EIGHTManghang-mangha ako nang makita ko ang malaking bahay nila Ars. Nakita ko na 'to dati pero iba ngayon marahil may mga nakalagay na disenyo. Nasa malaking garden nila ang mismong party. Marami ng tao ngunit hindi pa nagsisimula ang party, wala pa ring Arsen na nagpapakita.
May kinakausap si Mama at Papa na kakilala. Samantalang kami naman ni Chiv ay magkasama lang at naghihintay silang matapos. Nilingon na kami nina Mama at tinanguan kami, senyales na sundan na'min sila. Nagulat ako nang sa gitnang table kami pina-upo. Nakakapukaw ng atensyon dito lalo na't napansin kong ako lang ang nakapula sa lahat ng bisita na nakasuot ng pink na bistida at light blue na polo.
"Ano ba 'to, pakiramdam ko ay mali ang naisuot ko." Bulaslas ko at tinignan ang suot.
"Nothing's wrong with what you're wearing. Actually, you look gorgeous with it," Napalingon ako sa nagsalita kahit kilalang-kilala ko ang boses na 'yon.
"Ace!" Sambit ko at pinasadahan ang suot niyang suit at light blue na polo. Mas lalo siyang gumwapo tingnan dahil sa magulo niyang buhok.
Nginitian niya ako at nagmano sa parents ko. Wow, cool na cool lang siya, ah? Sandali pa't nakipagkwentuhan siya kila Mama, dumating na rin sina Stef at Miles na nag-gagandahan sa mga suot nila. Binati lang nila sandali sina Mama at kami rin ni Chiv at umalis na rin papunta sa kakilala nila.
Maya-maya ay namatay ang lahat ng ilaw at tumutok ang spotlight sa mini-stage sa unahan ng garden. Nakatutok ito sa buong pamilya ni Arsen. Ang parents at grandparents niya.
"Magandang gabi sa lahat. Itong engrandeng selebrasyon ay para lamang sa aking nag-iisang apo. Gusto kong ibigay ang lahat para sa kanya. Happy Birthday sa pinakamamahal kong apo, Arsen." Pag-uumpisa ng Lo ni Arsen. Lumabas na rin si Ars suot ang kanyang dark blue suit at puting polo. Aminado ako na kahit bakla siya, ang gwapo niya. Tingin ko rin ay kami-kami lang ang nakaka-alam na bakla siya.
Binati siya ng kanyang pamilya at mangiyak-ngiyak rin ang kanyang ina. Nag-umpisa na rin ang selebrasyon ng birthday niya at nakipagcheers kami ng inumin ngunit red wine lang ang amin ni Chiv. Maya-maya pa ay lumapit na si Ars sa'min at inunahan ako ni Mama na bumati sa kanya.
"Nako, ang gwapo mo naman! Happy Birthday, ha? Itong regalo ko sa'yo. Mag-enjoy ka," Dire-diretsong sabi ni Mama.
"Ay, nag-abala pa po kayo. Salamat po," Sagot naman ni Ars at hinalikan ang pisngi ni Mama. Nakipag-high five naman siya kay Dad at lumapit na rin sa'min ni Chiv.
"Happy birthday, bro." Ani Chiv at nakipag-high five rin.
"Wow, ang lalaki na'tin ngayon." Sabi ko at pinasadahan ang buong katawan niya.
"Bagay ba?" Tanong niya at tinaas-baba ang kilay. Tumawa kami at inabot ko na sa kanya ang regalo na'min.
"Naghati kami ni Chiv dyan," Naka-ngiting sambit ko.
"Salamat, bro." Sabi niya kay Chiv. "Pwede bang hiramin muna ang prinsesa mo?" Pagpapaalam ni Ars kay Chiv. Natawa naman ako sa kalokohan niya.
"Should come back unscathed," Tanging sagot ni Chiv na ikinatawa na'min.
"Ikaw talaga, saglit lang ako. Pumunta ka muna sa mga kaibigan mo," Sabi ko at nginitian siya. Alam ko namang ayaw niya lang akong iwan kanina. Tumango lang siya at inilahad na ni Ars ang braso sa'kin. Agad ko namang pinulupot ang braso ko roon.
"Happy birthday ulit," Sabi ko at nginitian siya.
"Salamat, prinsesa ko." Aniya at iginaya ako paalis sa pwesto na'min.
BINABASA MO ANG
A Twist in My Story *Completed*
عاطفيةI never thought these things could happen. I am just watching the whole world move while I was standing. Until it struck me. I knew I shouldn't just watch. I knew I just find a way. I knew I should be the one to write my own story and cast my own fa...