<Kurt's pov>
tatlong buwan na ang nakakalipas simula ng maaksidente si Nathalie, hanggang ngayon ay wala pa din syang naaalala, I miss her so much, yung dating kami, na kahit ang lamig at ang sungit ng pakikitungo nya sakin ay okay lang wag lang yung ganito, na nakalimutan na nya ang lahat.
isang taon ko syang hinintay at inaasahang makukuha ko na ang matamis nyang oo, pero nawala lahat ng pag asa ko sa nangyaring ito.
Si Railee na kaibigan ni Nathalie ay nag dudusa ngayon sa isang rebelasyon na hindi nya maintindihan.
Si Luke na naapektuhan sa sobrang pag aalala sa kapatid, kung hindi lang si Janine ang may hawak ngayon ng kumpanya ni Luke ay siguradong nalugi na ito sa sobrang stress out ni Luke.
hindi ko alam pero maraming problema ang pumasok ngayon sa lahat ng taong naka konekta kay Nathalie, at alam kong si Nathalie lang din ang makakatulong sakanila ngunit nasa isang problema din si Nathalie, ayun ay hindi nya kami maalala.
kailan kaya nya kami maaalala o maaalala pa ba nya kami.
paano na kaming dalawa? How will it last?
--------"Luke! that's enough" pigil ko sakanya dahil napaka daming gamot ng hinahalo nya sa pag kain ni Nathalie iba't ibang gamot iyun para sa mga taong may amnesia upang mabilis maka alala.
"gusto ko na syang gumaling Hyung!" medyo na luluhang sabi nya sakin.
"pero alam mo naman na baka ma overdose si Nathalie nyan, mas makakasama lang yan sa kalagayan nya" wala namang nagawa si Luke kaya itinapon na din nya ang pag kain at kumuha ng panibago, pero sinabi ko sakanya na ako na ang mag dadala ng pagkain ni Nathalie.
"Nath, kain ka muna" sabi ko sakanya, naka sandal sya sa head board ng kama nya at nag babasa ng isang libro na hindi ko maintindihan ang title.
"thank you" sabi nya at umayos upang kumain, sa kabilang banda ay okay lang naman na may amnesia sya dahil napaka bait talaga nya, hindi na sya yung Nathalie na napaka weird at sungit.
"sinong nag luto? ang sarap!" puri nya.
"si Luke ang nag luto para sayo" napatango na lang sya, ramdam ko din na nangungulila si Luke sa ate nya, dahil ngayon ay hindi na sya tinuturing na kapatid nito.
"wala ka pa din bang naaalala?" tanong ko sakanya, nag babakasakali lang naman.
"well, my parents, I remember them but only them" medyo napa ngiti naman ako, dahil may naaalala na din sya kahit papaano.
"good for you" sabi ko sakanya at niligpit na ang kinainan nya, tapos na kasi sya.
napansin ko naman na naka titig sya sakin.
"why?" tanong ko sakanya.
"are you still waiting for me to remember you?" tanong nya sakin kaya naupo ulit ako at humarap sakanya.
"yes, I will wait for you" sagot ko sakanya at kinukumbinsi ko syang maniwala.
"paano kung hindi kita maalala?" naramdaman ko naman ang takot sa dibdib ko, paano nga ba kung hindi na nya ko maalala?
"I will wait for you pa din kahit matagal" bakit ba ang daming tanong nito? nung mga nakaraang buwan naman hindi sya ganito!
"what if maalala kita pero hindi kita mahal? what will you do?" nginitian ko naman sya at ginulo ang buhon nya.
"pipilitin kong mahalin mo din ako katulad ng ginawa ko dati, Nathalie, Im here for you, always, sige na take a rest" sinunod din naman nya ako agad.
paano nga ba kung hindi nya na ko mahal? tss! Nathalie! wag naman sana! I will still wait for you no matter what.