Chapter 4: Term Break

731 16 3
                                    

Term break, isang linggong pahinga para sa mga estudyante ng DLSU.

Pagkatapos ng klase ay nagkita-kita ang ilan sa mga magkaka-teammates, kumain sila sa labas upang mag-celebrate para sa pagtatapos ng kanilang madugong semester.

“Nasaan si Mika?” tanong ni Kim, nagtinginan silang dalawa ni Moky kay Ara

Nagtaas ito ng dalawang kilay, “Ano?”

“Nasaan si Mika?” ulit ni Moky

“Aba! Malay ko!” sagot ni Ara

“E diba lagi kayo magkasama nun? Inosenteng tanong ni Moky

“Ewan ko nga! Bakit niyo ba hinahanap yung wala?” inis pang sagot nito

“I can smell something fishy!!” bulong ni Kim kay Moky

“Ssshh” sagot ni Moky bahagya silang tumawa

+++

Umuwi si Ara ng Pampanga upang bisitahin ang pamilya at mga kaibigan niya. Una niyang pinuntahan si Zai upang kumonsulta sa kanyang hindi maipaliwanag na damdamin. 

Si Zai ang isa sa mga pinaka matalik na kaibigan ni Ara nung high school. 

“Zai, may problema ako”

“In love ka na?” natatawang sagot ng kaibigan ni Ara

“Hindi ko alam!” naguguluhang sagot ni Ara

“Vic, hindi pwedeng hindi mo alam! Babae o Lalaki?”

Napailing si Ara, “hindi nga ako sigurado”

+++

Pinilit ni Ara ang sarili na hindi magparamdam sa kaibigan upang masigurado kung ano na nga ba talaga ang nararamdaman niya. Hindi siya handa, hindi niya ito inaasahan, maaari nga kaya siyang mahulog sa kaibigan?

“Missed you, WAFS!” bati ni Kim ng makabalik si Ara sa dorm

“Cheesy mo!”

“Bakit ang init ng ulo mo agad?”

“Hindi kaya! May pumunta ba dito?”

“The usual, sila Ate Moky, Ate Aby, Ate Mich, Ate Mel” tumango lang si Ara ng marinig ang mga pangalang binanggit ni Kim.

“Bakit? May hinihintay ka ba?” pang-aasar na tanong ni Kim sa kaibigan

“Si Mela? Kamusta? Miss ko na sila Ate Kat at Jelo!” pag-iiba ni Ara ng usapan

“Sayang, di ka nakasama nung lumabas kami! Sa susunod na lang!" tumango si Ara

"Sigurado ka? Wala kang hinihintay?” tanong pa ni Kim

“Hinihintay?” alam ni Ara ang tinutukoy ng kaibigan ngunit hindi pa rin siya sigurado sa nararamdaman niya. Hindi niya maintindihan ang sarili kung kaibigan nga ba o higit pa ang meron sa kanila ni Yeye.

+++

Tahimik na nakaupo si Ara habang hinihintay ang professor nila sa klase, natanawan niyang parating na si Mika mula sa pinto, nagulat siya ng makitang may kasunod ito.

Saglit pang inabangan ni Ara ang mga mangyayari, habang unti-unting palapit sila Mika sa pinto, unti-unti na rin niyang nakikita ang mukha ng kasama ni Mika

Si Teng!” sigaw niya sa isip niya, nakaramdam siya ng pagkabalisa, tila ba nais niyang lumabas ng silid-aralan at hindi na tuluyang pumasok “Ito pala ang pinagkakaabalahan niya, kaya pala” hindi inalis ni Ara ang tingin sa dalawa, nais niyang pagmasdan ang mga susunod na pangyayari. 

Nag-usap pa ng bahagya si Jeron at Mika bago tuluyang pumasok si Mika sa klase, kitang-kita ni Ara kung paano kumislap ang mga mata nila sa bawat isa habang nag-uusap sila. Nakaramdam siya ng pagka-irita, "So, close na sila? Kailangan pang ihatid?" 

“Galang! Long time no see!” sigaw ni Mika ng makita si Ara, nagulat si Ara, hindi niya namalayang nakaalis na si Jeron at nakapasok na si Mika sa classroom.

Tumingin lamang ito kay Yeye at nagbalik ng tingin sa blackboard

“Uyy, di mo ba ko na-miss?”

“Na-miss?” pabalang na tanong ni Ara “Busy mo kaya! Nakakahiya namang mang-istorbo”

“Hindi kaya ako busy, sabi mo kaya bago mag-term break pupunta ka sa bahay, magpapaturo ka mag-bake! Kinalimutan mo?”

“Naghintay kaya ako ng text mo” mahinang sagot ni Ara

“Text? Lagi naman kayo nagpupunta dun nila Ate Aby at Ate Moky, diba?”

Tumalikod si Ara kay Mika, sakto naman na dumating na ang professor nila at nagsimula na ang klase.

“Yeye!”

Agad na nakita ni Ara kung sino ang tumawag kay Mika, si Jeron na may napakalaking ngiti sa mukha.

“Yeye!” tawag ulit ni Jeron

“Tawag ka ni Teng” mahinang sabi ni Ara, sabay labas ng silid-aralan at iniwan ang kaibigan 

"Anong nangyari ba dun?" nagtatakang tanong ni Mika sa sarili at sinalubong si Jeron sa pintuan.

+++

Mika Reyes & Ara Galang Fan Fiction: Loving Without LimitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon