Devil # 7

6.6K 149 20
                                    

Chapter 7

//



" A-anong nangyari kay Zen? Bhes? Sumagot ka naman oh. " hindi ko na kasi alam gagawin ko sa sobrang kaba.



Hindi sumagot si Leslie. Tumakbo na siya palabas at sumenyas na sumunod ako kaya sinundan ko naman siya. Tumakbo na din ako. Sobrang nag-aalala ako kay Zen.

Biglang tumigil si Leslie ng makarating na kami sa labas ng building. Nanlaki bigla yung mga mata ko ng makita ko si Zen. Nakahiga. May dugo sa ulo. Nagkusa bigla yung katawan ko na tumakbo papunta malapit sa kaniya.



"Anong nangyari?! " sigaw ko. Pero walang sumasagot.



Binilisan nilang ipasok sa van ng school si Zen. Lalo akong kinakabahan at natatakot. Nagvolunteer ako na sumama sa ospital tutal alam naman nila na kaclose ko si Zen.



" Zen, gumising kana. " sabi ko sa kaniya habang umiiyak na. Di ko na talaga napigilan.



Hinawakan ko yung kamay niya. "Zen, gising na. Wag mo ko iwan."



**



Nakarating na kami sa ospital. Andun lang ako sa labas ng emergency room. Biglang lumapit sa akin yung teacher na sumamang ihatid dito sa ospital si Zen.



" Ma'am. Ano po ba kasing nagyari? " tanong ko. Halatang halata padin sa boses ko yung pag aalala. Buti nga tumigil na yung luha ko eh.

" Hindi din namin alam. May nakakita lang na ibang estudyante na nahandusay na siya sa sahig, sa may tapat ng hagdan galing sa rooftop. "

" Kawawa naman si Zen. "
pagkasabing pagkasabi ko nun, eto na naman yung luha. Ayaw magpapigil.. Nagsimula na naman tumulo. Ramdam na ramdam ko na dahan dahang nababasa yung pisngi ko.



Saktong lumabas yung doctor galing sa Emergency Room. Lumapit agad ako sa kaniya. "Doc, kamusta na po si Zen?"

"He's fine. Nothing to worry about. He just need some rest."
at dahil sa sinabi ng Doctor, medyo nakahinga na ako ng maluwag. Nawala yung lungkot sa mukha ko. Napalitan agad ito ng saya.

" Pwede ko na po ba siyang makita? " tanong ko.

" Sure. "



Pumasok agad ako. Nakita ko siya nakahiga at nakapikit. Tulog siya. Nilapitan ko si Zen at hinawakan ko yung kamay niya.



" Cloe. " narinig kong bulong niya. Natigilan ako bigla kaya inilayo ko sa kaniya yung kamay ko.



Biglang bumukas yung mata niya. Halata sa kaniya na nagulat siya. Hindi ko alam ang gagawin kaya tumakbo na lang agad ako papalabas.



Ang sakit..



Hindi ko alam pero sobrang sakit talaga. Ako naman yung nandito eh, hindi si Cloe. Bakit siya yung hinahanap mo? Bakit? Sana ako na lang siya. Sana ako tuloy yung hinahanap mo.



**



Pumunta ako sa teacher namin at sinabi ko na uuwi na ako. Hindi ko kasi talaga kaya toh. Yung gamit ko, pinadala ko na lang kay Leslie sa bahay. Buti pumayag siya. Haaay! Hindi ko na alam gagawin ko sa buhay ko. Ngayon lang ako nakaramdam nitong selos na sinasabi nila.



--

vote and comment <3

He's A Devil [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon