CAM 1

138 4 2
                                    

CHAPTER 1

"Tol, matagal ka pa ba?! halos bente minutos na ko dito oh!" nainip na sa kakahintay sa labas si Seth kaya pumasok na sya sa CR ng boys para tignan kung nakabihis na ba ang bestfriend nya. Bigla namang nagulat ang lahat ng lalaking nasa loob ng CR pagkakitang may pumasok na babae sa CR ng mga lalaki. "Para ka namang babae kung magbihis! Una na ko ah! Hintayin kita sa tapat ng room 229." sabi ni Seth na parang walang lalaking nakapaligid sa kanya.

Pawisang lumabas ang bestfriend ni Seth sa CR habang inaayos pa rin ang uniporme nito.

"Hay salamat naman natapos ka na! Dinaig mo pa ang babaeng sumusuot ng gown sa kabagalan mong magbihis!" sermon ni Seth sa bestfriend nya pagkarating nito sa tapat ng room 229. "Nga pala! Eto ang kwarto ng aalagaan mo!" sabi niya habang nakasandal sa pinto ng kwarto. "Mayaman yung pasyenteng nandito kaya nga espesyal yung kwarto niya. Dapat tandaan mo palagi yung mga sinabi sayo nung orientation at training. Pati yung bilin ko tanda mo pa ba?"

"Oo naman! Number 1, habaan ang pasensya. Number 2, huwag saktan ang pasyente. Number 3, iwanan sa bahay ang katamaran at panghuli, huwag--. Teka nga lang! Bakit ganun yung number 4?!"

"Syempre babae yung aalagaan mo! Mabuti na yung naninigurado. Kilala kita Mister Earth Sirrah! Huwag na huwag mong mamanyakan yung pasyente mo. Naku! Lagot ka sa tatay niyang Heneral pagginawa mo yun!"

"Psh! Hindi naman ako magkakainterest dyan. Tol, hindi ako pumapatol sa baliw!" sabi ni Earth habang binubuksan ang room 229.

Pumasok ang dalawa sa loob at halos malaglag ang panga ni Earth pagkakita sa itsura ng kwarto.

Lumapit si Earth sa bestfriend "Sigurado ka bang tao talaga ang pasyente dito?" bulong nito.

Siniko naman agad siya ni Seth. "Ayusin mo yung mga kalat dito. Kailangan na ko ni Doctor Perez sa baba" sabi ni Seth habang paalis na ng kwarto.

"Ayun... Dyan ka naman magaling eh! Pag-oras ng disgrasya, umeexit ka na lang ng basta basta" nagtatampong sabi ni Earth.

"Kaya mo na yan! Ikaw pa!" pampalubag loob na sabi ni Seth habang sinarasarado ang pinto.

21 years old na si Earth. Pinasok siya ng bestfriend niya sa mental hospital para magtrabaho kung san din nagtatrabaho si Seth dahil walang tumatanggap na kompanya sa kanya.

"Ano ba ko dito? Taga-alaga o taga-linis ng kalat nya? Nakakainis naman! Ni kwarto ko nga di ko malinis linis tapos eto pang kala mo eh hindi tao ang nakatira?!" Tinignan nya ulit ang buong kwarto na may punit punit na kurtina ng bintana, wala sa ayos na kama, nakataob na sofa, at basag na baso. Huminga ng malalim si Earth dahil hindi niya alam kung pano nya sisimulan ang paglilinis ng Kwarto. Naisipan ni Earth na humiga muna sa kama dahil tinatamad pa itong maglinis. Hihiga na sana siya ng maramdamang may naapakan siyang parang kamay ng isang tao.

Hinila ni Earth ang kama papunta sa gilid ng kwarto. Pagkahila niya ng kama, nakita niya ang isang babaeng nakahiga sa sahig. Paniguradong ito na ang pasyenteng aalagaan niya dahil nakahospital gown siya. Umupo si Earth sa may tabi nito.

"hmmm.. Wala sa itsura mo ang pagiging baliw ah" sabi ni Earth habang inaayos ang magulong buhok ng babae. "kaya ka siguro nakatulog dahil napagod ka kakalat ng mga gamit dito. Grabe ka! Tao ka ba talaga?" tanong ni Earth sa tulog na tulog na pasyente pagkatapos ay binuhat nya ang babae papunta sa kama nito.

*****

"Kamusta ba si Mr. Sirrah?" tanong ng tatay ng pasyente pagkapasok ni Seth sa opisina ni Doc Perez, ang doctor ng pasyente.

Crazy and MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon