#Fear 18: Love is in the Air
✙ Xenzel's POV ✙
Maaga pa'kong umalis sa dorm at tulog pa si Olivia nung umalis ako. Tulog mantika din yun kaya hindi niya naramdaman yung mga ingay ko.
Bihis na'ko at naglalakad na'ko papasok sa Side Gate ng Seriun. Tinitext ko sina Nem at Celine. Gusto ko lang kumustahin ang dalawang yun since hindi kami nakapag-usap matapos nung AFS meeting namin last weekend.
Saktong natapos na'ko sa pagte-text sa kanila nang bigla kong namatahan ang isang pamilyar na lalaking naglalakad sa harapan ko.
Si Zypher 'to ah? Oh fck.
Naisipan kong magtago sana sa gilid pero huli na'ko. Nakalingon na siya sa'kin.
Peste.
"Uy, babe." Nakangisi niyang bati sa'kin sabay ayos nung glasses na suot niya. "Ang ganda na agad ng umaga ko. Good morning." Huminto siya para hintayin ako. Letse.
"Ulo mo." Nakanguso kong sagot sabay lampas sa kanya.
"Babe, positive na ba talaga?" Bigla niyang tanong matapos niyang humabol sa'kin.
"Positive ang ano?" Nagtataka ko namang balik-tanong sa kanya. Pinagsasabi nito?
"Na magkakaanak na tayo. Buntis ka diba?" Nakangiti pa ang gago!
"Gagu ka talaga noh!" Kinaltukan ko siya sa bunbunan!
"Okay lang, babe. Naiintindihan ko na ngayon. Lagi kang nagsusungit kasi buntis ka na pala." Kinurot pa niya pisngi ko!
"Zypher ah! Baka may makarinig sa'yo at isipin nilang totoo! Tumigil ka!" Sinabunutan ko na talaga siya! Bwisit na 'to!
"Bakit? Totoo naman talaga ah?" Umurong siya kaya napahinto yung pagsabunot ko sa buhok niya.
"Ano—aba't—"
"Totoo naman talagang gusto kita." Ngumiti pa ulit siya at bigla niya'kong hinigit palapit sa kanya't niyakap!
JUSKU LORRRDDD!
"I love you, Xen." Bigla niyang sabi. SABI talaga, hindi bulong o ano pa man. SINABI TALAGA NIYA!
"Patawarin ka sana!" Buong lakas ko siyang tinulak at tumatawa-tawa naman siyang kumawala sa'kin.
"Ang sweet mo talaga, babe."
"Ptangina mong gago ka!" Shete napapamura talaga ako sa taong 'to!
Sasagot pa sana siya nang biglang may sumingit sa eksena. Nakapasok na pala kami sa Seriun.
"Zypher! Kuya~" Sabay-sabay na bati ng mga lalaking estudyante sa kanya.
Agad ko silang binilang.
Isa, dalawa, tatlo, apat, lima.
Okay, medyo marami nga sila.
"Ay, girlfriend mo, kuya?" Tanong ng lalaking nasa unahan ng grupo. Mas gwapo sa kanya yung apat na nasa likuran niya.
BINABASA MO ANG
Ghosts and Gangsters
Romance"Hindi ako natatakot mamatay at pumatay, pero natatakot akong mawala ka kasi mahal na mahal kita." #COMPLETED ☣ von Einsiedel Series 1 Dalawa lang ang lugar na pwedeng puntahan ni Xenzel: sa lugar ng mga multo o sa lugar ng mga gangsters. Takot lab...