Prologue

233 12 6
                                    

Dedicated to AliceBellerose
Thanks for making the story cover. :))

**********

Prologue

"Finally! Mag-e-18 ka na! Makakasama ka na sa night outs namin!" 'Yan agad ang salubong sa'kin ni Ate Nadine pagkatapos nilang tanggalin ang blindfold sa mata ko.

"Yeah, right! Kahit lagi naman yang nagna-night out doon sa US." Pambabara naman ni Suzanne.

Natawa na lang ako sa sinabi niya. Alam na alam talaga nila ang pinaggagagawa ko kahit malayo ako sa kanila. I'm a good girl in front of my parents. Ni hindi nga nila alam kung ano ang alam ng mga pinsan ko eh, na siyang total opposite ng kung anong nalalaman nila.

Pinapalibutan ako ngayon ng mga pinsan ko at ng ilang mga kaibigan nila. Wala pa akong masyadong kakilala dito sa Pinas. Mga pinsan ko lang talaga. Kauuwi ko rin lang naman kasi dito last month. Kaya para dumami naman ang tao dito sa party ko, inimbitahan nila ang mga kaibigan nila dito.

Katatapos lang ng debut celebration ko kanina. Actually, bukas pa ang birthday ko. Or should I say, mamaya na ang birthday ko. Ginawa ang debut celebration a day earlier, na parang hours earlier lang, para daw magawa namin ito, ang pagba-bar eksaktong pag-18 ko.

Naka-formal attire pa kaming lahat kanina tapos ngayon nakabihis na kaming lahat ng kanya-kanyang outfit para sa after party na 'to! Kaya siguro sobrang tinagalan ng mga pinsan ko na magbihis kanina para kumpleto na sila dito bago pa man kami makababa.

Iginala ko ang mga mata ko sa buong mansion. Woah! Wow! Nagmukhang high class bar na ito ngayon! Disco lights, loud party music, drinks, name it, nandito lahat! Pa'no nila nagawa 'to?!

"SURPRISE!!!" Nagulat na lang ako ng sabay-sabay silang sumigaw para lang isurpresa ako.

Nagsitawanan silang lahat. Siguro dahil sa gulat kong ekspresyon ngayon. Well, I'm really surprised! Akala ko ay dadalhin nila ako sa isang bar ngayon dahil finally, pinayagan na ako nina Mama at Papa but it turns out na 'yong bar pala ang dadalhin nila dito! What a surprise!

"Okay lang pala kahit na-late na 'yong 'SURPRISE' natin eh. Late reaction din naman si Ilona!" Nagsitawanan sila sa sinabi ni Craig. Natawa na rin ako doon.

"Bigyan na yan ng isang shot si Ilona!" Sigaw naman ni Wayne.

Kinuha ko naman agad ang shot na inabot sa akin ni Elisha. Iinumin ko na sana iyon kung hindi lang iyon kinuha ni Kuya Yale sa akin.

"Not so fast, Ilona. Mamaya na pag 18 ka na talaga." Natatawang sinabi ni Kuya Yale.

Mukhang pinagtitripan ako nitong mga pinsan ko ah. Gusto ko sana silang saktan isa-isa pero hinayaan ko na lang. Birthday ko na mamaya. Hindi pwedeng masira ang gabi ko.

"Kuya Yale, I'm the birthday celebrant here. Hindi ninyo ba 'ko pwedeng pagbigyan?" Sinigurado kong makokonsensya sila sa tonong ginamit ko. I'm really good at this. Ang manlinlang.

Lumambot naman ang ekspresyon ni Kuya Yale. I knew it. Sa lahat ng mga pinsan kong gago, si Kuya Yale na ang pinakamabait.

"Fine." Aniya at iniabot muli sa akin ang shot glass.

"Gotcha! Alam ko namang pinagtitripan ninyo lang ako eh." Nakangiting sambit ko bago nilagok ang laman ng shot glass na iyon. Agad gumuhit ang init ng alak na iyon sa lalamunan ko.

Nagsikantyawan sila dahil sa ginawa ko kay Kuya Yale. Napaniwala ko lang naman kasi siya. Told ya, I'm really good at it.

Maya-maya pa ay sinimulan na talaga ang party. Nagsisayawan na ang iba sa dance floor. Meron din namang nag-iinuman lang sa tabi kagaya ko. Meron ding nakikipaglampungan kagaya ni Wayne na katabi ko lang. At meron din namang nagse-serve ng drinks kagaya ng pinsan kong sina Elisha, Earl at Craig. Tawa lang ng tawa kaming magpipinsan dahil masyado naming nae-enjoy ang pang-aasar sa dalawa.

Crossing The Devil's LineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon