Chapter 16

10 0 0
                                    

Marguarette's POV
At dahil sa dalawang araw lang ang weekend ehh hindi ko naramdaman na nagpapahinga ako ngayong Linggo. Nandito ako sa sala namin, nakaupo at nagreresearch sa phone ko ng mga recipes para sa cake na ibabake namin sa TLE class namin at dahil I am doing some researches ay naka- on ang WIFI at malamang sa alamang ay automatic ding naka- on ang FB Messenger ko so makakareceive pa rin ako ng mga messages.

"Hi."- Alfred
"Likewise."
"Musta?"- Alfred
"Hala? Parang hindi tayo nagkikita sa school ahh. 😅 Emotionally not fine ako so far ehh." Ikaw kasi ang dahilan ehh.
"Bakit?"- Alfred
"Magulo. 😂 Ilang araw na akong lutang ehh."
"Awtsuuuuuu."- Alfred
"Ikaw? Kayong dalawa, kamusta?" Meron na naman kasi siyang bago ngayon. Hayz. 😅🙆
"Nino?"- Alfred
"Nung bago mong bebeloves. 😅😂"
"Hahaha! Konti na lang."- Alfred
"Paanong konti na lang? Kayo na?"
"Konti na lang MU na."
"Yez namern, mapapa- oo niya na ohh. Whoo! Idol! 😉😂🙌" Well, ganyan siya katinik sa mga kababaihan. 😌💁
"Hahaha! Syempre." Ohh, di ba guys. Sa kanya na mismo nanggaling yan ahh. 😅😂🙈🙊
"Ang dami mo na talagang napa- oo."
"Ha??" Nakakaloka! 😅🙆 Hindi niya gets.
"Ang turtle mo naman! 😂🐢 Madami ka na kasing napa- oo.
"Sino- sino?"- Alfred
"Di na mabilang sa daliri ehh." Madami nga pero wala na naman ng ibang tumagal.
"Ibig sabihin, maraming nagkagusto sa akin???" Nagtanong ka pa talaga ahh. 😌😂💁
"Hahaha! 😂 Tingin mo?"
"Opo." Ayan na naman po siya sa pagiging magalang niya.
"Magpakahumble ka naman po kahit kaunti."
"Marami ba?" Unli lang? Unli?
"Oo naman."
"Ayy pati rin pala ikaw ah." Ay, ayos talaga to oo, kahit kailan. 😅😂🙆
"Hahaha! 😂 Joke ba yan? Ang dami kong tawa ahh."
"Yieeee, ikaw ahh." Feeler ba to since birth?
"Hahaha! 😂 Hayz, bawas- bawasan ang confidence level sa sarili ahh."
"Sus, guilty ka lang." Wow! Ako? Ako, guilty. 😅😂💁
"Kailan ako naging guilty kung hindi naman talaga? 😏💁🔫"
"Wehhhhh???" Ay, masyado talaga siyang tiwala sa sarili niya.
"Yes, definitely I'm not guilty at all." Ayan, manosebleed ka sana. 😌🔫🔥
"Totoo kaya yung feelings ko sayo dati." Parang alam ko na kung saan ang patutunguhan ng usapang ito ahh, hindi kaya, ito na yun?
"Paanong naging totoo? Ehh, all these times hindi mo naman napatunayan sa akin?"
"Nahihiya po kasi ako." Aba, sa akin ka pa ngayon nahiya ahh.
"Aba, matinde! At, bakit naman?"
"Syempre nakakahiya."
"Bakit nga?"
"Kasi mahal pa kita, hahaha." Saan ka naman nakabasa ng message na may "mahal kita" tapos may "hahaha" sa huli?
"Alam mo, yang mga katagang yan. Minsan, wala ng pupuntahan."
"Ayyyy 😞"- Alfred
"Lalo pa't kung wala ng pag- asa."
"May pag- asa pa ba?"- Alfred
"Ikaw lang ang makakapagsabi niyan. Ikaw lang nagpakawala ehh." Pero, narealize ko, siya lang ba talaga o pati ako?
"Oh sorry na eto naman."- Alfred
"Bakit ka nagsosorry?"
"Syempre, pinakawalan kita kasi ang tanga- tanga ko."- Alfred

Hindi kaagad ako nakapagreply sa kanya kasi hindi talaga nagsink  sa akin yung sinabi niya sa akin.

