"Oh my, I really don't know what to do! Kaninang umaga lang s'ya dumating, Mela. Nagkasagutan nga sila ni Sir sa clinic eh. S'ya kasi yung nagdala sa'kin dun," sabi ko kay Mela Kausap ko s'ya sa phone. Pagkalabas ko kasi kanina sa clinic, dumiretso na ako sa hotel suite namin. Nagpi-prisinta, actually, si Alfred and Ejay kaso sabi ko ako na lang. Ang hirap naman kasing pumili between the two of them, di ba? At ako pa lang mag-isa sa suite, hindi ko alam kung nasaan sa mukha ng mundo nandun sila Jen tsaka yung roommates ko.
"Most probably, 'day, si Ejay ang makakasama mo kasi si Sir Alfred busy, di ba?"
"So?"
"So si Ejay ang pakisamahan mo muna. Ayan, tamang-tama yan. Pakiramdaman mo kung ano talagang nararamdaman mo pa para sa kanya," sagot ni Mela sa kabilang line.
"Hindi ba parang ang panget tignan? Si Sir Alfred yung kasama ko first minute then magiging si Ejay the next," sabi ko.
"Oo nga, ang panget."
"Naman eh, anung gagawin ko nga?" tanong ko ulit. Kanina pa ako paikot-ikot sa loob ng suite at nung naramdaman kong pagod na yung paa ko, pabagsak akong naupo sa couch. Mahirap na baka ibalik na naman ako sa clinic dahil sa hilo.
"Sa totoo lang, hindi ko din alam, teh," sabi n'ya, naramdaman ko yung pag-sigh n'ya sa kabilang line. "Pero nandyan na yan eh. Hindi mo naman feel na panggulo yung pagdating ni Ejay dyan?"
"Hindi naman. Actually I find it a relief since ilang araw na akong binubwiset ni Alfred dahil sa mga pagsama-sama n'ya sa mga babae. Ewan ko sa kanya--"
"Yun. Eh di inamin mo din na parang gagamitin mo lang si Ejay para mapagselos si Sir?"
"Hindi naman! Pero parang magiging distraction ko si Ejay kay Sir, di ba? Para naman hindi lang kay Sir naka-focus yung lahat ng attention ko since nandito na nga si Ejay," sabi ko. Ako naman yung nag-sigh.
"So, ano nang nararamdaman mo para kay Ejay?"
"Di ba, sabi ko nga, mahal ko pa naman s'ya eh. Hindi naman nga ganun lang kadaling mawala yun since ang dami-dami-dami na naming napagdaanan tsaka palagi n'ya akong napapatawad sa kabila ng mga kagagahang nagawa ko sa buhay---"
"Eh si Sir?"
"Ano s'ya?"
"Mahal mo?"
"Actually hinahanap ko pa yung sagot sa tanong na yan eh. Pero gusto ko s'ya. Alam n'ya naman yun. Gusto ko lang malaman kung ano ba yung meaning ng mga pagtibok-tibok ng puso ko kapag nandyan s'ya," sagot ko. Kay Ejay alam ko, mahal ko pa s'ya. Kay Sir, as of now, hindi ko pa alam kung ano ba talaga.
"Sabi ko nga sayo, alam mo yan, ayaw mo lang aminin sa sarili mo or hindi mo pa kayang tanggapin pero eventually mahaharap mo din yan."
---------------------------------------
Nakasalampak ako sa couch. Nakatulala sa carpet. Nagmumuni-muni sa loob ng suite. Nilulubos-lubos yung time na mag-isa lang ako nung biglang may kumatok sa pinto. Hindi ko na tinignan sa peephole kung sino, siguro naman walang masamang tao ang makakapasok dito, di ba?
"Hi!" sabi ni Ejay pagbukas ko ng pinto, yung smile n'ya bagay sa mga commercial ng toothpaste. Naks!
"Hi," sabi ko naman. Pinantayan ko yung smile n'ya. Hindi ako papatalo, gusto ko din pangcommercial smile ko eh. "Anong ginagawa mo dito?"
"Aayain sana kitang maglakad-lakad sa labas habang hindi pa bumabalik yung iba," sabi n'ya. Sa itsura n'ya habang sinasabi n'ya yun, para s'yang kabadong-kabado. Bumalik na naman ba yung pagkatorpe n'ya dati nung nililigawan n'ya ako? Eeee. Naalala ko tuloy yung dati.
BINABASA MO ANG
Class Starts When the Game Is Over
Non-FictionIt's a story about a student who seeks comfort in the arms of her Professor to fulfill the duty of her basketball player boyfriend. But what will happen if the boyfriend comes back and the professor keeps on pursuing her heart? Will she choose the o...