*Note:
Heavenly Tribulation- ito 'yung kidlat nalumalabas if may magkaka-insight sa isang specific na element.
Fire= pulang kidlat
Water=Blue
Earth=BrownAir=Green
Light=Gold
Dark= Grey
Life=White
Death=BlackHeavenly Flames- ito 'yung usok na kulay puti at itim na bumabalot sa katawan ni Jyx after siyang tamaan ng Heavenly Tribulation. Nagsisilbi itong protection and nililinis nito lahat ng impurities sa body and soul ng taong nagkainsight sa element. Ang kulay ng usok o Heavenly Flames ay nakadipende sa element.*
Great Heaven- Ito ang pangalan ng milyong-milyong kalawakan at cosmos may na iisang consciousness at existence.*
*NOTE:May nilalaman ito na Matured Content! I warned you!
xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx
Sa isang isla na matatagpuan sa pinakamataas na bahagi ng pulang kalangitan.
May isang babaeng balot na balot ng armor ang bumaba mula sa malaking templo sa gitna ng islang lumulutang. Kitang-kita ang napaka-eleganteng pakpak nito na gawa mismo sa liwanag. Pumasok ito sa gitna ng madilim na gubat kung saan matatagpuan sa gitna nito ang kulay itim na lawa.
Sa gitna ng itim na lawa ay may isang nilalang na natatakluban ng makapal na black robe. Ito'y may hawak na pamingwit at matyagang nangingisda ngunit habang buhay itong walang muhuhuli dito dahil walang ano mang may buhay ang nabubuhay sa lawang ito maliban lamang sa nilalang na nangingisda.
Kung titignan mong mabuti ang kanyang kaliwang kamay ay mapapansin mong sunog na sunog ito't makikita mo ang sumisilip na buto sa balat nito.
"Summanus."
Bulong lamang ito ngunit nag-echo ito sa buong gubat. Ang nagsambit nito ay ang babaeng pumasok sa gubat na nababalutan ng liwanag. Ito'y nakatayo lamang sa pinakadulo ng lawa na tila takot na madampian at matalamsikan ng tubig nito.
"Huitzilopochtli. Mukhang nag-eenjoy ka sa pagiging Mortal God mo."
Tila kinilabutan ang babae at kumunot ang mukha nito.
"Huwag mo akong tawagin sa buo kong pangalan! Kinikilabutan ako!"
Tumawa lang ang nilalang na naka black robe. Napailing ito sa babae na tila isa lang siyang kakatawang bagay para dito.
"Bakit nasunog 'yang kamay mo?"
Pagtatakang tanong ng babae dito.
"Wala nakakilala lang akong ng nakakatuwang tao. Hahahaha."
BINABASA MO ANG
Beast Mode: On
Ciencia FicciónAng bawat isa sa atin ay may sari-sariling consciousness and inner thoughts, hindi mo pwedeng i-judge as a whole ang lahat ng tao dahil ang bawat isa sa mga ito ay magkakaiba, may uniqueness. Mabilis na tumatakbo ang oras pero sa iba ito'y mabagal n...