"Uy."- Alfred
"Slr. Kung may sasabihin ka pa, mag- usap tayo sa school."
"Bakit?"- Alfred
"Pero, wait. Baka pinagtritripan mo na naman ako niyan ahh." Oo nga Marguarette, mahirap na.
"Grabe ka, alam mo yun?"- Alfred
"Tbh, kaya nahihirapan akong maniwala sayo kasi mas nakilala kita na isang joker."
"Sorry na."- Alfred
"As I've said, sa school tayo mag- usap."
"Bakit nga?"
"Kasi dun, mas mapag- uusapan natin yun ng mas maayos."
"Pero, may pag- asa pa ba?"- Alfred
"Tbh, hindi ko PA alam sa ngayon."
"Baka paasahin mo ako."- Alfred
"Kaya nga sabi ko mag- usap tayo sa school."
"Di ba pwede ngayon?"- Alfred
"Hayz, sige na nga. Ano bang gusto mong sabihin?"
"😞 nahihiya ako."- Alfred
"Dali na. Ikaw ang may gusto na mag- usap tayo dito, di ba?"
"😞"- Alfred
"Dali na." Pagpupumilit ko sa kanya.
"TBH."- Alfred
"Tbh?"
"slight crush kita."- Alfred
"Yung totoo "slight crush" pero tinatanong mo na kung may pag- asa?"
"haysssss."- Alfred
"Alam mo sa totoo lang, takot akong magsabi sayo ng totoo."
"Bakit?"- Alfred
"Heh! Hayaan mo na."
"ano nga????"- Alfred
"Okay lang kahit sa school pagtripan mo ako pag sinabi ko sayo to. Kahit alam kong masasaktan ako. Alam mo bang nagsisisi ako."
"ano ba yun?"- Alfred
"Na hindi kaagad ako naniwala sayo nung mga panahong yun."
"😞 okay lang yan. Bakit gusto mo ba ako para maniwala ka?"- Alfred
"Huh?"
"wala 😞"- Alfred
"Hayz."
"Bakit ba kasi di ka naniwala?"- Alfred
"Kasi nga ang taong kagaya mo ay SOBRANG hirap paniwalaan."
"Mahirap nga pero totoo naman ang nararamdaman."- Alfred
"At tsaka that time, iniisip ko kung posible nga bang magkagusto ka sa isang tulad ko."
""oh bakit mo naman iniisip yun?"- Alfred
"Kasi, IMPOSIBLE ehh."
"POSIBLE."- Alfred
"Paano mo nasabi?"
"kasi TOTOO."- Alfred
"Totoo na?"
"crush kita."- Alfred
"Sige na, pagtripan mo na ako at pagtawanan. Once in for all, gusto ko ng maging honest sayo. Alam mo bang yung the day na sasabihin ko sayo na naniniwala na ako sayo that time yun yung day na sinabi mo sa akin na may gf ka na ulit? At dahil dun nagkaroon ako ng conclusion na pinaglaruan mo lang ako at pinagtripan."
"😞 😞 😞 😞 nagsisisi din ako. Uy, hindi ahhh."- Alfred
"Ohh, ehh bakit parang guilty ka?"
"okay sorry, hindi."- Alfred
"Sabi ko sa sarili ko nun "ang tanga ko" kasi di ko pa grinab yung chance ehh. And alam mo, sa tuwing nag- uusap tayo. Andun pa rin yung sakit."
":((( gusto mo ba ako?"- Alfred
"Okay. Sort of."
"ha?"- Alfred
"Oo. Unti. Dati."
"eh ngayon? 😞"- Alfred
"Wala na? I think."
"ayyyyy 😢"- Alfred
"Sige na, ayan na. Nasabi ko na lahat ng kailangan kong sabihin."
"Wala na ba talaga?"- Alfred
"Wala na siguro. It's just that, minsan affected pa rin ako."
"grabe. bigyan mo naman ako ng pagkakataon." Dapat nga ba Alfred, dapat nga ba?
"Paano kita bibigyan ng chance ehh kung may sineseryoso kang iba?"
"wla ngaaaaaa."- Alfred

Hay naku Alfred, alam mo na ngang nakakastress tong ginagawa ko sa TLE, dadagdag ka pa. 

Author's note: Kaya napahaba yung update ko sa chapter na to kasi yan talaga yung naging convo ni Marguarette at Alfred. 😅🙈🙊 At kung merong Author's note, ngayon ay magkakaroon na ng "Author's question". Okay, alam kong corny. Hahaha! 😂🌽✌️ So, ito na nga yung question ko para sa inyong lahat.

Kung kayo ang nasa posisyon ni Marguarette, maniniwala ba kayo sa mga sinabi ni Alfred? Oo o hindi at bakit?

Kung gusto nyong sagutin yung question ang kailangan nyo lang gawin ay icomment ang mga sagot niyo. Kaya ano pang hinihintay nyo? Sagot na at humugot na! 😉😂 Thank you & God bless! ☺️🙏👆 Peace and Love! 💙✌️

Trip lang Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon