Bumuhos ang luha sa witness stand dahil naalala na naman ni Jeff ang lahat na nangyari sa kanila noon at lalung-lalo na sa kanya dahil sa ginawa ng tatlong lalaki sa kanya.
"Mr. Hidalgo...?" sambit ni Atty. Jacqui sa kanya "Okay ka lang ba? Do we need to continue?"
Kaagad naman pinunasan ni Jeff ang mga luha niya gamit ang panyo na hawak niya "Hindi. Okay lang ako. Gusto ko ipagpatuloy ito"
"Very well, Mr. Hidalgo" dugtong ni Atty. Jacqui "Ipagpatuloy mo pa ang pagsalaysay mo"
Binalikan niya muli ang unang gabi nila sa warehouse. Bigla niyang naalala na may kausap ang isang lalaki sa kabilang linya ng telepono "Nang pagdating namin doon ay narinig ko ang isa sa mga lalaki na may kinakausap siya sa kanyang telepono. Boss ang tawag niya doon. Sinabi ng lalaki na nagtagumpay na sila sa kanilang pagkuha sa amin... at tinanong niya sa kausap niya na kung papatayin niya na daw ako"
"Tapos?? Hindi mo narinig ang sagot?"
"Hindi po, your honor. Hindi ko masyado narinig ang usapan nila"
"E paano ka naman nakakasiguro sa identity ng taong nagpautos na pakidnap sa inyo?"
"Kay Alvin your honor" sagot ni Jeff.
"At sino naman itong Alvin na ito?"
"Si Alvin ay naging karelasyon ko din sa loob ng anim na taon. Pero naghiwalay kami dahil pinili ko ang totoong mahal ko na si Nathan" kuwento ni Jeff "Akala ko ay tanggap niya na noon na hindi na kami para sa isa't-isa pero naging makasarili siya"
"In what way, Mr. Hidalgo?"
"Pinalabas niya na patay na ako nung gabi na nirescue niya kami ni Nathan para masolo niya ako sa loob ng tatlong taon" kuwento niya pa sa harap ng hukuman "Pero pagkatapos ng tatlong taon na yon ay namulat ako sa katotohanan"
"Anong katotoohanan iyon?"
"Na pineke niya pala ang pagkamatay ko at pinalabas sa pamilya ko na nasunog ang katawan ko dahilan sa pagsabog ng warehouse. Linihim niya ang totoong nangyari sa akin" patuloy pa din ang kanyang pagsasalaysay habang si Madam Jean naman ay parang kalma lang ang kanyang mukha "Isang araw, habang naliligo siya sa banyo ay may biglang tumawag sa kanyang telepono. Sinabihan ko siya na may tumatawag nga pero ang sagot niya sa akin ay sagutin ko na lang daw... at doon ako nagulat sa aking narinig"
"Bakit Mr. Hidalgo? Sino ba ang tumawag?"
"Si Jean po, your honor. Si Mrs. Jeanette Dy-Teng ang tumawag"
"At ano ang sabi niya?"
"Na huwag na huwag daw magsasalita si Alvin na siya ang mastermind sa pagkidnap sa amin"
"Andito basa silid na ito ang taong tinutukoy mo?" at tumango naman si Jeff "Pwede mo ba sa amin ituro kung saan siya?"
Nanlilisik ang mga mata ni Jeff kay Jean dahil sa sobrang galit nito. Inangat niya ang kanyang kanang kamay at tinuro si Madam Jean "Siya!! Siya ang nag-utos para ipakidnap kami. Siya ang nasa likod ng pagpadakip sa amin at muntikan naming pagkamatay"
Napangiti ng bahagya si Atty. Jacqui sa sagot sa kanya ng kanyang kaibigan. Kaagad naman siya tumingin sa judge "No more further questions your honor"
Bumalik sa Atty. Jacqui sa kanyang pwesto at umupo dito. Sumunod na tumayo si Atty. Villanueva at pumunta sa harap para itanong si Jeff.
"Mr. Hidalgo. Gaano ka kasigurado na si Madam Jean nga iyon ang nasa kabilang linya nung araw na sinagot mo ang telepono ng nobyo mo na si Alvin?"
BINABASA MO ANG
The Heiress (A CHINITO BOOK III)
Teen FictionAng Ikatlong Aklat ng CHINITO. Pagkatapos nang pagkamatay ni Jeff, makukuha ba nila sa kamay ni Madam Jean ang yaman na dapat sa kanila? O hahayaan lamang nila ito at tuluyan mawala sa kanila. Ano ang papel ni Sky (na isang inosente na dalaga at ang...