Chapter 8
Veras POV
Its Monday. Naghahanda na ako ng gamit ko. Its still 6 am pero dahil masyado akong maagang nagising at hindi na ulit ako makatulog ay napagdesisyonan kong maging isang mabuting mamamayan ng bayang pilipinas. Because CHANGE IS COMING.
Nang matapos na akong maghanda, naligo na rin ako at nagbihis. Nagsuot ako ng ripped jeans, plain white v-neck shirt, and white vans then gray na bonnet. Its not because Im boyish kaya gayun ang nagging outfit ko. Its just that I dress according to my mood. Hindi naman din ako masyadong girly, yong may pagkatama lang. I dont want to overdo things.
Monday ngayon at required kaming magcivilian every Monday. Sa Wednesday din ang flag ceremony namin. What a weird school. Mana ata kay Chonggo. Ahh screw him.
Nang makontento na ako sa itsura ko (I always am), bumaba na ako at nadatnan si Manang na nagluluto ng Ham. Napangiwi ako.
No luncheon meat for me? I asked.
Tumawa naman si Manang. Makakalimutan ko ba yon? nagliwanag naman ang mukha ko.
Itinuro ni Manang ang mesa at nandun nga ang luncheon meat. Naupo na ako at nagsimula ng kumain. I invited Manang to dine with me kaya lang maghahanda pa siya ng gamit ng bunso kong kapatid. Ngumuso naman ako. Hmfp.
Max, pasuyo naman, pwedeng pakigising naman si Kent. Manang calls me Max, and I dont mind. Siya at si Zach lang ang tumatawag sa akin ng ganun. Ewan ko lang sa trip nila. I nodded at tumungo na sa kwarto ng kapatid ko.
The door wasnt locked so daretso ako sa pagpasok. Kulay green na ang kulay ng mga walls niya na dati ay blue. I can still smell the scent of the paint kaya halatang bago pa ito. Kahit kalian talaga ang arte nitong kapatid ko. Kung ano ang pinaggagagawa sa kwarto niya. One time, he painted it pink kasi he thinks its cool daw kaya napasapo nalang si Kuya sa noo niya at wala ng nagawa sa nakangiting kapatid ko. Well thats Kent Xavier Ignacio for you.
Hey. Tapik ko dito at umupo sa gilid ng higaan niyang kulay green din. Yung totoo? Nagsisimula naba siyang magcare sa mother nature? Kung ganoon man, proud ako para sa kanya.
Marahan siyang lumingon sa akin at kinusot ang mata niya.
What now sissy? iritado niyang singhal sa akin. Kumunot naman ang noo ko.
Dont call me sissy. Call me ate. At pinitik ko ang noo niya. Napasapo naman niya ito.
"Ayoko nga, im too old for that." Aba aba! Too old eh grade 6 ka pa nga eh. Hampasin kita ng electric fan.
"Really? Cause for me, you're still my baby boy. Rise up and shine baby boy. May food nasa baba. Lets eat na baby boy. Baka pumayat ka niy --"
"Ghad sissy stop it. It's kadiri. Nasusuka ako." Utas niya na pulang pula na ang mukha.
"Baby boyyyyyy, hugg ateee" panunuya ko sa kanya. Nag igting naman ang bagang niya.
Mabilis siyang bumangon at pinagtutulak ako palabas ng kwarto niya habang tawa naman ako ng tawa.
"HAHAHA ALRIGHT MISTER, bilisan mo at malalate na tayo." Then he slammed the door at sinimangutan ako.
Its sad kasi ang bilis niyang lumaki. Noon isa lang siyang matabang bata na laging taya kapag naglalaro kaming magkapatid ng tagutaguan. He used to sleep in my room kasi tinatakot siya ni Kuya sa mumu and stuffs. Sa akin din siya nagsusumbong kapag may umaaway sa kanya at ako naman to the rescue agad.
Pero ngayon, he's acting mature. Hahahaha. Gumagaya kay Kuya. Marami na rin ang nagkandarapa at nabrokenhearted sa kapatid ko. Well, can't blame him, it runs in the blood. He's maintaining his snob pero hot personality. Like yucks. HAHAHAHAHA
BINABASA MO ANG
My Tremendous Jerk
Teen FictionShe dreamed for a prince, a knight and shining armor. A man of her dreams. Then came a tremendous jerk who'll make him fall and who'll make her realize that the man of her dreams is non other than him.