kailangan para mahanap kung saan sila nagkukuta at naglalagi.

Ilang buwan din akong nagsanay bago sumabak sa tunay naming laban. At ngayong gabi na nga ang pinakahihintay namin.

"Kanina pa ako nakahanda Jacob. Handang handa na akong pumaslang ng mga bampira!" nanggagalaiti kong turan pagkatayo.

Napangiti naman si Jacob sa sinabi ko. " Tama yan Art! Lahat sila ay uubusin natin... Humanda na kayo mga kasama. Magtatagumpay tayo sa gabing ito!"

**********

Liwanag lang na nanggagaling sa buwan ang tanging tanglaw namin sa pagtahak sa masukal na kagubatan. Bago pa man kami sumabak dito ay sinanay na namin ang aming mata sa dilim. Tinalasan na rin namin ang aming pakiramdam at pandama para kahit papaano'y makasabay kami sa kanilang liksi.

Sabay-sabay kaming bumunot ng kanya-kanyang sandata nang makarinig kami ng kaluskos sa taas ng naglalakihang puno. Ang armas na gamit namin ay yari sa pilak na siyang kahinaan ng mga bampira.

AFGITMOLFM's Vampire ModeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon