[Dedicated ko po ito sayo!!! ang ganda po kasi nung seducing my gay boyfriend na story mo po... ang cute pa nung tawagan nila Baby A Baby D... sa cp ko lang po sya nabasa]
Naglalakad na ako sa hallway ng school papuntang kabilang building dahil dun ang classroom namin. Nang makarating ako sa building at naglalakad sa corridor ng school lahat ng tao nakatingin sa akin--- tingin na parang may ginawa akong masama.
“Hey magna!” sigaw ng isa kong kapwa estudyante ko pero di ko pinansin. May sumigaw ulit pero nagtaingang kawali ako hanggang sa lahat sila ay sumigaw ng ng “Hey magna!”
Bakit naman kaya nila ako tatawagin na magna eh ang bait bait ko nga. Pagkapasok ko sa classroom nakatingin din sila lahat sa akin pero nakangiti sila kaya nakahinga ako ng maluwag… pero hindi pa pala dapat ako huminga ng maluwag.
“Hello magna, good morning.” bati sa akin ni Gerd.
“Teka nga, bakit ba magna ang tawag nyo sa akin?” galit na tanong ko sa kanila pero nagkibitbalikat lang sila. Kainis naman oh!!! “Ano ba ang ninakaw ko?” tanong ko ulit sa kanila pero nagkibit balikat lang sila ulit.
Dumating na yung teacher namin kasabay yung iba naming kaklase.
~~~
“Hello magna!” patiba naman si Kent magna rin ang tawag sa akin.
“May tanong ako kent.”
“Ano yun magna?” grrrr… nabuburyung na ako sa kakatawag nila sa akin ng magna.
“Magna ang tawag nyo sa akin bakit?” katulad ng iba ng kibitbalikat lang din sya at kinindatan ako.
“Kainis ka Kent!” sabay tulak ko sa kanya pero tinawanan lang ako.
“Malalaman mo rin honey!” aba ngayun honey? Kanina magna? Ano to lokohan? Pero yung honey ang sarap pakinggan.
“Bahala ka!” nagsimula na akong kumain. Pagkatapos ko kumain pumunta ako sa lawn kung saan walang taong tatawag sa aking “Hey magna”, “magna” o kung anong pwede pa nilang itawag sa akin.
Natulog muna ako dun sa may ilalim ng puna. Isinandal ko yung likod ko at ipinikit yung mga mata ko at nilamon na ako ng antok.
Pagkagising ko tiningnan ko yung orasan ko, 1:30 pa lang. tumayo na ako at ipinagpag yung palda ko at nagunatunat. Naglakad lakad muna ako dun sa lawn .
“Hey magna!” napatigil ako sa paglalakad.
Tss… narinig ko na naman yung “Hey magna ” na yan!
“Hey magna!” sigaw ni… Kent mula ata sa isang megaphone. Sya pa pala ang pasimuna nito ah! Humanda sya sa akin.
Sinundan ko yung boses hanggang sa makarating ako sa basketball gym. Nakita ko agad ang walang hiyang si Kent. Pagkahakbang ko papasok sa basketball gym ay biglang nagsilabasan yung mga iba kong kapwa estudyante.
“Hey magna…” sabay sabay na sabi ng mga kapwa estudyante ko at mga classmate ko.
“Magnanakaw ng puso ko…
binihag mo ang puso ko
nasa isipan na tuloy kita palagi kaya pagnakita kita
huhulihin kita at sasabihing
Hey magna… magnanakaw ng puso ko
binihag mo ang puso ko…” sinundan yun ng pakantang awit ni Kent na ang tono ay yung kantang Hey mambo… mambobote ako paglaki ko…
Kinanta ulit ni Kent yun pero this time hindi na ako naiinis at lumakad na ulit ako papunta kay Kent at pati si Kent ay naglakad na rin papunta sa akin. Hanggang sa magkalapit kami.
“I love you.” Sabi ni Kent at nag uuuy naman yung mga estudyante. “Can you be my girlfriend?”
“Nanligaw ka na ba?”
“Oo.”
“Ligaw ba yung tawagan akong magna?”
“Hahaha… okay sige liligawan kita magna, magnanakaw ng puso ko!”
♥♥♥END♥♥♥
[Sana nagustuhan nyo!!]