Chapter 15

10 0 0
                                    

Marguarette's POV
Totoo, totoo nga yung sinabi ng TLE teacher namin na mahirap pala ang baking at napatunayan yan ng aming grupo. 😅😂🙈🙊 One word to describe our first baking activity? Nakakaloka. 🙆 Alam nyo ba kung bakit guys? Una, medyo epic fail yung nagawa namin pero understood naman yun at pangalawa at ang panghuli, iba- iba ang ugali ng mga groupmates ko, may mga tamad, may mga masisipag at may mga sobrang stressed. Well, gaya nga ng palaging pinapaalala sa akin ng nanay ko, "we are all individually different." 😁

Ngayon ay nakaupo naming hinihintay ng mga groupmates ko yung ginawa namin na mabake. Ay, oo nga pala, bago ko makalimutan, hindi ko nasabi sa inyo na magkagrupo pala kami. 😅✌️ Grabe siya kanina guys, nagmamagaling sa baking. Whoo! Idol! 😂🙌👏 Magkatabi kaming dalawa at parehong tahimik, malamang dahil sa pagod.

"Uy, may ikwekwento ako sayo." Pagbasag niya ng katahimikan sa pagitan naming dalawa.
"Ano na naman yun?" Tanong ko at nagsimula na siyang magkwento.

"... ganto pa yung paghawak niya sa kamay ko ohh." Sabi niya sabay hawak sa kaliwang kamay ko. Hayz, ito na naman siya sa mga galawan niyang ganito. Nakikinig ako sa mga kwento niya habang tumatawa.

"Malapit na ba matapos yung binebake natin?"- Groupmate 1
"Ang tagal naman."- Groupmate 2
"Hindi, malapit na yan." Sagot ko

Pagkatapos niyang magkwento sa akin ay natahimik na naman kaming dalawa, ulit. Nagulat na lang ako ng bigla siyang kumanta habang nakapatong ang ulo niya sa lamesa at nakapaligid pa ang kanyang mga braso dito.

"Bat di papatulan ang pagsuyong nagkulang, tayo'y umaasa. Hilaga't kanluran. 🎤"

Sa dinami- rami ba naman ng mga kantang pwede niyang kantahin ehh, bakit yan pa, di ba? Hindi mo alam kung yan lang talaga yung napagtripan niyang kantahin o may pinatatamaan siya.

Trip lang Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon