TMBPS4:

4.6K 103 0
                                    

Chaos~

Hindi makatulog si Alfred,natatakot sya,nakakabading man pero natatakot syang mamatay sino ba namang hindi.Nakausap na din nya ang kanyang Ina,nalaman ng mga ito na malaki ang pagkakautang nya sa sindikato,idagdag pa ang mga perwesyo nya ng mga nakaraang buwan.Wala na silang perang maipangbabayad pa.

Nakatulog si Alfred sa pagiisip.

Si Andrea naman ay natulog sa dating kwarto nya,na ginawang bodegahan ng mga gamit ng yumaong mga magulang.Gusto nya na kahit sa huling pagkakataon ay maramdaman nya uli ang presensya nila tulad ng dati.

Alas dose na ng gabi tulog na tulog na ang lahat pwera sa 2 gwardya.Nagmamatyag silang dalawa sa paligid ng bigla na lamang silang ginilitan sa leeg.Madaming nakaitim na mga kalalakihan ang nakapasok sa bahay,pinasok nila ang bawat kwarto. Naalipungatan si Rose isa sa mga kasambahay ng marinig ang kalabog mula sa kusina at mga kaluskos.Nakaramdam ng takot si Rose.Bumangon sya at tinignan kung ano ang mga yon,ngunit papalapit pa lamang sya sa may pinto ng makarinig sya ng mga boses ng mga kalalakihan at mga yapak ng mga ito na papalapit.Binalot ng kaba ang kanyang dibdib,nabalik lamang sya sa wisyo ng may nagpupumilit na buksan ang pintuan ng maids quarter.Dali dali nyang pinaggigising ang mga kasamahan ngunit huli na ng makatago sila biglang bumukas ang pinto ng sipain ito ng isang lalaki.

Naiiyak na sa takot an mga katulong,may hawak na baril ang mga lalaking nasa harapan nila ngayon,wala man lang silang laban,lahat sila ay babae.

"Oy! kung siniswerte ka naman oh!"-sabi ng isang lalaki at pumito,halos lahat ng kasambahay ay mga dalagita pa lamang.Nagsingisihan ang mga kalalakihan at biglang nagpakawala ng bala ang isang lalaki,may silencer ang mga baril nila kaya walang may makakarinig.Mas lalong natakot ang mga babae,muntik ng atakihin sa puso si Manang Mening dahil sa putok.Humihikbi ang lahat sa takot,na nagpasaya sa mga halimaw na mga lalaki.

"Hey! come down pare wag mo naman takutin"-sabi ng isa,sa mga boses ng mga ito masasabing mga binatilyo pa ang mga ito.

"Hala! sige dalhin na sa labas yan"-sabi ng lalaki,tinutukan nila ng mga baril ang mga babae at sinabing lumabas.

Nangmakarating sa sala ay narinig nila ang mga boses ng mga amo na nagpupumiglas.

"Ano ba bitawan mo nga ako"-Krisell,hawak hawak ng ibang mga kalalakihan ang kanilang mga amo.

Nang 3 hakbang na lang sa hagdanan ay pinagtutulak silang 3 ng mga kalalakihan.Napadaing naman sila sa sakit.

"Punyeta! ano bang kailangan niyo ha!"-bulyaw ni Crisellda sa kanila.Agad naman syang sinampal ng lalaki,napahiyaw naman ang kanyang mga anak.

"But nyo sinaktan ang mommy ko"-galit na bulyaw ni Krisell habang yakap ang Ina

"Isa ka pa ang ingay nyo"-tapos sinipa si Krisell sa tyan,napaubo naman ng dugo ang dalaga.

"Hintayin nyo na lang sila at malalaman nyo din"-ani ng lalaki mayamaya ay biglang bumukas ang pintuan pumasok ang limang lalaki,napagilid ang lahat at napayuko ng dumaan ang mga ito sa gitna.

"Sila na ba"-tanong nong isa

"Opo boss"-sagot ni Benji ang kanina pang nanakot at nanakit sa mga taong nasa loob ng bahay.

"Good"-sabi nito,nagsiupuan ang lima sa harap ng tatlo.

"Anong kailangan nyo"-nagtatapang tapangang tanong ni Alfred.Napangisi ang lalaking nagngangalang Mike,isa sya sa lima kanina.Tumayo ito at lumapit sa kanya

"Anong kailangan namin*smirk*simple lang bayaran mo ang utang mo...pero narinig namin na naghihirap na kayo kaya ito kami ngayon...at papatayin kayo or better yet,mukhang magaganda naman ang ibang babae dito kaya ibebenta na lang namin....kagaya nitong isa"-Mike said at hinawakan ang baba ni Krisell.Makikita mong kahit takot si Krisell ay humahanga parin sya sa kakisigan ng lalaking nasa harap nya maging ang 4 pa nitong kasa-kasama kanina.

"Puta! Wag mong idamay ang kapatid ko dito"-bulyaw ni Alfred sa kanya,napangisi naman si Mike at walang pasabi na sinuntok si Alfred ng malakas sabay tayo

"Pahirapan nyo na"-pagkatapos sabihin ni Mike yon ay umupo sya kasama ang apat,naglabasan naman ng mga pampalo ang kalalakihan.At don inumpisa ang pagpapahirap kay Alfred.Palo don palo dito,suntok,sipa...naiiyak at napapasigaw nalang ang magina habang hinawakan ng ibang mga lalaki.Habang awang awa naman ang iba at takot na takot.

Samantalang mahimbing na natutulog si Andrea ng makarinig sya ng mga hiyawan,tawanan at iyakan,maging tunog ng pagpalo at pagkabasag.Napabangon si Andrea at kinutuban ng masama,dahan-dahan syang bumaba at ikinagulat nya ang nadatnan.Napaluha si Andrea sa sinapit ni Alfred,nakakaawa ang mukha nito,bugbug na bugbug.Napatakip sya ng bibig at nagumpisang humagulgul ng tahimik,napatigil nalang sya ng biglang

"Tapusin na yan"-utos ni Mike,napangisi si Benji at nilabas ang baril at tinutok sa ulo ni Alfred na wala sa wisyo dahil sa pagkabugbug.Napasigaw ang mag-Ina at napahagulgul ang mga kasambahay.

"Bye-bye"-malademonyong sambit ni Benji

Hindi alam ni Andrea kung paano sya nakatakbo ng ganon kabilis at tinulak si Benji sabay sigaw ng

"HUWAG"-tamang tama lang ang pagkakatulak ni Andrea kay Benji ng nakalabit nito ang gatilyo.Napatingin sa kanya ang lahat.Napahakbang ng paatras si Andrea ng mabatid ang katangahang ginawa,ngunit ang katangahang iyon ay nagligtas sa buhay ni Alfred.Napatingin sya kay Benji na nanlilinsik ang mga mata na nakatingin sa kanya.Unti unti itong lumapit sa kanya at bigla nalang syang sinampal.

"ANDREA"-nag-aalalang tawag sa kanya ng kapwa katulong ng mapahiga ito sa sahig.
Napahawak si Andrea sa gilid ng labi nya ng malasahan ang dugo mula dito.Hinila sya patayo ni Benji at pinagkatitigan.

"Sayang maganda ka pa naman"-sabi nito at tinutukan sa ulo si Andrea ngunit bago pa man nya makalabit ang gatilyo ay may nauna na sa kanya.

Akala ng lahat ay si Andrea na ang naputukan pero nagulat nalang sila ng biglang natumba si Benji at may tumalsik na dugo sa mukha ni Andrea.Agaw hininga si Andrea sa nakita.Napatingin lahat sa bumaril

"K-king"-sabay sabay nilang sambit,maging ang apat nitong kasama na sina Mike ay nagulat din sa kanyang ginawa.

Pero hindi sila pinansin ni King,tumayo ito ay nilapitan si Andrea.Napaatras na lamang ang dalaga ng lapitan sya ng lalaki,pero mas nagulat sya ng bigla na lamang sya nitong hinila palabas pero bago pa man ito makalabas.

"Leave the others alone and bring that 3 to the HQ"-sabi nito at hinila na si Andrea palabas.

"What just happened?"-nakangangang tanong ni Justin kina Mike.

"I don't exactly know"-Felix

"Tch! just bring them to the head quarter and you"-hinarap ni Mike ang mga kasambahay

"Better leave now before we change our mind"-Mike said and move out.

I'm the Lost Girlfriend of the Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon