Reality Sucks

63 7 15
                                    


RIIIIINNNGGG

Hays. Uwian na rin sa wakas. Bukod sa recess at lunch break. Eto ang pinakagusto kong part ng pasukan at eto rin pinakagusto kong time dahil sinusundo na ako ng pogi kong manliligaw na si Six Lopez ang isa sa popular sa aming University.

"Kyles, akin na iyang bag mo ako na ang magdadala." Sabi niya.

"Okay." Tugon ko.

Btw, ako nga pala si Kylie de Guzman, mga kaclose ko lang ang tumatawag sa akin ng Kyles. Maganda, mayaman, matalino and loved by everyone. No one dares to mess with me. Hah, takot lang nila sa akin.

Yeah, tama ang pagkakabasa niyo kanina, itong guwapong lalakeng ito na aking katabi ay aking manliligaw. Mga 1 month na siyang naniligaw. Actually nga gusto ko na siyang sagutin eh, kaso hindi pa pwede. Kapag 16 na daw ako tsaka ako pwedeng mag boyfriend. Di bale, 2 buwan na lang magsisixteen na ako. And when my birthday comes ay sasagutin ko na siya. Sabi kasi ni mommy magpapaparty daw sya kapag birthday ko.

"Kyles, malapit na ang birthday mo ah." Panimula niya.

"Oo nga eh, 2 buwan na lang." sabi ko kasabay ng pagngiti ng aking mga labi. Nai-imagine ko na kasi kung anong mangyayari when that day comes.

Itong lalakeng ito na katabi ko, mahal na mahal koi to. Para ngang fairy tale ang story naming eh. Kasi parang siya iyong Prince Charming ko at ako iyong Princess tapos kapag sinagot ko na sya masasabi ko nang "And we lived happily ever after." Kinikilig ako.

Bawat araw na lumilipas, nahuhulog ako sa kaniya kasi lagi siyang gumagawa ng mga nakakakilig na bagay na ginagawa ng manliligaw.

Sabi nila niloloko at pinag-tri-tripan lang daw ako ni Six. Pero hindi ako naniniwala kasi "Action speaks louder than words." Sa mga ginagawa niya nakikita at naaramdaman ko ang pagmamahal niya.

"Kailan mo ba ako sasagutin Kyles?" tanong niya.

"Malapit na, hindi ka na ba makapaghintay na maging girlfriend ako?" pagbibiro ko and he chuckled.

Nakarting na kami sa bahay, inabot nya sa akin iyong bag ko. "Kyles" tawag nya sabay hawak sa kamay ko at tumingin sa aking mga mata. "Another day has passed again yet hindi mo pa rin ako sinasagot, but that's okay because every day, every hour, every minute, every second that I am with you, I think my heart will jump out of my chest because you are making me happy." Sabi nya ng may ngiti sa labi.

"Basta tandaan mo ito lagi, mahal na mahal kita Kyles." Sabay halik sa noo ko. "Sige na pumasok ka na, Bye Kyles." He waved at me and I waved back habang nakatunganga pa rin. At naglakad ako na nanlalaki ang mata. One word to describe me? SPEECHLESS.

Sandal nga at hindi pa nagsisink-in sa utak ko iyong sinabi niya.

Processing... 25%

Processing... 50%

Processing... 75%

Processing... 100%

TING!

Nang magsink-in sa utak ko kung ano ang sinabi nya ay dali-dali akong pumasok sa aking kwarto, nilock ang pintuan, tinapon ang sa kung saan at pumunta sa kama at nagisisigaw. Si bale, soundproof naman itong kwarto ko. Hihihihi, kinikilig ako.

"Mahal na mahal kita."

"Mahal na mahal kita."

"Mahal na mahal kita."

Reality SucksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon