Ang Hoodie ni Daniel Padilla (One-Shot)
Linggo ngayon at sinipag akong pumunta sa simbahan at syempre mag-attend ng mass.
Maaga akong umalis sa bahay para maaga din akong makauwi. Manonood pa kasi ako ng ASAP, nagbabakasakaling nandun ngayon si DJ. (Shet maka DJ e. Close lang?)
Habang nagsisimula ang mass, andami kong napansin. Bakit ang daming naka hoodie ngayon? Tapos yung kulay gray, black, brown and cream?
Ano to? Daniel Padilla lang ang peg? Tss.
Wala namang masama diba kung magsuot man sila ng ganyan? Pero dahil isa akong admirer ni Daniel (I prefer admirer kaysa fangirl. Ewan parang pangit pakinggan? Or ako lang yon? Haha. Basta admirer ako!) syempre nakakainis kapag may gumagaya sa porma ng idol mo.
Diba diba? Tapos pag kumilos sila, wow brad, pacool lang?
Yh! Nagsimba pamo ako para mabawasan yung kasalanan ko, tapos ngayon parang lalong dumami. Yung mga tao kasi e! Nakaka amp!
Finocus ko na lang ang atensyon ko sa pari at nakinig na sa kanyang homily.
Dahil maaga pa, wala pang masyadong tao ngayon kaya bakante pa yung space sa tabi ko.
Wala lang, nasabi ko lang kase may tumabi sakin.
Siguro likas na sating mga tao na kapag may tumabi o lumapit sayo ay titingnan mo yung taong yon dahil ganun ang ginawa ko.
Hmm. Pa mysterious effect? Naka hoodie, nakayuko at parang ayaw ipakita ang mukha. Matangkad siya at hanggang balikat niya lang ako.
Alam niyo yung porma ni Joaquin sa G2B? Ganung ganon.
Tss, fanboy. Kuhang kuha yung outfit e. Pati tindig ni DJ, kuha.
DJ din kaya to pag sa mukha na? Tss tss. I doubt. Haha. Sama ko shet.
Umiwas na ko ng tingin bago pa niya mapansin. Baka akala niya type ko pa siya.
Nung nasa Our Father na, naghawak kami ng kamay nung nasa right side ko at hahawakan ko sana yung kamay nung lalaking nakahoodie pero bigla niyang iniwas ang kamay niya sakin.
Dahil don tumaas ang kilay ko. Arte nito ah. Inirapan ko na lang siya kahit hindi ako sigurado kung nakita niya ko.

BINABASA MO ANG
Ang Hoodie ni Daniel Padilla (One - Shot)
Ficção AdolescenteNang dahil sa hoodie nakasama ko siya. Oo siya! Waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa! A day with Daniel Padilla, kailangan kaya magiging forever? :)))