1

6 0 0
                                    

Promise.

Ano bang nagagawa ng promise na yan? Puro sakit lang naman ang dulot. Walang kasiguraduhan na matutupad, yung iba kasi inaabuso lang. Bat pa nauso yan? Eh kung papaasahin ka lang naman nung nag promise, sasabihin sayo kasi umasa ka. Aba tangina malamang! Yung taong mahal ko? Taong napaka buo ng tiwala ko? Papaasahin lang ako sa lintek ng promise na yan. PURO PANGAKO NAPAPAKO LANG NAMAN KINAKAIN NG BUO SHET TUMATABA TULOY.

Okay chill nako back to topic.
Ako si Claret Cruz. Taong pinangakuan , ngayong taong iniwanan. Ang galing diba magic single na ko bigla! Mga lalaki kasi sarap tapiyasin yung mga ano. Joke. Mabait pala ako dito.

Okay naba us? Ha? Sige start na naten yung story.







~Claret~

Habang nakahiga ako sa kama ko, yakap lang unan ko napaisip ako sa mga nangyari. Pucha wala ba kong kwenta ka niya ako iniwan? Baka may third party?! Kasi syempre ang ganda kuno tanga naman niya. Charing. Oh baka nag sawa lang talaga siya? Hindi kineri ganda ko? Charing ulit! Eh ano naman kasing rason diba? Lumilipad lang utak ko nang may tumama sa pintuan ko. Inignore ko nung una. Eh pucha makulit ang gago ginawa ulit, mas malakas na ngayon. Tumayo ako sa hinihigaan ko at binuksan ang pinto ko

"Ano ba yon?!" Sagot ko, syempre dat kunware bismuth.

"Tanghali na oy! Kumain kana" sagot ng housemate ko, bahay kasi to ni ate. Pinoy Big Ate amputa HAHA! joke ang corny buti hindi ko jinoke sakanila yun. De kasi bata palang ako nawala na nanay ko. As in pag ka anak niya sakin lumitaw na , ni hindi ko nga siya nakilala pinag bawalan ng dad ko. Si dad naman edi syempre para mabuhay kami ng ate ko nag sipag "work work work work work" lang siya! Sa hanggang napatapos niya si ate at napag aral niya ako hanggang college. Galing diba ? Superman peg nun. And kasi batang magulang sila ng nanay kong kung saan man siya ganda niya siguro. Look at me naman kasi joks. Osige back to storyy.

"Kumain kana" sabi ulit ng housemate × tropa kong panget si Baste. Sebastian talaga name niya eh ang sosyalin mashado hindi ko trip.

"Wala nga akong gana" sagot ko, totoo naman kasi ilang araw nako hindi kumakain ng maayos. Sumesexy nako wooh! Nang biglang lumabas ate ko sa kwarto niya.

"Tanga kumain kana, wag mong gawing rason yung pag break niyo ni Nico." Sabi ni ate. Oh yeah, meet my darling ate Princess Krizia. Krizia lang daw ayaw niya ng princess, hindi malayo agwat namin ni ate kasi nung pinanganak siya gumawa ulit agad HAHA natuwa eh. Hindi ata nauso condom nun kaya ayan lumuwas tuloy nanay ko, si ate naabutan niya eh kahit papano may naaalala siya. Ako wala talaga.

"Ehhhhhh ayoko nga wag nang ipilit!" Sabi ko, pagka sabe ko nun ayun binatukan ako ng magaling kong kapated.
"Tangina mo ang drama mo kumain ka na nga don patulugin kita sa labas makita mo." Sagot niya, sungit niya ah?! Dinalaw naba siya? Kingina eh. Bumaba nalang na ako sa hagdan papunta sa kusina. Baka patayin pako nun eh. Kumuha ako ng kanin tapos biglang inilipag yung ulam , DINUGUANNNN!!! Napasigaw ako ng yey kasi grabe paborito ko yaaaaan! "Sino nagluto?! Hahalikan ko!"
"Kaming lahat" sabi ni baste. "Inisip namin mag luto ng paborito mo para kumain ka" dagdag niya.
Medyo na touch naman ako dun. Kasi pabihiri lang sila mag luto ng mga ganito, tas ako pa pala yung rason AWEE I LOVE MY FRIENDS! Sinumulan ko na pag kain ko.

The day passed with me just lying around . Seryoso nakahiga lang ako sa kama ko buong araw, pag tapos ko kumain nag cellphone ako tas nabadtrip ako sa mga sinabi sakin ng bestfriend ni Nico, si Angelo. Tangina mag iisang linggo palang since nung break up lumandi na agad! Ang saket tae. Nagluluha na ako sa unan ko ng biglang may kumatok.
*tock tock* "Ret?"
*tock tock ulit*
Tumayo ako sa kinahihigaan ko tas nag punas onte ng luha, saka ko binuksan yung pinto. Nag pakita nanaman yung loving kong bestie si Klark! I should be thrilled! Kasi ilanh buwan wala si Klark dahil pinag aral siya sa probinsya, pero wala masyado akong sad yung tipong nginitian ko lang siya.
"Retbaby, hindi kaba happy nalumuwas ako para lang puntahan ka?" Sabi niya.

Napa smile ako ng onte sa nickname niya, pumasok siya sa kwarto tas umupo sa kama ko. Nag stretch siya ng kamay niya meaning hug daw, mumurahin ko sana pero ayun na unahan ng luha ko kasi ganon si Nico lagi.
Nag breakdown ako sa harap niya nakatakip lang mata ko ng mga kamay ko nang naka ramdam ako ng mga kamay na tinutulungan akong tumayo.

"Shh sige tara dito" palambing niyang sinabi sakin, masyado akong weak non so hinayaan ko nalang siya , pinaupo niya ako sa may hita niya habang yakap parin ako. Eh ako naman parang tanga iyak parin ng iyak sa dibdib niys habang hawak yung tshirt niya. Hindi ko ganito, ayoko ngang umiiyak sa harap ng iba eh. Pero tutal namiss ko rin tong si Ark , pero hindi talaga ako ganito nakakahiya baka asarin pa ako neto.

Napa tigil den niya ako sa pag iiyak ko.

"Okay na by? Kaya mo mag explain?" Tanong niya, tumango ako at huminga ng malalim.

"Kasi ganto yan." Sinumulan ko

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 07, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon