[One-Shot] He is..

1.2K 17 12
                                    

Andito kami ngayon sa school. Nagttraining. Kasama ako sa volleyball team at sa isang araw na laban namin.

"Kailan daw bibigay jersey?" Tanong ni Ela. Dadaldal muna kami habang wala pa si Coach D.

"Bukas daw eh." Sagot naman ni Nicolette, captain ball ng volleyball team.

"Tagal ni Coach! Di na ata tayo matutuloy! Uwi na kaya ako?" Yan si Erisse, pinakachildish, pinakamaliit at pinakamaingay.

"Uwi ka na. Ayaw na kitang makita." Eto naman si Nina, aawayin nanaman si Erisse. Laging nag aasaran yan eh. Buti nga di nagkakapikunan.

"Uuwi na talaga ako! Ayoko na din makita pagmumukha mo." Ganti naman ni Erisse sabay kuha nung bag. "Uwi nako! Baboosh!" Tapos naglakad na sya paalis.

"Lex, magtraining nalang tayo kahit wala si coach." Sabi ko kay Lexi.

"Nakay Coach yung bola eh." Sabi nya sabay balik ang tingin sa phone nya. May katext ata.

"Uwi nako. Baka hindi nako payagan magtraining pag di ako agad umuwi. Bye." Pagpapaalam naman ni Fiana.

"Alis na rin ako. Anjan na lolo ko eh. Birthday nung tita ko. Bye." Pagpapaalam ni Yanna.

3 na yung umalis. 9 pa kami. 12 kasi kaming lahat.

"Oh baka pati kayo gusto nyo ng umuwi?" Pamimilosopo ni Nina.

"Geh, uwi na kami." Sabi naman ni Keighla. Akmang aalis na pero, "Keigh, sabay na tayo." Pahabol ni Ela.

"Ate Ela, sabay ka na sakin?" Tanong ni Chrissy kay Ela.

"Sige. Hoy Keighla, sino susundo sayo?" Tanong ni Ela kay Keighla.

"Daddy ko. Tara na sa guardhouse." sagot ni Keighlah. At ayun, umalis na yung tatlo.

5 nalang kami dito. "Uwi na kaya tayong lahat noh?" Pagssuggest ni Rian. Teka, suggestion ba yun?

"Tara na sa guardhouse." aya ni Nicolette.

**

WOOOOHH. Lalaban na ang 'Grace University Tornadoes'! - Eh yan nakalagay sa jersey namin eh. Angal ka? Sipain kita eh. Nga pala, ako si Ariana Grande. Joke! Seryoso na, ahem, ako si Ariella. Totoo na yan ah! Walang halong biro.

"Coach, si Erisse daw sa sementeryo nalang dederetso. Wag na daw natin hintayin." Sabi ko kay Coach. Pupunta kami sa sementeryo dahil ililibing ko ang nagbabasa nito, ng buhay.Joke! Magpaparade kami sa sementeryo. Oh, joke ulit yun! Pupunta kami sa sementeryo at lalakad papuntang Luke Academy. Bale magpaparade kami.

"Oo, lagi naman late yun eh." sarcastic na sabi ni Nina.

Nung nasa sementeryo na kami, andun na pala si Erisse. Tapos nagstart na kami maglakad. Bale warm up na yun. Hanggang sa makarating kami sa Luke Academy, nagdadaldalan lang kami.

"Fcking sht, laki pala netong Luke Academy." Hindi makapaniwalang sabi ni Erisse.

"Makapagmura ka noh?" iritadong sabi ni Keighla.

"KJ mo naman eh." naka pout na sabi ni Erisse.

"Kain muna kayo oh." Sabi ni Coach sabay abot nung Jollibee samin. Oh diba?! May breakfast!

"Coach, anong oras tayo lalaban?" Tanong ni Ela kay Coach habang kumakain.

"1PM daw." Sagot ni Coach habang kumakain din kasi kumakain kaming lahat!

[One-Shot] He is..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon